Fil6 Q4 Mod1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

6

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Paggawa ng Patalastas at
Usapan Gamit ang Iba’t Ibang
Bahagi ng Pananalita
Paggamit ng Pangkalahatang
Sanggunian sa Pagtipon ng mga
Datos na Kailangan
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1

Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative


Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
• Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng
Pananalita
• Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtipon ng mga Datos na
Kailangan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtulis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Clarissa V. Sayon, Roselyn C. Roldan


Editor : Juliet P. Quezon
Tagasuri: Juliet P. Quezon, Emily D. Claro, Edwin Pameroyan
Carmel Joy P. Aujero, Jenelyn G. Navajas, Roselyn Roldan
Celestino S. Dalumpines, IV, Angela B. Dilag, Antonette Espora
Tagaguhit: Ednan Jamandre, Ana Mae P. Aujero
Tagalapat: Jerry R. Baguios, Joy P. Nakamura, Jerome B. Reynes
Mga Tagapamahala: Ramir B. Uytico Gladys Amylaine D. Sales
Nicasio S. Frio Elena P. Gonzaga
Donald Genine Federico P. Pillon, Jr.
Juliet P. Quezon Carmel Joy P. Aujero

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education: Region VI


Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: [email protected]
6
FILIPINO
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Paggawa ng Patalastas at
Usapan Gamit ang Iba’t Ibang
Bahagi ng Pananalita
Paggamit ng Pangkalahatang
Sanggunian sa Pagtipon ng
mga Datos na Kailangan

Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
magaaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Kamusta mag-aaral? Binabati kita! Nasa ikaaapat na markahan na tayo


ngayon.

Sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita, gumagamit


tayo ng iba’t ibang bahagi ng pananalita upang patalasin ang ating kasanayan sa
paggawa ng maayos at epektibo na patalastas at usapan: mapa-tv, mapa-radyo,
maging sa pahayagan, o sa iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan. Inihanda ang
araling ito upang mahasa ang iyong kasanayan.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan kang:


 nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng
pananalita. (F6WG-IVb-i-10)

Subukin

Panuto: Batay sa larawan A at B na makikita mo sa ibaba, gumawa ng usapan at


patalastas gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

CO_Q4_ 1
A. Usapan B. Patalastas

Filipino 6_ Modyul
1

Aralin Paggawa ng Patalastas at


Usapan Gamit ang Iba’t Ibang
1 Bahagi ng Pananalita

Bago natin umpisahan ang isa pang bagong aralin, subukin natin ang iyong
kaalaman sa mga bahagi ng pananalita.

Kaya mo bang kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang mga salita sa loob
ng pangungusap? Sagutin ang sumusunod na gawain.

Balikan

2
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Panuto: Kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang kataga/salitang may
salungguhit. Piliin ang iyong sagot sa: pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri,
pang-abay, pang-ukol, pangatnig, at pang-angkop. Isulat sa sagutang papel.

1. Isang malakas na bagyo ang Yolanda.

2. Si Miriam ay bumili ng pasalubong para sa mga kapatid niya.

3. Makinis ang kaniyang pisngi.

4. Darating na ang mga bisita mamaya.

5. Sumasagot si Ian ng kaniyang modyul.

Tuklasin

Ang tao ay may mga pangangailangan upang magkaroon ng isang disenteng buhay
at nadadagdagan ito ng sobrang daming ninanais na makamtan maliban sa
simpleng pangangailangan.
Dahil hindi maiwasan ang kompetisyon sa pag-akit sa mga mamimili, ang mga
negosyante ay may iba’t ibang paraan upang hikayatin ang mamimili. Sa radyo,
telebisyon, at mga magasin ay maraming mga patalastas upang maging mabili ang
kanilang mga paninda o produkto.
Paraan din ito upang mabatid ng mga mamimili ang kanilang maaasahan sa mga
bagay o produktong kanilang nais bilhin. Kaya, mahalaga na ang isang patalastas
ay madaling maunawaan at nakakaakit sa atensiyon ng mamamayan.

Panuto: Suriin ang sumusunod na patalastas at usapan. Kilalanin kung anong


bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
3
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
5
Kaya’t gamitin habambuhay

1. __________

2. __________

3. __________

4. __________

5. __________

4
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
6. __________

7. __________

8. __________

9. __________

10. __________

5
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Suriin

Ano ang patalastas?

