Kayarian NG Salita

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 7

Ikatlong Markahan
Taon 2019-2020

PANGKALAHATANG PAMANTAYAN
 Nabibigkas at nagagamit nang wasto ang mga salita ayon sa konteksto ng mga pangungusap.
 Nalilinang ang kakayahan sa pagbuo ng kahulugan.
 Napapunlad ang talasalitaan sa iba’t ibang malikhaing paraan
 Napapaunlad ang kasanayan sa matalinong pagbabasa at makabuluhang pagpapahayag
Tiyak na Layunin Paksa Pagpapahalaga Pamamaraan

WIKA
1. Natutukoy ang mga Kayarian ng Salita 1. Naipapakita ang mga A. Pagganyak
kayarian ng salita.  Payak mabuting katangian ng isang Tanungin ang mga bata:
 Inuulit mabuting mamamayan. Anu-ano sa palagay ninyo ang katangian ng
2. Nagagamit ang iba’t  Tambalan pagiging tunay na Pilipino?
ibang kayarian ng salita  Maylapi 2. Nakikilala ang wika bilang
sa pangungusap. sariling pagkakakilanlan. Sasagutin ang tanong sa pamamagitan ng
PAGBASA pagpuno sa bilog ng mga katangiang sa palagay
3. Naipapaliwanag ang Ang Resipe ng Pagiging Tunay nila ay nagpapakita ng pagiging tunay ng Pilipino.
kayarian ng mga salita. na Pilipino

4. Napapangkat ang mga Mga Kagamitan:


salita ayon sa kayarian. PowerPoint Presentation
Dice
5. Natutukoy ang iba’t ibang Hand-out
uri ng panlapi. Activity Sheet

6. Nailalahad ang mga Sanggunian: Iproseso ang Gawain at balikan pagkatapos


pangyayari sa seleksyon. Yaman ng Pamana basahin ang seleksyon.
p. 108-110
7. Nailalarawan ang B. Paglalahad
katangian ng mabuting Laang Araw:
mamamayan. 3 Bago Bumasa
Pagpapalawig ng talasalitaan sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga larawan na nagpapaliwanag
sa mga salitang;

lakad-pagong
kabungguang-balikat
lakad-takbo
anak-pawis
kapit-kamay
magtaingang-kawali

Habang Bumabasa
Tanungin:
1. Ano ang resipe?
2. Ano sa palagay ninyo ang ibig ihatid ng
mga binitawang salita ni Dr. Jose Rizal na
“kabataan ang pag-asa ng bayan.”?

C. Pagtalakay

Pagkatapos Bumasa
Pagsagot ng mga tanong ng salita o pahayag.

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Saan pumunta ang magkaibigan?
3. Ano ang paksa ng talumpati ng panauhing
pangdangal?

Pagbalik sa sagot ng mga mag-aaral mula sa


unang Gawain. Suriin kung naayon ang mga sagot
sa seleksyong binasa.

Pagsagot ng AS mula sa Hand-out ng Pagbasa.


Pagwawasto ng sagot.

Kasanayang Pang-wika
Pagbasa ng mga pangungusap na hango sa
seleksyong binasa.

1. May kasabihan nga na hindi hadlang ang


pagiging anak-pawis upang umunlad ang bansa.
2. Maging pantay-pantay tayo sa bawat isa.
3. Bilang pangwakas, kapit-kamay tayong
magtulungan para sa bayan.
4. Hindi rin dapat kalimutan na ang matatanda
ang pundasyon ng lipunan.

Talakayin ang kayarian ng mga salita.


Ang mga uri ng salita ayon sa kayarian ay payak,
inuulit, maylapi, at tambalan.

1. Ang payak ay salitang-ugat o salitang walang


panlapi, di-inuulit o di-sinasamahan ng ibang
salita. Halimbawa: ganda, asal, laro

2. Ang inuulit ay salitang maaring ulitin nang buo


ang salitang-ugat o di-ganap ang paguulit na
maaring unang pantig lamang ng salitang-ugat
ang inuulit. Halimbawa: anak-anakan, iisa, paru-
paro

3. Ang maylapi ay maaring magbago ang


kahulugan ng salitang-ugat dahil sa pagkakabit ng
panlapi sa salitang-ugat. Halimbawa: umpisa,
tumalon, samahan

4. Ang tambalan ay binubuo ng dalawang salita


na pinag-iisa ang kahulugan. May dalawang uri ng
tambalang-salita:

a. Di-ganap ang tambalan kapag ang


kahulugan ng salitang pinagtatambal ay
nananatili. Halimbawa: bahay-ampunan,
tulay kawayan, kilos-reyna
b. Ganap ang tambalan kapag bumubuo ng
kahulugang iba sa kahulugan ng
dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa: takipsilim, hatinggabi,
bahaghari

Ano ang kayarian ng mga salitang may


salungguhit sa itaas?
Ito ang mga ugaling dapat taglayin ng isang tunay
ng Pilipino.

D. Pampayamang Gawain
Mula sa kwentong binasa, hanapin ang mga
salitang payak, inuulit, maylapi at tambalan.
Ihanay ito sa tsart ayon sa kayarian.
Payak Maylapi Inuulit Tambalan

E. Panlinang na Gawain
a. Pagsagot sa mga AS bilang
gawaing pang-upuan upang mapatibay ang
pagkatuto ng mga mag-aaral.

b. Pagwasto ng mga sagot

F. Paglalahat
Ano ang iyong gagawin upang makatulong sa
bansa?
Ituloy ang mga pahayag sa pasalita o pagsulat sa
kwaderno bilang Dyornal Entry No. 1.

Kung ako ay isang doctor _______________.


Kung ako ay lider ng samahang pang-kabataan
___________________.
Kung ako ang pinakamatalinong mag-aaral sa
aming paaralan o pangkat _______________.

G. Ebalwasyon
Pagbibigay ng maikling pagsusulit sa aralin.

Pagwawasto ng pagsusulit.

REPLEKSYON

Bb. Adai Liyah M. Gotiza


PAREF Woodrose School

You might also like