1QTR. Exam Social Studies 10
1QTR. Exam Social Studies 10
1QTR. Exam Social Studies 10
1. Isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
A. Isyung Panlipunan
B. Isyung Personal
C. Isyu ng Buhay
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng isyung personal at isyung panlipunan?
A. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o
bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay
maituturing na isyung panlipunan
B. Ang kawalang ng disiplina ng mga mamamayan ay isyung personal subalit kung ang isang
kumunidad ay bulagsak sa paggasta ay maituturing na isyung panlipunan
C. Ang kahirapan dala ng bagyo ay matituturing na isyung personal subalit matutukoy na isyung
panlipunan kung ito ay naghihirap ang buong kumunidad
3. Ito ay tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa
kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon.
A. Isyu ng Buhay
B. Kontemporaryong isyu
C. Isyung Personal
4. Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang hindi kasali sa pangkat?
A. Lipunan
B. Sarili
C. Kapaligiran
5. Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag naglalarawan sa kontemporaryong isyu, alin ang hindi?
A. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
B. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan
C. Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuro-kuro
6. Sa pangangalap ng impormasyon ay kailangan ng mga sanggunian upang maging mabisa sa pag-aaral ng
mga isyu, alin sa mga sumusunod na sanggunian ang hindi kasali sa mga batayan ng datos?
A. Dokumento
B. telebisyon
C. Wala sa nabanggit
7. Ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
B. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
C. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
8. Isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
A. Institusyon
B. social groups
C. social status
9. Mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos.
A. Katotohaan
B. Opinion
C. Kuro-kuro
10. Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? “ Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas”
A. Tama
B. Mali
C. Walang Kaugnayan
11. Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? “Pagdami ng mga Overseas Filipino
Workers”
A. Tama
B. Mali
C. Walang Kaugnayan
12. Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? “Kahirapan ng maraming Pilipino”
A. Tama
B. Mali
C. Walang Kaugnayan
13. Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? “paglaki ng popolasyon”
A. Tama
B. Mali
C. Walang Kaugnayan
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong
isyu?
A. pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging mapagmatyag, matalino
at produktibong mamamayan
B. nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral
C. wala sa nabanggit
15. Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran
ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya
nito” na ang ibig sabihin ay ;
A. Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa
B. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
16. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa,
marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon.
Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na
problemang ito?
A. Idinadaan na lamang nila sa protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa
pamahalaan.
B. Ipinagsawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
C. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano
ang tama at nararapat.
17. Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may
gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na
makatutulong sa pag-unlad ng bansa MALIBAN sa isa.
A. Pagtangkilik sa mga dayuhang produkto
B. Tamang pagbayad ng buwis
C. Tamang pagboto
18. Alin sa sumusunod ang HINDI nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pagmimina
B. Pangingisda
C. Paghahayupan
19. Isa sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng
kanilang mga ani o produktong agrikultural. Ano ang dahilan nito?
A. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market roads)
B. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad
C. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
20. Sa kasalukuyan ang malaking labor force ng Pilipinas ay may mataas na antas ng kawalang
trabaho (unemployment) at hindi sapat na trabaho (underemployment). Kung gagawing capital
intensive ang mga industriya, ano ang magiging epekto nito sa labor market?
A. Magbabalikan sa bansa ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang dito magtrabaho
B. Lalong bababa ang ang pangangailangan sa mga manggagawang manwal (manual laborers)
C. Magkakaroon ng kaalaman ang mga manggagawa sa makabagong teknolohiya sa produksyon
21. Ang pag-unlad ng industriya ay hinahangad ng maraming bansa sa daigdig, kung kaya ang pagtatayo ng
mga negosyo ng iba’t-ibang bansa ay ginagawa ng malalaking kompanya tulad
ng McDonald’s, Jollibee, KFC, at iba pa.
Sa ganitong kalagayan, paano ito nakatutulong sa pagsulong ng industriya at pag-unlad ng bansa ang
mga nabanggit na kompanya?
A. Itinataas nito ang antas ng pamumuhay ng tao
B. Nagkakaloob ito ng trabaho at nakatutulong sa pagtaas ng lakas-paggawa
C. Binabago nito ang badyet na may kinalaman sa pagkonsumo ng mga Pilipino
22. Ang mga sumusunod ay mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa ating mga kababayan na
nagtatrabaho sa ibang bansa MALIBAN sa
A. DepEd
B. DFA
C. POEA
23. Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang suliranin
sa kontraktuwalisasyon. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ito sa kabila ng
protesta ng mga manggagawa?
A. Dahil mababa lamang ang pasahod sa mga kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
B. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga overtime na trabaho.