Ang patalastas ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa


pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pangmadla.
Ito ay naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin ang mga bagay o
produkto na nais nilang tangkilikin at dito rin nalalaman kung ang mga bagay na
ito ay epektibo o de kalidad.
Ang patalastas ay ang pakikipag-ugnay sa mga tao na ginagamitan ng iba’t
ibang uri ng pananalita.
Halimbawa:
Gusto mo bang kuminis ang iyong kutis?
Gumamit na ng Kamis lotion!
Puputi ka na, kikinis pa ang kutis mo!
Mabibili ito sa lahat ng grocery store.

Ano naman ang usapan?

Ang usapan ay ang komunikasyon na namumutawi sa dalawang tao. Ito rin


ay palitan ng linya ng dalawa o higit pang tauhan na nag-uusap.

Halimbawa:
Nina : Magandang umaga po, Ginang Marcel!
Ginang Marcel: Magandang umaga naman, Nina. Saan ka
pupunta?
Nina : Maghahatid po ako ng agahan ni tatay sa
taniman namin.
Ginang Marcel: O, sige mag-ingat ka sa daan.
Nina : Maraming salamat po! Aalis na po ako.

Ang patalastas at usapan ay gumagamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita.


Naaalala mo pa ba ang mga ito?

Iba’t ibang bahagi ng Pananalita

1. Pangngalan – Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o


lugar, hayop, o pangyayari.

Halimbawa: Arturo, Adidas, Silay City, bata, Pasko, gusali

2. Panghalip – Ito ay bahagi ng pananalita na pamalit o panghalili sa


pangngalan o kapuwa panghalip upang mabawasan ang paulit-ulit na
pagbanggit nito.

Halimbawa: ako, ito, siya, ayan, sila, ayon, tayo, kami

6
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
3. Pandiwa – Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

Halimbawa: sayaw, lakad, takbo, laba

4. Pangatnig – Ito ay mga salita, lipon ng mga salita o kataga na ginagamit sa


pag-ugnay ng isang salita sa kapuwa salita, ng isang parirala sa kapuwa
parirala, o ng isang pangungusap sa kapuwa pangungusap.

Halimbawa: ngunit, kung, kasi, subalit, o, para

5. Pang-ukol – Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan,


panghalip, pandiwa, at pang-abay sa pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari,
balak, o layon.

Halimbawa: ukol sa/kay, ng, laban sa/kay, para sa/kay

6. Pang – angkop – Ito ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na


salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng
mga ito. Ginagamit din ito upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga
salitang binibigyang-turing nito.

Halimbawa: na, ng, at g

7. Pang-uri – Ito ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa isang


pangngalan, o panghalip, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas
partikular.

Halimbawa: maganda, mahaba, hugis puso, berde

8. Pang-abay – Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa,


pang-uri, o kapuwa pang-abay.

Halimbawa: taimtim, bukas, sa paaralan, kaunti

Pagyamanin

7
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang usapan. Tukuyin kung anong bahagi ng


pananalita ang salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Letty : Uy, 1Ben! Kumusta ka na? Bakit hindi ka na pumapasok sa klase?

Mario : May problema 2ka ba? May maitutulong ba kami sa ‘yo?

Ben : 3Tinutulungan ko kasi ang nanay ko sa pagtitinda ng gulay 4sa


bayan.

8
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Letty : O sige, aasahan namin na papasok ka na 5bukas at tutulungan ka naming
magpaliwanag kay Gng. Cortes kung bakit ka lumiban sa klase.

1. __________________________ 2.
__________________________ 3.
__________________________ 4.
__________________________
5. __________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang patalastas. Kilalanin kung anong bahagi ng
pananalita ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

NANGANGAILANGAN!!!

6
KASAMBAHAY NA BABAE
Gulang: 22-30
Pinag-aralan: Tapos ng 7Sekundarya

Makipagkita 8kay:
9
Bb. Clarissa Sayon
Blk. 40, Lot 1, Carmel Subdivision
Brgy. 59, Lungsod Silay, Negros Occidental
10
Tumawag sa Telepono 0998-089-9041

6. __________
7. __________
8. __________
9. __________ 10. __________

Gawain 3
Panuto: Salungguhitan ang salita sa sumusunod na patalastas at usapan ayon sa
hinihinging bahagi ng pananalita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Pangngalan 1. Maging sikat sa barkada! Isuot, Kamisetang Piña.


