Tagu Taguan

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tagu-taguan

Basahin sa ibang wika

Bantayin ang pahinang ito

Baguhin

Hide and Seek, isang pinta noong 1881 na pinapakita ang larong tagu-taguan

Ang taguan o tagu-taguan ay isang sikat na larong pambata kung saan nilalaro ng dalawa o higit pa na
manlalaro[1] na nagtatago sa paligid upang hanapin ng isa o higit pa na taya. Nagsisimula ang laro kapag
may naitakda na taya at ang taya ay pipikit at bibilang hanggang tatlo o kahit anumang bilang habang
magtatago naman ang mga hindi taya. Pagkatapos bumilang ang taya, sasabihan niya na handa na siyang
maghanap at susubukang hanapin ang mga nakatagong manlalaro.[2] Halimbawa ang larong ito ng isang
tradisyong pasalita na karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng mga bata. At pag nahanap niya na ang
unang nagtago ay yun naman ang taya

Iba't ibang bersyon

Baguhin

Bersyon sa Pilipinas

Baguhin

Sa Pilipinas, isang tradisyunal na laro ang tagu-taguan na nilalaro sa labas ng bahay at karaniwan tuwing
dapit-hapon o gabi lalo na kung maliwanag ang buwan.[3] Sa bersyong Pilipino, pumipili ang mga
manlalaro ng base kung saan dito tatakpan ng taya ang kanyang mata sa pamamagitan ng kanyang
braso[4] at kapag nakatakip na ang mata, ang taya ay kadalasang umaawit[5] imbis na sabihin ang
"handa man kayo o hindi, nandito na ako!" May iba't ibang titik ng awit at ilan sa mga ito ang
sumusunod:

"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim-diliman..."[4]

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang ng sampu, nakatago na
kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu!"[6]

Matapos magbilang ng taya, maaring magtanong ito kung handa na ang lahat at maaring sumagot o
hindi ang mga nakatago. Kapag wala na marining na sagot, maaring masimulang maghanap na ang taya.
[4] Kung makaiwas ang isang nakatago sa taya at di siya nakita nito, maari siyang magpunta sa base,
hawakan ito at sabihing "save! (ligtas).[4] Kung may nahanap naman ang taya, sasabihin naman niya
"Bong!" at ang pangalan ng nahanap na manlalaro.[4] Tapos, mag-uunahan sila sa base at kung sino ang
hindi nakahawak sa base at hindi nasambit ang "save", siya ang magiging taya.[4]

You might also like