Module 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

HOLY ROSARY ACADEMY

Poblacion, Lila, Bohol


S.Y. 2020-2021

Member: Catholic Education Association of the Philippines


Bohol Association of Catholic Schools
Diocese of Tagbilaran

(FILIPINO 7)
Ikalawang Markahan
Learning Activity 6

Activity Title: Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga at iba pa)

Learning Competency:
 Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan
 Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa)

Reference: Aklat: Pinagyamang Pluma 7

Konsepto:

Alam mo ba na…

Laganap sa Pilipinas, lalo na sa Kabisayaan, ang mga awiting


– bayang tinatawag din nilang awit – pambayan. Ang mga ito ay
nagsimula bilang mga tulang – bayan na mula sa madamdaming pananalitang may kaugnayan sa
awit at sayaw. Ang mga ito ay nagpasalin – salin sa bawat henerasyon hanggang makarating sa
ating panahon ngayon. Sa pamamagitan ng mga awiting – bayan, maaaring matuklasan ang
katayuan ng kabihasnan ng ating mga ninuno noong kauna-unahang panahon.
Ang awiting-bayan ay isang masining na paraan ng
pagpapahayag ng sariling opinyon at saloobin. Gayundin, ito’y isang paraan ng pagpapatibay at
pagpapaunlad ng sariling pagkakakilanlan.
Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na lalo pang
pinaniningning ng mga katutubong panitikan. Sa araling ito ay itatampok ang mga awiting – bayang
Bisaya o Visayan folksongs.
Nanatiling paksa ng mga awiting – bayan ang katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-
bayan ang tungkol sa damdamin ng tao , paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, kahalagahan ng
paggawa , kagandahan ng buhay , pananalig , pag – asa , pag –ibig , kaligayahan , kalungkutan at
paglalahad ng iba’t ibang ugali at kaugalian.
Narito ang mga uri at ilang halimbawa ng mga awiting – bayan mula sa Kabisayaan:
1. Awit – Pambata . Maraming uri ng awit – pambata. kabilang dito ang hele , ang awit
paghihinagpis, at awit ng ulila. Karaniwang inaawit ang mga ito habang naglalaro ang mga bata.

Hele sa Batang Lalaki Hele sa Batang Babae

Hele – hele si Nonoy Hele – hele si Inday


Nonoy kong palangga Inday kong palangga
Itigil nang pag-iyak Tapusin ang pag-iyak
Pahirin ang iyong luha. Pahirin ang iyong luha
2. Awit – Panghahanapbuhay. Ang mga awit na ito ay nauukol karaniwan sa pangingisda at

pagtatanim na siyang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan sa Kabisayaan .


Halimbawa nito ay ang biray o isang ritwal na isinasagawa sa Antique tuwing unang Linggo ng
Mayo upang humiling ng ulan sa Sto. Niňo. Nasa ibaba ang dalawang halimbawa ng bahagi
ng mga awiting nabanggit.

Biray Kung Tag - ani

Ganito ang pagbibiray Masayang walang kapantay


Bibira – bira sa dagat Kung tag – ani ng makan
‘Di hamak siyang matulin Sa lahat ng kabahayan
Talo pa si Hanging Habagat. Umaawit ang naniniharan.

3. Awit sa Inuman. Ito ang mga awiting masaya na nagiging palipasan ng pagod at kabiguan o
ekspresyon ng likas na pagiging pagkamasayahin ng mga Ilonggo, Antiqueňo, at Aklanon.

Ang Dilis

Ang isdang dilis


Masarap pampulutan
Maski hilaw
Ilahok lang.

Narito ang mga uri ng awiting – bayan na laganap sa ating bansa:


1. Balitaw – awit ng pag – ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Bisaya
2. Kundiman – awit ng pag – ibig sa mga tagalog
3. Dalit – awit panrelihiyon
4. Diyona/Diona – awit sa pamamanhikan o kasal
5. Dung – aw – awit sa patay
6. Kumintang – awit sa pakikipagdigma o pakikipaglaban
7. Kutang – kutang – karaniwang inawit sa mga lansangan
8. Soliranin – awit sa paggaod o pamamangka
9. Maluway – awit sa sama- samang paggawa
10. Oyayi o hele – awiting panghele o pampatulog ng bata
11. Pangangaluwa – awit sa araw ng patay ng mga tagalog
12. Sambotani – awit ng pagtatagumpay
13. Talindaw – isa pang awit sa pamamangka
Mahalagang makalikha muna ng mahusay na tula tungkol sa anumang bagay na kaugnay sa
iyong bayan, lalawigan, o rehiyon bago mo lapatan ng himig. Halika’t pag-aralan natin!