Pang-uri 2. Matibay at malambot sa paa ang sapatos ko.
Pang-abay 3. Ang sabong Sinag ay tunay na pampaputi.
Pangatnig 4. Malambot at matibay na, magaan pa sa bulsa!
Pang-ukol 5. Para sa lahat ang lasa Sorbetes-Pinoy malasa talaga!

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Panghalip 6. Ako ang mutya ng Pasig.
Pandiwa 7. Umiinom ako ng gatas tuwing umaga.
Pang-angkop 8. Ang tibay, sariling atin
Pangngalan 9. Masarap kainin ang mainit na saging.
Pang-uri 10. Maganda ako.

Isaisip

Ano ang dapat isaisip sa paggawa ng mga patalastas at usapan?


Kailangan natin ang iba’t ibang bahagi ng pananalita sa paggawa ng
patalastas at usapan.
Ang patalastas ay isang uri o anyo ng kumunikasyon o
pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagbebenta upang mahikayat o
mahimok ang madla na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos. Sa
pinakakaraniwan, ang inadhikang resulta ay ang maimpluwensiyahan ang ugali ng
mamimili alinsunod sa isang alok na kalakal o produkto.

Ang usapan ay kumunikasyon na namumutawi sa dalawang tao;


pagpapalitan ng ideya ng isang tao sa kaniyang kausap; maaaring tumukoy sa
tipan, diyalogo, talakayan, o kuwentuhan.

10
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Isagawa

Panuto: Gumuhit at gumawa ng isang patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang
bahagi ng pananalita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

A. Patalastas tungkol sa pinuntahang lugar na di-malilimutan

B. Usapan ng ina at anak

11
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Tayahin

Panuto: Gumawa ng isang patalastas at isang usapan gamit ang iba’t ibang
bahagi ng pananalita batay sa pinili mong produkto at paksa at sa rubrik sa ibaba.
Gawin ang sagot sa iyong sagutang papel.

Rubrik sa paggawa ng patalastas


Pamantaya 5 4 3 2 1
n
1. Nahihikayat at kaagad na nakakuha ng ang
atensyon
patalastas
.
2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad sahe.
ng men
3. Mahusay, praktikal at kaakit-akit ang
patalastas.
4. Matapat nitong nailahad ang mgaatalastas.
benipisyo ng p
5. Sa kabuoan, mahusay na nakapaglahadrmasyon.
ng impo

Rubrik sa paggawa ng usapan


PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN NG
5 4 3 PAGSASANAY
2-1
Paggawa ng usapan
(Kalidad ng paggawa o
angkop na usapan)
Nilalaman ng usapan
Anyo ng usapang
ginawa
Dating / Hikayat sa

12
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
mambabasa
Daloy ng buong usapan

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang patalastas at isang usapan gamit ang iba’t ibang uri ng
pananalita batay sa rubrik na ibinigay sa Tayahin. Pumili ng produkto/paksa sa
ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Produkto: 1. cellphone
2. ice cream
3. pabango
4. sapatos

Paksang pag-uusapan:

1. pagpaplano ng pagbakasyon ng isang pamilya


2. paghahain sa pananghalian
3. pag-aasikaso sa isang alagang hayop
4. paghahalaman

13
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Alamin
Magandang araw!
Ngayong panahon ng pandemya, isang libangan na kapaki-pakinabang ay
ang pagkalap ng mahahalagang mga impormasyon na iyong makukuha sa pagbasa
ng iba’t ibang pangkalahatang sanggunian.
Sadyang mahalaga sa atin ang paggamit ng mga sanggunian sa pagtipon ng
mga kaalaman na ating kailangan.
Isa sa una mong maaring sangguniin upang makakuha ng mga
pangunahing impormasyon tungkol sa iyong paksa ay ang pangkalahatang
sanggunian tulad ng mga sumusunod: diksyunaryo, encyclopedia, Atlas, Almanac,
at internet. Bukod sa mga datos na makukuha mula rito, maaari ring gamitin ang
mga ito upang malaman kung anong materyales pa ang puwede mong
mapagkukunan ng mga kaalaman para sa iyong sinasaliksik.
Maliban sa mga datos na makukuha natin dito, magagamit din natin ito
upang malaman kung saan pa tayo maaaring makakuha ng iba pang kaalaman
tungkol sa paksang nais nating matutuhan.

14
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Pagtatapos mo ng modyul na ito, inaasahan kang:

 nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na


kailangan. (F6EP–Ivg-6)

Subukin

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangkalahatang sanggunian ang gagamitin sa


pagkuha ng sumusunod na mga datos o impormasyon. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon at isulat ang titik lamang sa sagutang papel.

A. almanac B. atlas C. diksyonaryo D. encyclopedia

1. kahulugan ng isang salita


2. lawak nga bansang Amerika
3. mga bahagi ng teleskopyo
4. taong pinakamabilis tumakbo sa buong mundo
5. tamang pagpapantig ng isang salita
6. mapa ng kontinenteng Asya
7. siyentipikong nakadiskubre ng telepono
8. topograpiya ng bansang Hapon
9. tamang bigkas ng isang salita
10.pinakamalakas na lindol na tumama sa taong 2020

Nagagamit ang
Aralin
Pangkalahatang Sanggunian
2 sa Pagtipon ng mga Datos
na Kailangan

15
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Balikan

Panuto: Tingnan nang mabuti ang pahina ng diksyonaryong ito. Isulat kung
anong bahagi ng pananalita ang sumusunod na mga salita. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

gulang, png. – edad, taon, tanda, kahinugan gupit, png. – pagputol sa


1. gulang
gulat, png. - gitla, gulantang, takot, sindak buhok, papel, damit, atbp.

2. guro gulo, png. – gusot, ligalig, gimbal, bagabag guro, png. – maestro,
titser,
3. gusto gulong, png. –ikot, inog, ikit tagapagturo, propesor

4. gutom gumon, pu. – babad, lublob, pagkasugapa gusto, pd. – nais, ibig,

hangad 5. guyam gunita, png. -alaala, memorya, salamisim gutom, pu. - hayok

gupiling, pd.-idlip, himlay, pahinga guyam, png. -langgam, hantik

16
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Tuklasin

Panuto: Suriin at basahin nang mabuti ang pahinang ito ng encyclopedia. Magtala
ng limang (5) datos tungkol sa kompyuter batay dito. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Kompyuter

Ang isang kompyuter ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na


maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga
operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod-sunod na mga operasyon
ay maaaring handang mabago, ang kompyuter ay makalulutas ng higit sa isang uri
ng problema. Sa konbensiyon, ang isang kompyuter ay binubuo ng hindi bababa
sa isang elementong nagpoproseso na tipikal ay isang Central Processing Unit (CPU)
at isang anyo ng memorya. Ang CPU ay naglalaman ng mga operasyong aritmetiko
at lohikal at control unit (CU) na kumukuha ng mga instruksiyon sa memorya at
nagsasalin at nagsasagawa ng mga ito na tumatawag sa Arithmetic Logic Unit (ALU)
kung kinakailangan. Ang unang elektronikong digital na mga kompyuter ay
pinaunlad sa pagitan ng 1940 at 1945 sa United Kingdom at Estados Unidos.
Ang mga sukat nito ay orihinal na kasinlaki ng isang malaking kuwarto at
kumokonsumo ng labis na elektrisidad gaya ng ilang mga daan-daang modernong
personal na kompyuter (mga PC). Sa panahong ito, ang mga mekanikal na
analogong kompyuter ay ginagamit para sa mga aplikasyong pang-militar. Ang mga
modernong kompyuter na nakabatay sa mga integrated circuit ay milyon hanggang
bilyong mas may kakayahan sa mga sinaunang kompyuter at umookupa ng isang
praksiyon ng espasyong kailangan ng mga ito. Ang mga simpleng kompyuter ay
sapat na maliit upang magkasya sa mga mobile device at ang mga mobile computer
ay maaaring paandarin ng isang maliit na baterya. Ang mga personal na
kompyuter sa iba’t ibang mga anyo nito ay mga bahagi o kaugnay ng Panahon ng
Impormasyon at ito ang mga naiisip ng mga tao na tinatawag na “kompyuter”.
Gayunpaman, ang mga embedded computer na matatagpuan sa maraming
mga kasangkapan mula sa mga mp3 player hanggang sa mga sasakyang
panghimpapawid na pandigma at mula sa mga laruan hanggang sa mga
industriyal na robot ang pinakamarami. Karaniwang nagagamit na rin ang mga
modernong kompyuter sa pagnenegosyo, pagpapaganda ng larawan, paglikha ng

17
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
musiko, at pakikipag-ugnayan. Ang agham pangkompyuter ang disiplina na nag-
aaral ng teorya, disenyo, at paglalapat ng mga kompyuter.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

Suriin

Sa ating pananaliksik, kailangan natin ang mga sanggunian sa pagkalap ng


mga datos.
Ano-ano ang mga pangkalahatang sanggunian na maaari nating kunan ng mga
mahahalagang datos?
Pag-aralan ang sumusunod na pangkalahatang sanggunian:

a. Almanac. Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon at


pangyayari na naganap sa isang tiyak na taon sa buong mundo.

b. Atlas. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong pangheograpiya ng iba’t


ibang bansa at kontinente sa mundo.

c. Diksyonaryo. Ito ay naglalaman ng kahulugan, bigkas, baybay,


pagpapantig at kung anong bahagi ng pananalita ang isang salita.

d. Encyclopedia. Ito ay naglalaman ng mga datos sa lahat ng sangay ng


karunungan at ito ay nakaayos nang paalpabeto.

e. Internet. Isang teknolohiyang maaaring pagkunan ng maraming


kaalaman sa tulong ng kompyuter at mga high tech na telepono.

18
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Gamit ang pahina ng isang atlas sa ibaba, magtala ng limang (5) datos o
impormasyon tungkol sa bansang Pilipinas gamit ang mga gabay na salita. Isulat
ang sagot sa sagutang papel

Atlas of the Philippines


Tagalog Pilipinas – Republika ng Pilipinas

Isang kapuluang bansa ang Republika ng Pilipinas. Mayroon


itong higit kumulang 7,641 na mga pulo. Matatagpuan ito sa
rehiyong tropikal ng kanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko at 100 kilometro ang layo nito sa kontinente ng Asya.
Napapaligiran ng mga anyong lupa ang bansa tulad ng
bulkan, bundok, kapatagan, burol, lambak, talampas,
bulubundukin, pulo, yungib, at tangway. May mga anyong
tubig din nakapaligid dito tulad ng karagatan, dagat, look,
lawa, ilog, talon, at iba pa.

Bikolano: Filipinas Republika kan Filipinas


Cebuano: Pilipinas Republika sa Pilipinas
Hiligaynon (Ilonggo): Pilipinas Republika sang Pilipinas
Ilokano: Pilipinas Republika iti Pilipinas
Kapampangan: Pilipinas Republika ning Pilipinas
Pangasinan: Pilipinas Ripublika na Pilipinas
Waray-Waray: Pilipinas Republika han Pilipinas
Zamboangueňo: Filipinas Arabic: El Republica de Filipinas
‫ال فلبين نشيد – فلبين‬ (Filibīn – Al-Jumhūriyyah al-Filibīn)
Baybayin Tagalog: (Pilipinas-Republika ng Pilipinas)
Mandarin Chinese: 菲律宾 /菲律賓 – 菲律 (Fēilǜbīn – Fēilǜbīn Gònghéguó)
宾共和国

Short name Philippines


Official name Republic of the Philippines
Status Republic since 1898
Location Souteast Asia
Capital Manila (Maynila)
Population 108, 771,978 inhabitants
Area 300,000 km2
Major languages Filipino (variant of Tagalog) and English
(both official), Spanish; with other

19
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Philippine languages as regional
languages
Major religions Roman Catholicism, Protestantism,
Aglipayan, Iglesia ni Cristo, Islam,
Buddhism, and Philippine traditional
religions

Mga Gabay na Salita:


1. lawak ___________________________
2. lokasyon ___________________________
3. distansya mula sa kontinente ng Asya ___________________________
4. anyong lupa ___________________________
5. anyong tubig ___________________________

Gawain 2
Panuto: Makikita sa isang pahina ng almanac ang mga datos o impormasyon
tungkol kay Manny Pacquiao. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot sa
tanong sa ibaba.

Manny Pacquiao

Bantog na Boksingero

Junior Flyweight sa edad na 16


Enero 22, 1995
Unang major title nang mapatumba si Chatchai Sasaku ng Thailand
Disyembre 4, 1998
Unang laban sa Amerika, napatumba si Lehlo Ledwaba.
Nakamit ang International Boxing Federation (IBF) junior featherweight title.

