LP Maikling Kwento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Calauag Central College Inc

Rizal St. Corner Arguelles St.


Calauag, Quezon 4318
Junior High School Department

Asignatura: Filipino 9
Guro:
Paksang Aralin: Mga Akdang Pampanitikan ng Timog Silangang Asya
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 9
Pahina: 6 – 27
Tagal: 2 Linggo

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


 Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga Akdang
Pampanitikan ng Timog Silangang Asya.

Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)


 Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing paghihikayat tungkol sa
isang Book Fair ng mga Akdang Pampanitikan ng Timog Silangang Asya.

Enduring Understanding
 Sa tulong ng Panitikang Timog Silangang Asya nakatutulong ang mga mag-aaral
na bigyang halaga at ipakita ang ganda ng mga akda ng Timog Silangang Asya
sa pagsasagawa ng isang Book Fair.

Essential Question
 Paano bibigyang halaga ng mga mag-aaral ang mga magagandang akda ng
Timog Silangang Asya?
Formation Standard
 Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kariktan ng
mga akdang Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng isang aktibidad tungkol
sa “Book for a cause: Pagtuklas at Paglinang sa sariling atin”, kaakibat ng
pagmamalaki sa pamana ng nakaraan.

Transfer Goal
 Maipabatid ang kagandahang nilalaman ng mga akda ng Timog Silangang Asya
sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang “Book Fair o Bilihan ng Libro”, upang
mas maipalaganap ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan.

Mga Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies)


(F9PN-Ia-b-39) Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan
sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.
(F9PB-Ia-b-39) Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda
(F9PT-Ia-b-39) Nabibigyang- kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa akda batay
sa denotatibo o konotatibong kahulugan
(F9PD-Ia-b-39) Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela
sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.
(F9PS-Ia-b-41) Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa - Mga tauhan -
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - estilo sa pagsulat ng - awtor - iba pa.
(F9PU-Ia-b-41) Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari.
(F9WG-Ia-b-41) Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari.
GRASPS

G
Mailahad and kagandahang nilalaman ng akdang Pampanitikan ng Timog
Silangang Asya sa paraan ng pagsasagawa ng Book Fair.

R
Ikaw ay isang “Bookseller”

A
Ang mag-aaral ng San Roque Ilaya National High School sa Baitang 9 at
ibang mamamayan.
Makilahok sa isang aktibidad na may temang “Book for a cause:
S
Pagtuklas at Paglinang sa sariling atin” na naglalayong maipabatid ang
magandang nilalaman ng Akdang Panitikan ng Timog Silangang Asya.

Magbenta ng mga librong naglalaman ng mga akdang pampanitikan ng


P
Timog Silangang Asya.

S
Makabenta ng Sampung (10) piraso ng libro ng Akdang-Pampanitikan ng
Timog Silangang Asya

Pagtuklas (Explore)
PAYABUNGIN NATIN
A. Nabibigyang-Kahulugan ang Mahihirap na Salitang Ginamit sa Akda Batay sa
Denotatibo o Konotatibong Kahulugan (F9PT-lab-39)

Ang salita ay puwedeng magkaroon ng denotatibo o konotatibong kahulugan.


Denotatibo kung tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa
diksiyonaryo samantalang, konotatibo kung tumutukoy sa pahiwatig o hindi tuwirang
kahulugan na maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang pakahulugan. Ibigay ang denotatibo o konotatibong kahulugan para sa ilang
salitang ginamit sa akda. Ang iba ay ginawa na para sa iyo.
Denotasyon Salita Konotasyon
Isang uri ng mahabang Ahas Isang taong traydor o
reptilya,minsa'y tumitira nang patalikod.
makamandag, subalit may
uri ding walang kamandag

Dapithapon Takipsilim
Kotseng kumikinang
Biglang nagising Naalimpungatang
natutulog

