MTB Mle Cot 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region IV – CALABARZON
Division of San Pablo City
FuleAlmeda District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
San Pablo City

Banghay-Aralin sa MTB-MLE 1
S.Y. 2018-2019
I. Layunin:
MT1PWR-IIa-i-1.1
 Naibibigay ang ngalan at tunong ng bawat letra
II. Paksa: Letrang Dd
Sanggunian:K-12 Curriculum, MTB-MLE Teaching Guide pp. 73-80
Kagamitan: larawan, power point presentation, puzzle, tunay na bagay na
nagsisimula sa letrang Rr
Magandang-asal: Maging isang mabuting kaibigan
II. Pamamaraan/Gawain
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Sabihin ang unang letra nagsisimula ang ang sumusunod na larawan.

B. Panlinang na gawain/Paghahabi ng layunin ng gawain


Ipapanuod ang kwento ng “Ang Oso at ang Dalawang Magkaibigan”

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Tanong:
1. Sino ang dalawang magkaibigan?
2. Saan sila pumunta?
3. Ano ang nakita nila sa kagubatan?
4. Kung ikaw si Ron? Gagawin mo rin ba ito? Bakit?
5. Sa anong letra nagsisimula ang pangalan ni Ron?
6. Ano ang ginawawang tunog ng oso kapag galit ito?
7. Anong letra ang may tunog na parang galit?
(Ipaliwanag sa mag-aaral na ang tunog ng letrang Rr ay parang galit na oso)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ipakita ang isang bag. Sabihin na ito ang bag na ginamit ni Ron sa kanilang
paglalakbay.
Hayaang ang mga bata ang kumuha ng mga gamit sa loob ng bag.
Isusulat ng guro ang salita para sa nabunot nilang bagay.
Pabilugan ang simulang titik ng bawat ngalan ng larawan.
Saang titik nagsisimula ang bawat bagay?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
 Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng iba pang salita na nagsisimula sa
Rr at isusulat ito sa pisara.
 Ipakita ang mga sumusunod na larawan
Itanong:
Sino ang nasa larawan?
Saan sila nagtatatrabaho?
Ano-ano kaya ang gawain ng isang guro?
Ano kaya dapat mong gawin kapag wala ang iyong guro?
Saan kaya nagsisimula ang kanilang pangalan?
Bakit kaya sa malaking titik R nagsisimula ang kanilang pangalan?
(Ipapaliwanag ng guro ang kung kailan dapat gamitin ang malaki at maliit na
letrang Rr)
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
Pangkatang Gawain
(Ipaalala ang dapat gawin bago ang pangkatang gawain)
Pangkat I - Lagyan ng (/) kung ang larawan ay nagsisimula sa letrang Rr at (x)
kung hindi.
Pangkat II - Bilugan larawan na nagsisimula sa letrang Rr.
Pangkat III - Isulat kung malaki o maliit na letrang Rr ang dapat gamitin.
Pangkat IV - Kulayan ang salitang nagsisimula sa letrang Rr.

(Bigyan ng ang galing clap ang grupo na may pinakamataas na puntos)

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Puntos Pamantayan
5 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may tamang lakas ng boses
Tahimik sa pagsasagawa.
4 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
3 May isang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
2 May dalawang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.
1 May tatlong mali sa sagot.
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ipapakita ng guro ang laruang repolyo.
Itanong kung sa anong letra ito magsisimula.
Itanong rin kung saan dapat ito magsisimula sa malaki ba o maliit na letra.
Laro: Iikot si Bb. Repolyo
Bibilog ang mag-aaral at habang may musikang pinapatugtog ang guro ipapasa
nila ang repolyo sa kanilang katabi at kapag tumigil ang musika ay magsasabi
ang mag-aaral na may hawak ng repolyo ng bagay na makikita sa kanilang
bahay na nagsisimula sa letrang Rr.

H. Paglalahat ng Aralin

Tingnan ang larawan na nasa powerpoint presentation at itaas ang kung

tama ang larawan at salita at kung hindi.

I. Pagtatataya ng aralin
Bilugan ang larawan na nagsisimula sa letrang Rr.

J. Karagdagang Gawain (para sa takdang aralin o remediation)

Sumulat ng limang salita na nagsisimula sa letrang Rr.

Inihanda ni:
AIRA O. ARAGUAS
Guro sa Unang Baitang

Iwinasto ni:

GINA M. BELEN
Master Teacher II

Binigyang Pansin ni:

PABLO F. URGENA
Principal II

You might also like