LAS FIL9 Blg.2 Q4
LAS FIL9 Blg.2 Q4
LAS FIL9 Blg.2 Q4
Kuwarter 4 Bilang 2
I. PANIMULANG KONSEPTO
A. PAGBALIK-ARALAN MO!
1
B. BASAHIN MO
Paksa sa Pagkatuto
Noli Me Tangere
Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
Buod:
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao
ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban
ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kumampi.
Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay
mga casique.
2
Mula sa https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-11-ang-mga-makapangyarihan-ang-buod-ng-noli-me-tangere_146.html
Noli Me Tangere
Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Buod:
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod
na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-
araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay
mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang tuping lata na niluma
na ng panahon. Masukal ang kabuoan ng libingan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa
pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago
sapagkat hindi siya mapakali, dura nang dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa
at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong
tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang
kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa
gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw
ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at
ilibing sa libingan ng mga Intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na
lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.
Mula sa https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-12-araw-ng-mga-patay-ang-buod-ng-noli-me-tangere_147.html
C. PAGSANAYAN MO
Pagpapahusay sa Pag-uugnay
Panuto: Sa binasang kabanata, maghanap ng mga pahayag o linya mismo sa akda at isulat ito sa loob ng
talahanayang inilaan. Karugtong nito, mag-isip ng mga napapanahong isyung ating nararanasan sa
kasalukuyan at ipaliwanag kung paano mo ito maiuugnay sa kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan.
3
Para sa Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
4
D. TANDAAN MO
5
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sa parehong kabanatang binasa, tukuyin ang mg bisa ng panitikan nito sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga sagot sa kahong inilaan.
BISA SA ISIP
Sa pagbabasa, suriin ang sariling isipan kung may naganap na pagbabago buhat sa dating kalagayan.
Alalaong baga, umunlad ba ito o yumaman kaya? Nabago ba ang ating sariling pananaw o paniniwala?
Nabuksan ba ang isipan sa lalong malawak na pang unawa ng mga bagay- bagay na nagaganap sa
kapaligiran. Itanong ang mga katanungang ito sa iyong sarili at alamin ang sariling kasagutan sa bawat isa
sa tuwing magbabasa ng katha o manonood ng isang pelikula.
BISA SA DAMDAMIN
Nagaganap ito sa pamamagitan ng pananawagan sa ating mga pandama, paggising ng mga gunitang
nakaukit sa ating alaala o dili kaya’y tahasang nagpapahiwatig ng damdaming nais pukawin sa puso ng
mambabasa. Ang bisang pandamdamin sa isang tula ay nasa tahasang
pagpapahayag at paggamit ng mga katayuang nakakapagpasidhi sa pinupukaw na damdamin.
BISA SA KAASALAN
Anomang aral na napulot o napanood ay kusang magiging bahagi ng mga pagpapahalagang moral ng
bumabasa. Ito ang dahilan ng pagbabago ng mga pagpapahalaga ng isang tao. Lilikha at lilikha ito ng
pilat sa sariling katauhan.
Bisa sa Isip
Bisa sa
Damdamin
Bisa sa
Kaasalan
6
Para sa Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Bisa sa Isip
Bisa sa
Damdamin
Bisa sa
Kaasalan
I. SUSI SA PAGWAWASTO
https://google.com
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-
notes-summary-in-tagalog-kabanata-11-ang-mga-makapangyarihan-ang-buod-
ng-noli-me-tangere_146.html
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-
notes-summary-in-tagalog-kabanata-12-araw-ng-mga-patay-ang-buod-ng-noli-
me-tangere_147.html
Inihanda: