Konseptong Papel
Konseptong Papel
Konseptong Papel
Ayon sa aklat nina Acopra et. Al, upang maging maayos ang isang konseptong papel
dapat na taglay nito ang mga sumusunod na bahagi:
1. Pamagating Pahina - ito ang bahaging nagpapakilala sa pamagat ng konseptong papel.
Nakasaad dito kung kanino ihaharap ang papel. Kungv saaang asignatura ito kailangan at
kung sino ang nagsasagawa nito. Nakapaloob din dito ang panahon ng komplesyon.
2. Panimula – ito ang bahaging nagpapaliwanag sa paksa. Ditto nakpaloob kung ano ang
pangkalahatang pananaw ng mananaliksik sa paksang napili at kung ano ang maaaring
makuhang ideya ng magbabasa. Kinapapalooban din ito ng mga basehan upang
mapagtibay ang inilalahad na ideya ng mananaliksik. Binubuo ito ng dalawa o tatlong
pahina.
3. Rasyonal - nabibilang ditto ang bahaging pinagmulan ng ideya o dahilan kung bakit
napili ang paksa. Huwag kalilimutang ilahad ang kabuluhan at kahalagahan ng paksa.
4. Layunin – dito ilalatag ang mga katanungang sasagutin sa pag-aaral. Ditio ipinapakita
ang nais na matamo ng nagsasagawa ng pananaliksik. Tatlo o higit pang layunin ang
maaaring ilaatag depende sa kagustuhan ng mananaliksik. Halmbawa
Layunin ng pag-aaral na ito na masukat ang kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa ng
mga unang taong mag-aaral ng kursong Edukasyon sa Unibersidad ng Makati.
Sa pag-aaral na ito sisikaping matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang antas ng pang-unawa ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong
edukasyon sa Unibersidad ng Makati.
2. Ano ang antas ng pang-uanawa sa pagbas batay sa:
a. Uri ng tekstong binasa
b. Bills
c. Pamamaraan
5. Metodolohiya – laman ng bahaging ito ang pamamaraang ginamit sa pagkuha ng
datos at kung saang hanguan kukuha ng mga babasahin o konseptong may kaugnayan sa
paksa. Ditoo lilinawin ang mga pamamaraang gagawin upang maisagawa ang masusing
pagkalap ng mga datos para sa pagbuo ng isang pananaliksik. Ang mga metodong
maaaring gamitin ay ang Eksperimental, Deskriptibo, Historikal at aral – kaso.
6. Pagtalakay / Katawan - naglalaman ito ng mga ideyang nais ibahagi sa mga
mambabasa at sa mga sumusuportang argmento at ebidensyang nagpapatibay sa paksa.
Ang mga kinalap na impormasyon mula sa mga binasang hanguan ay ditto isinasaayos at
inilalatag ang lahat ng mga impormasyon sa pamamagitan ng maayos na pagbabalangkas
ng mga natanong datos.
7. Resulta o kinalabasan ng Pag-aaral – inilalahad sa bahaging ito ang resulta ng
isinagawang pag-aaral. Ang tunguhin o layuning inilalahad sa pag-aaral ay dapat na
masagot sa bahaging ito. Tandaan na kung ang ginamit sa paglalahad ng layunin ay patitik
ito at dapat na ang ayos ay patitik din at kung ito naman ay bilang dapat ay bilang din ayon
sa pagkakaayos ng pagkakalahad ng layunin.
8. Sanggunian – nagiging makabuluhan at napagtitibay ang mga ideyang nakapaloob sa
pag-aaral kung malinaw at maayos na naitatala ang lahat ng pinagkuhanan ng mga
impormasyon. Dapat na ang pagsulat nito ay paalpabelto at istilong A.P.A.
Tandaan: Ang konseptong papel ay binubuo lamang ng 20-30 pahina maliban sa Hugpong.