20
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Hunyo 23, 2001
Kasunod ng apat na matagumpay na depensa, napatumba
si Marco Antonio Barrera ng Mixeco.
Naging The Ring Magazine Featherweight Champion.
Nobyembre 15, 2003
Lumipas ang maraming taon, napasubo sa sunod-sunod na laban, nanalo
ng World Boxing Association (WBA) at IBF Featherweight title.
Umangat sa boksing sa tulong ng kanyang Amerikanong tagasanay na si Freddie
Roach
Naging Boxing Writers Association of America at
The Ring’s Fighter’s noong 2006 at 2008
Natalo niya ang kilalang Amerikanong boksingero na
Si Oscar Dela Hoya sa Las Vegas
Disyembre 6, 2008
Tinaguriang Pound for Pound, World’s Finest Boxer
Nanalo ng The Ring’s Junior Welterweight Champion nang maitumba si
Ricky Hatton ng England
Mayo 2, 2009
Nadagdagan ang kanyang championship belt sa rekord na Seventh Weight class
nang matalo niya si Miguel Cotto ng Puerto Rico
Nobyembre 14, 2009
Natalo niya si Ghanaian boxer Joshua Clottey
Marso 13, 2010
Natalo niya ang WBC Super Welterweight Champion na si Antonio Margarito
Nobyembre 13, 2010
Nagkaroon ng 15 panalo na nagtapos noong Hunyo 2012 nang matalo ang
kanyang WBO Welterweight title laban kay Timothy Bradly
Natalo din siya kay Juan Manuel Marquez
Disyembre 2012
Naibalik niya ang WBO Welterweight belt noong natalo niya si Bradley
Abril 2014
Natalo niya si Keith Turman at naibalik ang kanyang WBA Super Welterweight
Belt
Hunyo 20, 2019
Sa edad na 40, siya ang pinakamatandang Welterweight Champion sa
kasaysayan ng boksing.

Mga tanong:
1. Sino si Manny Pacquiao?
2. Sa anong edad niya nakamit ang Junior Flyweight?
3. Sino ang kaniyang Amerikanong tagasanay?
4. Sino ang kilalang Amerikanong boksingero ang natalo niya sa Las Vegas?
5. Kailan naibalik ang kaniyang WBA Super Welterweight Belt?

21
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Gawain 3
Panuto: Gamitin ang isang pahina ng diksyonaryong ito. Ibigay ang kahulugan ng
sumusunod na mga salita at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Palatandaan, pang -batayang pagkakakilanlan ng anuman


Palatanong, pnr. -mahilig magtanong
Palatimpo, pnr. -nakaupo nang patingkayad
Palatitikan, png -palabaybayan
Palatok, png -ginataang kamote
Palatuhak, png -bunton ng bigas na hanggang baywang
Palatuhat, png -mga piraso ng kahoy sa habihan na pinag-uunatan ng
mga sinulid, at itinutulak at hinahatak ng tagagabi sa
pagbuo ng tela.
Palatunugan,png. -pag-aaral at pag-uuri sa iba’t ibang makahulugang
tunog na ginagamit sa pagsasalita.
Palaw, png -pulo
Palawakyaw,pnr -may ugaling gumamit ng mapanlait na salita

Palawan, png Isang probinsya na matatagpuan sa Rehiyon IV-B ng


MIMAROPA (Mindora, Marinduque, Romblon, Palawan)

Mga salitang bibigyan ng kahulugan:


1. palatimpo - ________________________________________
2. palatok - ________________________________________
3. palatunugan - ________________________________________
4. palaw - ________________________________________
5. Palawan - ________________________________________

Isaisip

Siguradong alam mo na ang apat na pangkalahatang sanggunian at kung


alin ang iyong gagamitin sa pagsaliksik ng mga datos o impormasyon na kailangan
mo. Ito ay tinatawag sa Ingles na general references.

22
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Ang apat na pangkalahatang sanggunian na ginamit natin sa ating mga gawain
upang makatipon ng mga mahalagang datos o impormasyon sa isang paksa na
nais nating pag-aralan ay ang almanac, atlas, diksyonaryo, at encyclopedia.