Magkasalikop ang lamay


Apoy sa impyerno

Nasusuri ang mga Pangyayari at ang Kaugnayan Nito sa Kasalukuyan sa


Lipunang Asyano (F9PN-lab-39)

PAGSUSULIT: Basahin ang kwento at suriin ang mga pangyayari dito at ibigay ang
kaugnayan nito sa lipunang Asyano. (Ilagay ito sa Long Bond Paper).
https://philnews.ph/2018/11/12/maikling-kwento-ang-aswang-sa-baryo-dekada-sitenta/
Gamit ang pahinarya (website) na nasa itaas. itala ang mga bahagi ng kwento sa
mga blanking kahon na makikita sa ibaba.
Simula
Saglit na Kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan

Nagagamit ang mga Salitang Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng Pangyayari


(F9WG-lab-41)
May naiisip ka pa bang ibang lutuin o anumang bagay na puwedeng iluto, gawin, o
buoin ng pamilya ni Pak Idjo para makadagdag sa kanilang pagkakakitaan? Ano ito?
Ilahad mo ang tawag dito sa unang kahon sa ibaba at pagkatapos ay isulat mo ang
tamang pagkakasunod-sunod o hakbang sa pagsasagawa nito. Gumamit ng mga
salitang hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

PAGSUSULIT: Ang bawat mag-aaral ay pipili ng isang lutuin base sa kanilang kasanayan
dito. Lalapatan ito ng proseso ng paggawa na may bilang sa kung ilan ang kanilang nais na
proseso.

Pamagat
Unang
Hakbang

Ikalawang hakbang

Nakabubuo ng Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob


sa Akda (F9PB-lab-39)

Ibigay ang sariling pananaw o opiniyon sa ideyang nakapaloob sa akdaakdang binasa


ibaba. (Ilagay ito sa Long Bond Paper).

Kagutuman sa Pilipinas, Sanhi ng Kasakiman at Maling Pamamahala

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagugutom na


pamilyang Pilipino ay sanbi ng kasakiman at maling pamamabala, Lubos na
ikinalulungkot ni Cardinal Tagle ang tumataas na bilang ng mabibirap dabil sa talamak
na katiwalian sa alinmang sangay ng gobyerno. Ayon sa kanyang Kabunyian, may
pondo naman para sa serbisyong publiko ngunit napupunta lamang sa mga
mapangkamkam na opisyal ng pamahalaan at hindi sa mga nangangailangan. Ang
problema sa atin ngayon, marami ang nagugutom. Kung minsan ang limang libong
tinapay ay hindi pa makarating sa limang taong kakain dahil dumaan sa kamay ng mga
mandurukot, mapangkamkam, mga ganid, at walang pag ibig na nilalang (Babagi ng
bomily ni Cardinal Tagle sa feast of Corpus Christi (Body of Christ) Nilinate ni Cardinal
Tagle na kahit gaano karami ang tinapay kung dadaan ito sa kamay ng mga
mandurukot ay magugutom ang mga tao
Tinukoy ni Cardinal Tagle ang Pilipinas na maraming tao ang gutom sa tinapay,
maraming gutom sa katotohanan at katwiran dabil sa pagiging ganid ng mga opisyal ng
pamahalaan

Base naman sa Forbes 2012 annual rich list, 40 mayayamang pamilya lamang sa
Pilipinas ang nakikinabang sa 76 percent na yaman ng bansa.

-ni Riza Mendoza mula sa Veritas 846 bttp://www.veritas846.ph

Nasusuri ang Akda Batay sa Paksa, Tauhan, Pagkakasunod-sunod ng mga


Pangyayari, Estilo sa Pagsulat ng Awtor, at Iba Pa (F9PS-lab-41)

Panuorin ang “Takipsilim sa Dyakarta” at suriin ang - Paksa - Mga tauhan -


Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - estilo sa pagsulat ng - awtor - iba pa. (Ang
link na nasabi ay nasa sanggunian) Ilagay ito sa LongBond Paper.

You might also like