Mga Kumbensyon sa Pagbuo ng Isang Awitin


Ang awiting – bayan ay nagsimula bilang mga tula o tugma. Nilapatan ito ng himig o melodiya
kaya’t nabuo ang makatawag – pansing mga awiting – bayan.
1. Sukat – Isa sa mahahalagang elemento ng tula ang sukat. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig
sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang ng pantig sa isang tula ay labindalawa, labing – anim,
at labingwalo.
Halimbawa:
or/ga/nong /sa/ lo/ob/ ng/ i/sang sim/ba/han
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
ay na/na/na/la/ngin sa ka/pig/ha/ti/an
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 12 taludtod
Ang halimbawang mababasa sa itaas ay mula sa tulang “Isang Punongkahoy “na may
sukat na lalabindalawahing pantig. Kapag binasa ang bawat taludtod ay nagkakaroon ng saglit
na pagtigil sa gitna o sa ikaanim na pantig. Ang saglit na pagtigil ay tinatawag na sesura.

2. Saknong - grupo ng mga taludtod o linya sa isang tula.

Halimbawa:
“Ang bata ay masaya
Siya ay mahilig tumawa
Hindi siya nandaraya
Hindi rin ngumangawa”

Taludtod – isang linya ng mga salita sa isang tula.


Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam - unang taludtod
Lupang iniirog ng sikat ng araw - ikalawang taludtod Mutyang
mahalaga sa dagat Silanganan,- ikatlong taludtod
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw. - ikaapat na taludtod

3. Tugma- isang mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa isang tula ay ang
pagkakaroroon ng magkakapareho o magkakasintunog na dulumpantig na tinatawag na tugma. Ang
tugma ay mauuri sa dalawa:

 Tugmang di-ganap- may magkakaparehong patinig sa huling pantig o dulumpantig subalit


nagkakaiba ang huling katinig sa bawat taludtod.
Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.
Mula sa “Pahimakas”
ni Jose P. Rizal
 Tugmang ganap-may magkakaparehong tunog ang huling pantig o dulumpantig ng bawat
taludtod.

Halimbawa:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Mula sa “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”


ni Andres Bonifacio
3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay) –Ito ang paggamit ng masining na salitang
nagbibigay ng higit
na kariktan sa tula. Dito’y sadyang inilalayo ang paggamit ng mga
karaniwang salita upang higit na maging mabisa at kaakit-akit ang tula. Mga
tayutay ang isa sa karaniwang ginagamit na paraan para sa pagbibigay ng
talinghaga sa tula. Mababasa sa ibaba ang ilan sa mga uri ng tayutay na
karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng talinghaga sa tula:

 Pagtutulad (Simili) –Paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may


pagkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris
ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, makasing-magkasim-, at iba pa.
Halimbawa:
Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag nagbalik,
ito’y sadyang sa iyo nakalaan.

 Metapora (Metaphor)– Tulad ng pagtutulad, ang metapora ay naghahambing din


subalit direkta ang paghahambing ng dalawang bagay at hindi na ginagamitan ng
mga panlapi at salitang naghahambing.
Halimbawa:
Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.

 Personipikasyon (Personification)-Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad


ng talino, gawi, at kilos sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.

 Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole)- Dito ay sadyang pinalalabis o


pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang buhay
ng kanyang ama.

4. Simbolismo- maaring bagay, marka, o bagay na sumisimbolo sa isa pang


bagay o konsepto. Maari rin itong mga salita, parirala o isang pangungusap na
sumisimbolo sa isang bagay.
Halimbawa:
Isa kang liwanag sa mga taong nawawala na sa landas. Ibig sabihin nito na siya
ay tumutulong sa mga tao para maibalik sila sa tamang landas o para maisaayos
ulit ang kanilang buhay.