Isagawa

Panuto: Gamit ang isang pahina ng atlas na makikita mo sa larawan, magbigay ng


limang datos tungkol sa bansang Hapon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Hapon

日本国
Nihon-koku/Nippon-koku
Pununglunsod (at pinakamalaking Tokyo 35°41′N 139°46′E
lungsod)
Opisyal na wika Wala
Kinikilalang pampook na wika Aynu itak, Wikang Ryukyuan,
Silangang Hapones, Kanlurang Hapones,
at iba pang Diyalektong Hapones
Pambansang Wika Hapones
Pangkat-lahi 98.5% Hapones, 0.5% Koreano,
0.4% Tsino, 0.6% iba pa
Pangalang-turing Hapones
Pamahalaan Unitaryong parlamentaryong demokrasya
at monarkiyang konstitusyonal
Emperador Naruhito
Punong Ministro Shinzo Abe
Batasan Diet
Mataas na Kapulungan Kapulungan ng mga Konseho
Mababang Kapulungan Kapulungan ng mga Kinatawan
Pagkakatatag
Pambansang Araw ng Pagkakatatag Pebrero 660 BC
Panunumbalik ng Panahong Meiji 29 Nobyembre 1890
23
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Kasalukuyang Saligang Batas 3 Mayo 1947
Kasunduan sa San Francisco 28 Abril 1952
Lawak
Kabuuan 377,944 km2
145, 925 sq mi
Katubigan (5) 0.8
Santauhan
Pagtataya ng 2011 127, 799,000
Lahatambilang ng 2010 128, 056,026
Kakapalan 337.1/km2
873.1/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2011
Kabuoan $4.440 trilyon
Bawat ulo $34,739
Gini 37.6 (2008)
TKT (2011) 0.901 (napakataas) (Ika-12)
Pananalapi Yen (¥) / En (円 or 圓) ( JPY )
Pook ng oras JST (TPO+9)
Tag-araw (DST) Hindi ginagamit (TPO+9)
Anyo ng Taburaw yyyy-mm-dd yyyy 年 m 月 d

Era yy 年 m 月 d 日 (CE−1988)
Nagmamaneho sa kaliwa
Internet TLD .jp
Kodigong pantawag 81

1. ___________________________________________________________ 2.
___________________________________________________________ 3.
___________________________________________________________ 4.
___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

24
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Tayahin

Panuto: Gamitin ang pahinang ito ng isang encyclopedia. Magbigay ng limang


datos tungkol sa bulaklak na gumamela. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Klasipikasyong Ppang-agham

Kingdom Plantae

Clade Tracheophytes

Clade Angiosperms

Clade Eudicots

Clade Rosids

Order Malvales

Family Malvaceae

Tribe Hibisceae

Genus Hibiscus

Mga Uri Mahigit sa 200 mga uri

Ang gumamela, hibisko, o mababaw, may pangalang pang-agham na


Hibiscus (Ingles: rosemallow; Kastila: flor de Jamaica) ay isang uri ng mga
halamang may mga kasaping uri na kalimitang itinatangi dahil sa kanilang

25
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
kapansin-pansing mga bulaklak. Tinatawag din silang bulaklak ng Hamayka.
Kabilang sa malaking saring ito ang mga nasa 200-220 mga uri ng halamang
namumulaklak sa loob ng pamilyang Malvaceae, na katutubo sa maligamgam,
hindi gaanong kalamigan o hindi kainitan, subtropickal, at tropickal na mga
rehiyon sa buong mundo.

1. _____________________________________________________ 2.
_____________________________________________________ 3.
_____________________________________________________ 4.
_____________________________________________________
5. _____________________________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Makikita mo rito ang isang pahina ng almanac. Ano-anong mga


impormasyon ang iyong malilikom tungkol kay Kobe Bryant? Magbigay ng lima (5).
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Kobe Bryant

26
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Si Kobe Bryant noong 2015
Personal Information
Born 23 Agosto 1978
Philadephia, Pennsylvania
Died 26 Enero 2020 (edad 42)
Calabasas, California
Nationality Amerikano
Listed height 6 ft 6 in (1.98 m)
Listed weight 212 lb (96 kg)
Career Information
High School Lower Merion (Ardmore, Pennsylvania)
NBA draft 1996/Round: 1/Pick: ika-13 overall
Selected by the Charlotte Hornets
Playing career 1996-2016
Position Shooting guard
Number 8,24
Career History
1996-2016 Los Angeles Lakers
Career Highlights and Awards
5X NBA Champion 200-2002, 2009, 2010
2X NBA Finals MVP 2009, 2010
NBA Most Valuable Player 2007
18X NBA All-Star 1998, 2000-2016
4X NBA All-Star Game MVP 2002, 2007, 2009, 2011
11X All-NBA First Team 2001-2003, 2005-2012
2X All-NBA Second Team 1999, 2000

