Fil 105 M4 PDF
Fil 105 M4 PDF
Fil 105 M4 PDF
Panimula
Ang nilalaman ng modyul na ito ay naglalayung bigyan pansin ang mga mag-aaral na may paraan
ng pag-unawa sa pakikinig. Gayon din ang mabigyan o malapatan ng natatanging estratehiya ang mga
mag-aaral na nakapokus o masnakatuon sa kasanayang pakikinig
Araw at Oras
I. Layunin
II. Leyktur
MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa tunog o salita na narinig. Ang
prosesong ito ay nagaganap sa pamamagitan ng auditory nerve at utak. Nagsisilbing stimuli ang tunog na
napakinggan, ito ay dadaan sa auditory nerve papunta sa utak upang bigyan ng pagpapakahulugan at
pagsusuri.
Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mayroong
itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.
HADLANG SA PAKIKINIG
Pagbuo ng maling kaisipan - may pagkakataon na tayo ay nakikipag-usap sa ating sariling isipan habang
nakikinig at sa pamamagitan nito, ang nabubuo ay kung ano ang nabuong kaisipan natin at hindi ang
kabuuang nilalaman ng ating pinakikinggan.
Pagkiling sa sariling opinyon - nakabubuo tayo ng sarili nating kaisipan habang nakikinig sa isang
nagsasalita mula sa sarili nating opinyon na wala namang matibay na basehan.
Pagkakaiba-iba ng pakahulugan - ang nabubuo nating interpretasyon sa ating narinig ay maaaring iba sa
pakahulugan ng nagsasalita kaya kailangan dito ang paglilinaw sa pamamagitan ng pagtatanong sa
tagapagsalita kung anong kaisipan o ideya ang narinig na gustong linawin.
Pisikal na dahilan - isa rin sa hadlang sa pakikinig ang epekto ng kapaligiran.
Pagkakaiba ng kultura - posibleng mangyari na hindi natin matanggap ang mensaheng ipinadala ng
tagapagsalita dahil sa kaibahan ng kultura.
Suliraning pansarili - hindi natin gaanong mauunawaan ang ating pinakikinggan kung namamayani ang
ating pinakikinggan at umuukilkil sa ating isipan ang ating sariling problema sapagkat nakapokus tayo sa
problema at hindi sa ating pinakikinggan.
KABUTIHANG NAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG
• Napapaamo ang matigas na damdamin ng kapwa.
• Naiiwasan ang mga negatibong puna kung ang pakikinig ay ginamit sa wastong paraan.
• Mas madaling magtutulungan ang lahat dahil sa aktibong pakikinig.
• Mauunawaan ang kalagayan at posisyon ng iba kung makikinig sa kanya.
• Magkakasundo at magkakaunawaan ang lahat kung nakikinig sa bawat isa.
• Malalaman at masusubok ang kahinaan ng bawat isa.
URI NG PAKIKINIG
Passiv o Marginal - pakikinig na kung saan ang pinakikinggan ay di gaanong napagtutuunan ng pansin
dahil sa ibang gawain.
Atentiv - pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon. Ang layunin ng tagapakinig ay makakuha ng
kawastuhan ng pagkaunawa sa paksang narinig.
Analitikal - layunin ng pakikinig na ito na magbigay ng husga o reaksyon sa napakinggan.
Kritikal - mapanuring pakikinig, pagkuha ng mensahe at pagpapahalagang moral sa paksang narinig.
Apresyativ o Pagpapahalagang Pakikinig - pakikinig na ginagawa ng tao para sa sariling kasiyahan.
Paggamot - matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan sa pamamagitan ng pakikinig sa
suliranin ng nagsasalita.
Diskriminatibo - malaman ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
• Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon.
• Ang pakikinig ay nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan.
• Ito ay nangangailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa.
• Ang pakikinig ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng lahat.
• Ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kilos at gawi ng iba.
• Ito ay nakatutulong sa pagbuo ng pagkakaisa.
Sanggunian
https://iriscollarin.tumblr.com/post/111455257110/makrong-kasanayan-sa-pakikinig
Inihanda ni
REYNARD G. PANGDIW