Elehiya

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

ELEHIYA

ELEHIYA
Ang elehiya ay isang uri ng Tulang Liriko
na pumapaksa sa damdamin katulad ng
kalungkutan, kasawian o kaligayahan na
nagbibigay-parangal sa mga alaala at nagawa
ng isang yumao. Nagpapahayag ito ng
damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan o
sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay.
TANDAAN!
Ang tulang liriko ay uri ng tula
na kung saan ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa,
ang kanyang sariling damdamin,
iniisip, at persepsyon. Halimbawa
nito ay soneto, oda, awit, at elehiya
Elemento ng Tulang
ELEHIYA
Elemento ng Tulang Elehiya
04. KAUGALIAN AT TRADISYON
01. TEMA
05. WIKANG GINAMIT
02. TAUHAN
06. SIMBOLISMO
03. TAGPUAN
07. DAMDAMIN
TEMA

Ang kabuuang kaisipan ng elehiya na


kadalasan kongkreto. Ang kaisipan at ang
pinagbabatayan ay ang karanasan ng pinag-
aalayang yumao
Halimbawa: pagmamahal sa magulang at
pagpapahalaga sa kaibigan
TAUHAN
Mga indibidwal na kasangkot/nabanggit sa tula na
nakasalamuha, naimpluwensyahan o ang
mismong pinag-aalayan.

Halimbawa: mga mahal sa buhay,


lolo/lola, ama o ina, at kaibigan
TAGPUAN
Ang lugar o panahon na pinangyarihan ng tula.

Halimbawa: isang gabi isa nayon,


kapistahan sa bayan
KAUGALIAN O TRADISYON

Nakikita dito kung anong mayroong nakaugalian,


gawi, pamumuhay at kulturang masasalamin sa
tula.

Halimbawa: pagdiriwang ng kapistahan


at paghahabi ng kumot
WIKANG GINAMIT

Pormal - ang mga salitang maituturing na sa antas pambansa.


Di-pormal - karaniwang ginagamit na salita sa pang araw-araw na usapan.

Halimbawa ang mga salitang balbal,


Di pormal: sekyu / balbal
Pormal: security guard / pampanitikan o pambansa
SIMBOLISMO

Gumagamit ng mga salitang may mas malalim na


kahulugan o pagpapaliwanag upang ipahiwatig ang
isang kaisipan o ideya.

Halimbawa: mga matatalinhagang pahayag


DAMDAMIN

Ang nangingibabaw na emosyon na


nakapaloob sa tula.

Halimbawa: lungkot sa pagbabalik tanaw


Kasiyahan sa pagbibigay papuri
Pagpapasidhi
ng
Damdamin
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay
isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o
emosyon sa paraang papataas ang antas
nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-
iiba-iba ng mga salitang may kaugnayang
sinomo.
HALIMBAWA
Inis → asar → galit → poot

Paghanga → pagsinta → pagliyag → pagmamahal

Damot → sakim → gahaman → ganid

You might also like