Fil12 Q1 M7 Tekbok

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Filipino sa Piling Larang-

TechVoc 12
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 7: Anunsiyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Earlrein Lover Heart A. Repato
Editor: Cherry C. Cariño
Tagasuri: Dr. Jerwin G. Villa
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino sa Piling Larang-
TechVoc 12
Unang Markahan
4
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-7
Anunsiyo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang -
Filipino 12 ng Modyul para sa araling Anunsiyo !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang - Filipino 12


Modyul ukol sa (Anunsiyo) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

1. natutukoy ang kahalagahan at mga gamit ng anunsiyo sa


komunikasyong teknikal;
2. naiisa-isa ang mga karaniwang uri ng anunsiyo sa trabaho;
3. nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng anunsiyo; at
4. nakasusulat ng sariling anunsiyo.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba. Isulat sa mga patlang kung ano
sa iyong palagay ang tawag dito at ipaliwanag kung tungkol saan ang
nilalaman o maaring ibig sabihin nito.

Ang larawan ay kinuha sa Tom’s World, SM Mega Mall

Ito ay isang ______________. Sa aking palagay ito ay tungkol sa


____________________________________________. Ipinost ito sa harapan ng
kanilang pintuan upang __________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang


tamang sagot sa patlang.

_____________1. Ito ay nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring


siya ay isang tagapakinig, manonoodm o mambabasa.
_____________2. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang
pagpapadala ng mensahe.
_____________3. Dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng
komunikasyon.
_____________4. Ito ay isang espeyalisadong anyo ng komunikasyon.
Karaniwan na itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga
sulatin bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin,
estilo, at gamit.
_____________5. Ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na
maipadala ang mensahe.

ARALIN

Anunsiyo

Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay at makapagbahagi ng


impormasyon. Sa pagsulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng isang tao ang isang
balita para sa mga kasama sa negosyo, katrabaho o sa mga partikular na
tao o sektor na maapektuhan ng anunsiyo.

Katangian ng anunsiyo: Malinaw at maikli.

Anyo: karaniwang ito ay nasa anyo ng liham o memorandum.

Ilan sa mga paksa ng anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa:

1. Bagong negosyo o opisina


2. Bagong lokasyon ng negosyo o opisina

3. Pagtanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan

4. Pagbubukas para sa sa pagtanggap ng mga bagong empleyado

5. Masamang panahon o plano kapag may di inaasahang sitwasyon

6. Anibersayo ng negosyo o kompanya

7. Mga pagbabago sa patakaran o halaga ng bayarin

8. Pagpapalit ng pangalan ng negosyo

9. Programa sa drug testing

10.Plano ng pamumunuan kapag welga

Mga payo sa pagsulat ng Anunsiyo

1. Mangalap ng impormasyon.

2. Gawing direkta at maikli ang anunsiyo upang madaling maunawaan.

3. Gumamit ng tamang tono.

4. Kilalanin ang natamo ng ibang tao sa anunsiyo.

5. Ipresenta ang impormasyon sa paraang kompleto at payak.

6. Tiyaking tama ang gramatika, bantas, at baybay ng anunsiyo.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay A. Tukuyin ang hinihingi sa sumusunod na mga tanong. Isulat


ang tamang sagot sa patlang.

_____________1. Ito ay sinusulat upang makapagbigay at makapagbahagi ng


impormasyon.

_____________2. Ito ay tawag sa pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong


empleyado.

_____________3. Ito ay sulating teknikal na ipinapadala sa mga empleyado sa


loob ng isang kompanya o organinsasyon o kaya ay
patalastas na ipinaskil.

_____________4. Ito ay maiikling pahayag na nagbibigay ng impormasyon


ukol sa isang bagay maari itong nanghihikayat,
nagbibigay ng panuto o nagbibigay ng babala.

_____________5. Ito ay sumasalamin sa kung anong uri ito ng anunsiyo,


kung ito ba ay pormal o di gaanong pormal.