5. Larawang-diwa (Imagery)- Ito ay ang mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan


nang malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Kung ang bayang ito’y mapapasa – panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik
Ang anak , asawa , magulang at kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit

HOLY ROSARY ACADEMY


Poblacion, Lila, Bohol
S.Y. 2020-2021

Member: Catholic Education Association of the Philippines


Bohol Association of Catholic Schools
Diocese of Tagbilaran

(FILIPINO 7)
Ikalawang Markahan
Learning Activity 5
Name: Score:
Grade & Section: Grade 7- Faith Date:

Activity Title: Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga at iba pa)

Learning Competency:
 Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan
 Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa)

Reference: Aklat: Pinagyamang Pluma 7

Gawain 1:
Panuto: Suriin ang mga kultura ng taga - Bisaya na napapaloob sa awiting – bayan. Isulat ang
sagot sa grapikong pantulong na nasa ibaba.

Bunso ko , bunso ko , matulog ka na

Bunso ko , bunso ko , matulog ka na


Maging itong dagat , tila nagngangalit
Siguro’y may nagkaingin sa kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.

Kulturang Napapaloob

Gawain 2:
Panuto: Sa ibaba ay mayroong awit na hindi pa buo na nilapatan ng himig na
“Leron-leron Sinta”. Upang mabuo ito, kailangan mong dugtungan para mabuo
ang
diwa ng kanta.

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong nabuong linya ng kanta na sumasaalang-alang


sa kumbensyon ng isang awiting-bayan.

Corona, Corona

Corona, corona, ‘di ka nakakatawa

_______________________________________
Corona, corona, lumayo-layo ka na

_______________________________________

Corona, corona, salot ka ng mundo

_______________________________________
Corona, corona, lumayo-layo ka

_______________________________________

Ang ulo’y huwag tigasan aking kaibigan

_______________________________________

Pwede kang mahawaan ng ‘di mo alam


Kapos kapalaran wala pang gamut diyan
HOLY ROSARY ACADEMY
Poblacion, Lila, Bohol
S.Y. 2020-2021

Member: Catholic Education Association of the Philippines


Bohol Association of Catholic Schools
Diocese of Tagbilaran

(FILIPINO 7)
Ikalawang Markahan

Name: Score:
Grade & Section: Grade 7- Faith Date:

PERFORMANCE TASK!

Ngayon ay susubukin natin ang iyong galing sa pagbuo ng isang isang awiting- bayan.
Tandaan na sa pagbuo ng isang awiting-bayan ay bumuo muna ng isang makabuluhang tula
at magiging awit ito kapag nilapatan ng himig o melodiya.

Panuto: Bumuo ng isang orihinal na awiting- bayan gamit ang iba’t ibang kumbensyon sa pagsulat
Nito at lapatan ito ng tono o himig. Itanghal ito gamit ang isang video presentation at
ipasa
sa messenger account: Van-van Estoquia. Gawing gabay ang mga pamantayan sa
ibaba.

Note: Huwag kalimutang isulat at ipasa ang ginawang awiting-bayan.


DEADLINE: FEBRUARY 05, 2021 (Biyernes)

MGA PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Nakasulat nang maayos at orihinal na liriko ng awiting – bayan
gamit ang sariling wika o wikang makaaakit sa mga kabataan.
Nagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng tulang naging
awiting- bayan tulad ng sukat , tugma , talinghaga tulad ng tayutay.
Nakabubuo ng dalawang saknong at apat na taludtod bawat
saknong.
Napatunayang ang kulturang nakapaloob sa awiting- bayan ay
sadyang sumasalamin sa kultura ng isang lugar.
Kagandahan at kalinisan ng sulat- kamay.
Kabuoang Puntos
5- Napakahusay 2 - Di - Mahusay
4 – Mahusay 1- Maraming Kakulangan
3 - Katamtaman
Pagtatanghal:
 Boses (kalakasan at klaro) - 40 puntos
 Tindig at kilos sa pagtatanghal - 40 puntos
 Kagamitan/props - 20 puntos
KABUOAN - 100 PUNTOS

You might also like