Mga Gawain Sa Filipino 9 Ikatlong Markahan: Mga Pang-Uring Nagpapasidhi NG Damdamin
Mga Gawain Sa Filipino 9 Ikatlong Markahan: Mga Pang-Uring Nagpapasidhi NG Damdamin
Mga Gawain Sa Filipino 9 Ikatlong Markahan: Mga Pang-Uring Nagpapasidhi NG Damdamin
Ikatlong Markahan
Ikaapat at Ikalimang Linggo
1
-Kay Hirap ng Buhay!
-Ang tapang!
-Grabe!
-Naku!
TUNGGALIAN
Una sa lahat, alamin muna natin kung ano nga ba ang tunggalian. Kapag sinasabi nating
tunggalian, ang ating tinutukoy ay ang isang elemento ng maikling kwento. Ito’y tumutukoy
sa mga isyu at problema na hinaharap ng mga pangunahing tauhan.
Panlabas na Tunggalian – Dito natin makikita ang mga problema katulad ng tao laban sa tao.
Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba pang tauhan.
Tao laban sa Kalikasan – Ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng
kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang biglaang pag lindol ng malakas, o pagbagyo na
naglalagay sa mga tauhan sa panganib.
Tao laban sa Lipunan – Dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan.
Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa
kultura ng lipunan.
Sikolohikal – tao laban sa kanyang sarili. Nasasalamin dito ang magkaibang paghahangad o
pananaw ng iisang tao.
Nobela - Ito ay isang mahabang kwento na naglalarawan sa mga piksyon na tauhan •
Naglalarawan sa mga karanasan ng tao.
Mga Patak ng Luha
Halaw sa Taare Zameen Par (Every Child is Special) Bollywood Film_ India Halaw at Isinulat
sa Filipino ni Julieta U. Rivera Si Ishaan Nandkishore Awasthi
Isang batang nagpabago, nagpapabago at magpapabago ng aking mundo at marahil ng
pagpapahalaga bilang isang guro. Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na
kinagawiang kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid ng isang mesang may katamtaman ang laki,
sapat lamang na mailapag ko ang aking mga kakailanganing gamit sa panonood. Hindi ko
napigilan ang aking sarili isang gabing hindi ako makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang
buhos ng ulan ngunit wala namang masabing may masamang namumuong panahon. Wala
namang mapakinggang anunsyo sa telebisyon o radyo. Nakipagsabayan sa malakas na patak
ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha habang pinanonood ko si Ishaan. Siya ang
bida sa aking puso at si titser. Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood kong pelikula.
Dala marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang bawat eksena. Sa
una’y mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong guro at isa rin akong
magulang. Isang batang may sakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan ng kaniyang
mga magulang at ng kaniyang mga guro. Palagi siyang nakatatanggap ng parusa. Pinapalo.
Sinasabihan ng masasakit na salita. Tamad. Bobo. Tanga. Walang alam. Idiot. Wala siyang
2
tanging masabihan kundi ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo. Itinira sa dormitoryo ng
paaralan. Kahit na matindi ang pagtutol ni Ishaan, wala siyang magawa. Siyay mahina pa, hindi
pa kaya ng kaniyang bagwis. Wala pa siyang sapat na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng
kaniyang ama. Maging ang kaniyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng kaniyang ama,
nagiging sunod-sunuran rin siya at kanyang ina. May angking talino si Ishaan. Bagama’t hindi
siya nanguna sa klase, dahil sa kinaugaliang hindi pakikinig o wala ang pansin sa pag-aaral.
Sadyang mabagal ang kaniyang pag-unlad sa pagbabasa at pagsusulat. Mas madalas na
nagkakabaligtad ang b at d, mga salitang pareho ang bigkas ngunit iba-iba ang baybay. Ang
kaniyang mga bilang ay nagkakabaligtad din at palaging wala sa ayos ang pagsusulat. Salamat
sa pagdating ng bagong guro. Si Ram Shankar Nikumbh. Nakaunawa, nagpahalaga, nagmahal,
nagbahagi hanggang si Ishaan ay natuto. Sadyang napakahusay ni Ishaan sa pagguhit. Siya ang
itinanghal na pinakamahusay na artist sa buong paaralan ng New Era High School. Ito ang
nagpabago ng kaniyang kapalaran. Nagpabago ng pagtingin ng kaniyang mga magulang.
Nagpabago ng sistema ng iba pang guro at marahil nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang
isang guro. Iba-iba ang mga batang ating tinuturuan. Lahat sila may ibat ibang katangian at
kakayanan. Iba ang isa sa isa bawat isa ay may pagkabukod-tangi. Ang katangian ng isa ay
hindi katangian ng isa. Ang kaya ng iba ay hindi kaya ng isa. Hanapin lang natin kung ano ang
mayroon sa kanila, ‘yon ang ating pagyamanin at higit sa lahat, maramdaman nila na sila ay
minamahal at inaalagaan upang makakampay para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Buhat sa pagkakatalong ko ko sa aking likmuan, habang marahil ay namumugto na ang aking
dalawang mata. Hinanap ko ang aking sarili sa gurong aking pinanood. Kinapa ko ang aking
puso. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Larawan din ba ako ng gurong ito? Nakikita ko ba
ang aking sarili sa kaniya? Nahirapan akong sumagot. Nahihiya ako sa aking sarili. Pinayapa ko
ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking sarili na iyon ay isa lamang panoorin. Ngunit isang
bahagi ng utak ko ang sumigaw. Panoorin nga ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng
tao. Hinayaan kong umagos ang luha ko at ng sumunod na mga sandali, sinagot ko rin ang
aking tanong. Ang guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan? Sa labas ng silid? ang sagot, oo
sa ilang anggulo pero hindi sa maraming aspeto. Dahil tayo ay may kaniya-kaniyang
pagkabukod- tangi. Bawat bata ay may istilo ng pagkatuto. May kaniya-kaniyang katangian at
kakayahan. Isang bagay lang ang nasisiguro ko. Number one si Ishaan sa puso ko, una sa lahat
ang mga estudyante ko.
PERFORMANCE TASK #2
➢ Nangyayari nga ba sa totoong buhay ang iyong binasa? (10 puntos)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3
➢ Naranasan mo rin ba ang dinanas ni Ishaan? Kung gayon ay ilahad mo sa’kin ang inyong
pagkakapareho. (15 puntos)