Pagsasanay B. Suriin ang sumusunod na mga sitwasyon at sagutin ayon sa


panuto. (5puntos)

1. Inaanunsiyo mo sa iyong mga kaibigan ang iyong nalalapit na debut.


Sa halip na isang enggrandeng party, napagdesisyunan mong
magsagawa ng charity event sa isang home for the aged. Sumulat ng
isang anunsiyo sa anyo ng liham para sa iyong mga kaibigan. Lagyan
ng pamagat ang charity event. Banggitin kung ano ang nais mong
hinging-tulong mula sa kanila para sa pagdaraos ng okasyong ito.

Panukatan:

Pamantayan Puntos Iskor


1. Malinaw ang Anunsiyo 30
2. Malinis at mahusay ang pagkakagawa 30
3. Kompleto ang mga bahagi o pormat 20
4. Mahusay ang paggamit ng wika at angkop ang 20
tono ng pananalita
Kabuuan 100

Ang larawan ay kinuha sa BPI Family Bank, Pasig Branch


Pagsasanay C: Punan ang patlang na nasa ibaba upang mabuo ang mga
pahayag. (5puntos)

Ito ay isang ______________. Sa aking palagay ito ay tungkol sa


____________________________________________. Ipinost ito sa harapan ng
kanilang pintuan upang ___________________________________________________
__________________________________________________________________________.

PAGLALAHAT

Gumawa ng isang anunsiyo tungkol sa pagkakaroon ng espesyal na


pulong ng mag-aaral. Narito ang impormasyon.

Magkakaroon ng Espesyal na Pulong ang mga mag-aaral sa darating


na ika-4 ng Agosto, 2020. Pag-uusapan sa pulong ang Selebrasyon ng
Buwan ng Wika. Gaganapin ang pulong sa Bienvenido Lumbera Hall sa
ganap na ika-12 ng tanghali.

Panukatan:

Pamantayan Puntos Iskor


Malinaw ang anunsiyo 40%
Malinis at mahusay ang pagkakagawa/presentasyon 30%
Kompleto ang mga bahagi o pormat 30%
Kabuuan 100
PAGPAPAHALAGA

Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng anunsiyo sa ating pang araw-araw na buhay?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Panukatan:

Pamantayan Puntos Iskor


Nilalaman 40%
Orihinalidad 30%
Kaangkupan sa paksa 20%
Paggamit ng wika at kalinawan sa pagsulat 10%
Kabuuan 100

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at isulat ang Mali
sa pahayag na di-wasto.

___________1. Ang anunsiyo ay karaniwang nasa anyo ng isang liham.

___________2. Karaniwang katangian ng mga anunsiyo ang pagiging


malinaw at mahaba.

___________3. Ang pagpapalit ng pangalan ng negosyo ay isang


halimbawa ng paksa ng anunsiyo.

___________4. Sinusulat ang anunsiyo upang magtago ng


impormasyon.

___________5. Isa sa mga payo ng anunsiyo ay gawing direkta at maikli


ang anunsiyo.
SUSI SA PAGWAWASTO

Balik Aral Mga Pagsasanay


5. Gamit Tono 5.
Teknikal Anunsiyo 4.
4. Komunikasyong Liham o memorandum 3.
3. Nilalaman Freeze hiring 2.
2. Layunin Anunsiyo 1.
1. Awdiyens

Mga Panapos na Pagsusulit

Tama 5.
Mali 4.
Tama 3.
Mali 2.
Tama 1.

Sanggunian
Aklat
Batnag E. Aurora., Francisco C. Christian George, & Gonzales H. Mary Grace
(2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc) Unang Edisyon. Lungsod ng Maynila.
Rex Book Store

Mga Hanguang Elektroniko


https://brainly.ph/question/140657
https://depedligaocity.net/fil_tgtvl_final_v3_060816.pdf

You might also like