27
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
2X All-NBA Third Team 1998, 2004
9X NBA All-Defensive First Team 1999, 2002, 2003, 2005-2010
3X NBA All-Defensive Second Team 2000,2001, 2011
2X NBA Scoring Champion 2005, 2006
NBA Slam Dunk Contest Champion 1997
NBA All-Rookie Second Team 1996
Naismith Prep Player of the Year 1996
Nos. 8 & 24 retired by Los Angeles
Lakers
Career Statistics
Points 33, 643 (25.0 ppg)
Rebounds 7,047 (5.2 rpg)
Assists 6,306 (4.7 apg)
Stats at Basketball-Reference.com
Olympic Games
Ginto 2008 Beijing Team
Ginto 2012 London Team
FIBA Americas Championship
Ginto 2007 Las Vegas Team

28
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Susi sa Pagwawasto

1. Aralin 1

Pagyamanin
Subukin
Gawain 1
A ng guro ang magwawasto
1. Pangngalan
Balikan
2. P anghalip
3. Pandiwa 1. Pang -angkop
4. Pang -abay 2. Pang -ukol
5. Pang -abay 3. Pang -uri
Gawain 2 4. Pang -abay
5. Pandiwa
6. Pangngalan
7. Pangngalan
8. Pang - ukol Tuklasin
9. Pangngalan
1. Panghalip
10. Pandiwa
2. Pang -abay
Gawain 3 3. Pangngalan
4. Panghalip
1 .Kamisitang Pina -Pangngalan
5. Pangatnig
2 .Ako -Panghalip 6. ka -Panghalip
7. Naligo -Pandiwa
3 .Umiinom -Pandiwa 8. sa sapa -Pang -abay
9. bayabas -Pangngalan
4 .Matibay at malambot -Pang - uri 10. Namitas -Pandiwa

5 .tunay -Pang -abay

6 . at - Pangatnig

7 .Para sa -Pang -ukol

8. ng -Pang -angkop

9 . saging - Pangngalan

10 . Maganda -Pang -uri

Isagawa

Ang guro ang magwawasto

Tayahin

Ang guro ang magwawasto

Karagdagang Gawain

Ang guro ang magwawasto

29
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
30
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
3.Ang bansang Hapon ay ang ikatlong
pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo
noong 2012.

4.Tokyo ang pununglun sod ng Hapon.

5.May lawak ang bansang Hapon ng

377,944 km²

Tayahin:

1.Ang gumamela ay may pangalang pang -


agham na Hibiscus.

2.Mayroong 200-220 mga uri ang gumamela.

3.Ang gumamela ay tinatawag na bulaklak ng


Hamayka.

4.Ang gumamela ay nagmula sa Kingdo nm og


Plantae.

5.Tumutubo ang gumamela sa maligamgam


at hindi gaanong kalamigan o hindi kainitan.

Karagdagang Gawain:

Guro ang magwawasto.

Sanggunian
Atlas of the Philippines. (2020, June 13). In Wikimedia.
https://commons.wikimedia.org/wiki/Atlas_of_the_Philippines

Collins, N. (n.d.). Manny Pacquiao, Filipino boxer and politician, Britannica.


31
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
www.britannica.com.biography/MannyPacquiao

Gumamela. (2019, Pebrero 4). In Wikipedia.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Gumamela

Hapon. (2021, Pebrero 19). In Wikipedia.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Hapon

Kobe Bryant. (2020, Hunyo 24). In Wikipedia.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Kobe_Bryant

Kompyuter. (2020, Hunyo 14). In Wikipedia.


https://tl.wikipedia.org/wiki/kompyuter

Lydia B. Liwanag, L. B. PhD. (2011). Landas sa Wika 6, EduResources Publishing,


Inc., pahina 129, 131, 154-158, 161, 167

32
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
27

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1

You might also like