4th PT MATH 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Biñan
MALABAN ELEMENTARY SCHOOL

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa MATEMATIKA 2


Taong Panuruan 2019-2020

I.Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1.Anong oras ang isinasaad sa orasan?

A. 1:30 B. 9:50 C. 11:45 D.10:45

2.Ang hour hand ay nasa 5 at ang minute hand ay nasa 6. Anong oras ito?

A. 5:30 B. 6:30 C. 6:25 D. 5:25

3.Ang klase ni Abby ay ika-7 ng umaga. Anong oras dapat siya nasa paaralan
para hindi siya mahuli?

A. 6:30 pm B. 6:45 am C. 7:45 am D. 7:00am

4.Isulat ang oras na “ika-apat at kalahati ng hapon”?

A. 4:00 B. 4:15 C. 4:20 D. 4:30

5. Ang pangkat nina Nora ang maglilinis ng silid-aralan. Nagsimula silang maglinis
ng 6:30 ng umaga. Natapos silang maglinis ng 6:55. Ilang minuto silang naglinis
ng silid-aralan?

A. 15 minuto B. 20 minuto C.25 minuto D.30 minuto

6. Natapos ang klase ni Miriam ng ika-4 ng hapon kasama si Nicki, naglaro sila ng
taguan hanggang ika-5 ng hapon. Gaano sila katagal naglaro?

A. 30 minuto B. 1 oras C. 1 ½ oras D. 2 oras

7.Anong buwan ipinagdiriwang ang Araw Ng Mga Puso?

A. Pebrero B. Marso C. Hunyo D. Hulyo

8.Pumunta si Aster sa Maynila noong Lunes. Biyernes na ng siya ay bumalik ng


kanilang bahay. Ilang araw ang lumipas bago siya bumalik ng bahay?

A. 2 araw B. 3 araw C. 4 na araw D. 5 araw


9.Anong unit of length ang dapat gamitin sa pagkuha ng sukat ng haba ng
medyas?
A. centimeter (cm) B. meter (m) C. feet (ft) D. inch

10.Sa pagkuha ng sukat ng mga bagay, lugar o bahagi ng katawan ay


gumagamit tayo ng unit of length na centimeter. Paano isinusulat ang
abbreviation na 20 centimeters?
A. 20 cent. B. 20 cm. C. 20 ct. D. 20 cn.

11. Kung ang walis ni Lea ay 100 cm ang haba samantalang ang kay Mara ay
1m ang haba. Sino ang may mas mahabang walis kina Lea at Mara?
A. Lea B. Mara C. Lea at Mara D. Leo

12. Si Noel ay may sukat na 127 ½ cm. Ano ang estimated na sukat ni Noel?

A. 127 cm. B. 128 cm. C. 129cm. D. 130cm.

13.Kailangang linisin ni Edna ang 200 m na kalsada. Kung 90 m na ang kanyang


nalilinis, ilang metro pa ang dapat niyang linisin?

A. 105 m B. 115 m C. 110 m D. 120 m

14. Anong unit of mass ang gagamitin sa pagkuha ng timbang ng mga nasa
larawan?

A. gram (g) B. kilogram (kg) C. meter (m) D. centimeter (cm)

15.Bumili si Abet ng 3 kg ng karne ng baboy at 1 kg ng karne baka. Si Bella


naman ay bumili ng 2 kg ng karne ng baboy at 3 kg ng karne ng baka. Ilang
kilogram ang lamang ng karne na nabili ni Bella kasya kay Abet ?
A. 1 kg B. 2 kg C. 3 kg D. 4 kg

16.I-estimate ang timbang ng isang pirasong talong.

A. 200 g B. 200 kg C. 20 g D. 25 kg

17.Ang isang sako ng bigas ay may timbang na 50 kg ay hinati sa limang


pamilya. Ilang kg ang bahagi ng bawat pamilya?

A. 5 kg B. 6 kg C. 10 kg D. 8 kg
18.Si Nanay Ara ay magluluto ng tanghalian. Pumunta siya sa palengke at bumili
ng mga sumusunod:

500 g na kalabasa

200 g na sitaw

250 g na talong

Ilang grams lahat ng gulay ang binili ni Nanay Ara?

A. 950 g B. 850 g C. 750 g D. 900 g

19.Ilang square tiles unit ang ipinapakita sa grid?

A. 30 B. 25 C. 20 D. 15

20.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng 9 square tiles unit?

A. B. C. D.

21. Ano ang area ng sumusunod na grid?

4 units

5 units

A. 16 square units B. 20 square units


C. 18 square units D. 25 square units

22.Si Allan ay gumawa ng vegetable garden sa kanilang likod bahay. Ito ay may
sukat na 2 units ang lawak at 3 units ang haba. Alin sa mga sumusunod na grid
ang area ng vegetable garden ni Allan?

A. B. C. D.
23.Ang flower garden ni Ana ay 4 units ang lawak at 9 units ang haba. Ano ang
area ng flower garden ni Ana?

9 units

4 units

A. 36 square units C. 46 square units


B. 26 square units D. 56 square units

24.Ang lupa ay may habang 10 units at may lawak na 8 units. Ano ang area ng
lupa?

A. 18 square units B. 180 square units

C. 80 square units D. 108 square units

25. Ang nanay ni Millet ay bumili ng isang litro ng calamansi juice. Hinati niya ito
sa 10 bahagi. Ano ang appropriate unit of measure ang gagamitin sa isang
bahagi ng juice?

A. liter B. milliliter C. kilograms D. grams

26.Ano ang abbreviation ng unit of measure ng milliliter?

A. mil. B. mlt. C. ml. D. mltr.

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang magkakaibigan na sina Pia, Rika, Hilda, Nova at Len ay bumili ng ice
cream. Tatlo ang maaari nilang pagpilian. Pinili ni Pia ang Triple Chocolate, si
Rika naman ay Cookies and Cream. Sina Hilda, Nova at Len naman ay Rocky
Road. Pagkatapos nilang pumili silang lahat ay pumila upang kunin ang
nagustuhang ice cream.
27. Anong flavor ng ice cream ang pinili ni Pia?

A. Triple Chocolate B. Rocky Road

C. Double Dutch D. Cookies and Cream

28. Ilan sa magkakaibigan ang pumili ng ice cream na Rocky Road?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

Si Mang Dante ay may malaking lupain. Gusto niyang magkaroon ng


taniman ng niyog. Sa simula nagtanim siya sa loob ng 5 buwan. Ang graph sa
ibaba ay nagpapakita ng kabuuang bilang ng mga puno ng niyog na naitanim
niya sa bawat buwan.

Buwan Bilang ng Puno ng Niyog


Enero 80
Pebrero 70
Marso 100
Abril 90
Mayo 70

29. Anong buwan pinakamaraming naitanim na puno ng niyog si Mang Dante?

A. Enero B. Pebrero C. Marso D. Abril

30. Ano- anong buwan magkapareho ang bilang ng puno ng niyog na naitanim
ni Mang Dante?

A. Pebrero at Mayo B. Marso at Abril

C. Enero at Pebrero D. Marso at Mayo

You might also like