Impluwensya NG Epiko
Impluwensya NG Epiko
Impluwensya NG Epiko
Epekto ng Epiko sa
Edukasyon
Impluwensya ng Epiko
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa
kalinangan ng mga Pilipino. At dahil dito, naging daan ito upang lumikha ng iba't-ibang
panitikan. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling
katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain,
kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip
na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula.
Inilalarawan ng mga epiko ang mga lipunang lumikha sa kanila. Sinasalamin nila ang
isang lipunang pantribo, bago dumating ang mga Muslim (1380) at mga Kastila (1521).
Kasangkapan ang mga epiko sa paglilipat sa susunod na salinlahi ng mg sinaunang
kaugalian at karunungang pantribo, tulad ng tamang pamamahala sa ugnayan ng iba’t-
ibang antas ng lipunan at ng mga magkakamag-anak; ang tamang paraan ng panunuyo
at ng pagwawakas ng mga kasalanan. Nagbibigay din ang mga epiko ng mahalagang
kabatiran tungkol sa pamamahay, pananamit at pati sa pagsisilang o panganganak, na
kailangang-kailangan para mabuhay at sumagana ang tribo.