C. Lahat ng nabanggit
24. Maraming kaganapan sa ating paligid araw-araw. Mga isyung kinahaharap ng ating mga pamayanan o
komunidad. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kontemporaryong isyu?
A. pagkatuklas sa Taong Tabon
B. pagbabago ng klima sa buong mundo
C. pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
25. Malaking pinsala sa mga ari-arian ang idinulot ng mga bagyo at pagbaha. Alin sa mga sumusunod ang
kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Opinion
B. katotohanan
C. konklusyon
26. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na
mararanasan ng bansa?
A. DILG
B. PAG-ASA
C. NDRRMC
27. Ang pagdami ng sakit, pagkakaroon ng matitinding bagyo at pagbaha pati na rin ang labis na init ay
maituturing na suliranin at tumatalakay sa anong aspeto ng climate change?
A. Dahilan
B. Bunga
C. Epekto
28. Ano ang kalagayan ng isang taong aktibong naghahanap ng trabaho ngunit hindi makahanap ng trabaho?
A. Unemployment
B. underemployed
C. job displacement
29. Paano nagkakaiba ang graft at ang corruption?
A. Ang graft ay pagkamal ng salapi ng bayan samantalang ang corruption ay pagnanakaw ng mga ari-
arian ng pamahalaan.
B. Ang graft ay ginagawa ng iisang indibidwal samantalang ang corruption ay nagaganap sa
pagsasabwatan ng mga tao.
C. Ang graft ay isang uri ng corruption
30. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng suliraning pangkapaligiran maliban sa isa ano ito?
A. Pagtatanim
B. Climate change
C. Polusyon
31. Tumutukoy sa pagbabago ng karaniwang klima
A. Pagtatanim
B. Climate change
C. Polusyon
32. Ito ay tumutukoy sa pagpapatag ng mga bundok upang gawing mga gusali
A. Land conversion
B. Land convertion
C. Land convertion
33. Tumutukoy sa walang habas na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan
A. Deforestation
B. Climate change
C. Polusyon
34. Ang Climate Change ay pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga _________ na
nagpapainit sa mundo.
A. Green house gases
B. carbon dioxide
C. oxygen
35. Paano nakakaapekto ang edukasyon sa antas ng pag-unlad ng isang bansa?
A. Dahil kung ang mga tao ay nakapag-aral, sila ay may kakayahang makapagtrabaho.
B. Dahil ang edukasyon ang susi sa pagtatagumpay ng isang tao.
C. Dahil ang edukasyon ay hindi mananakaw ng kahit na sino.
36. Bilang kabataan, paano ka makakatulong sa pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa o
proyekto nito tungkol sa populasyon?
A. Ipapaalam ko ito sa mga kaibigan ko na wala masyadong kaalaman sa mga programa o proyekto ng
pamahalaan.
B. Sasali ako sa mga organisasyong nagsusulong sa programa o proyekto ng pamahalaan.
C. Magpo-post ako sa Facebook at Twitter ng mga programa o proyekto ng pamahalaan.
37. Paano nakakaapekto sa isang bansa ang mataas na unemployment rate nito?
A. Magkakaroon ng pag-unlad ang ekonomiya ng bansa.
B. Mababawasan ang mga kailangang suportahan ng pamahalaan.
C. Maglalaan ng malaking pondo ang pamahalaan para sa mga walang trabaho.
38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng malaking populasyon sa kalikasan?
A. Tumataas ang pangangailangan sa likas na yaman
B. Tumataas ang pangangailangan ng tao sa espasyo
C. Tumataas ang suplay ng yamang likas sa kapaligiran
39. Bakit kinakailangang mabatid ang gulang, kasarian, at life expectancy sa isang bansa?
A. Upang malaman ang dami ng mga bata at matanda sa isang bansa
B. Upang malaman ang mga programa o proyekto na ilalaan ng pamahalaan sa isang bansa
C. Upang malaman ang dami ng tao sa isang bansa na kayang makapagtrabaho at makatulong sa
ekonomiya
40. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahiwatig ng dahilan kung bakit bumababa ang population
growth rate ng ilang mga bansa sa Asya?
A. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataaas na antas ng pamumuhay.
B. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
C. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan kaya’t sila’y laging nakatutok sa kanilang mga
trabaho.
41. Paano nakakaapekto ang populasyon sa kaunlaran ng isang bansa?
A. Sa pagliit ng populasyon ay umuunlad ang isang bansa.
B. Sa paglaki ng populasyon ay umuunlad ang bansa.
C. Sa paglaki ng populasyon ay hindi naghihirap ang bansa.
42. Ano ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng lebel ng mga greenhouse gas sa atmospera na nagiging
sanhi ng pagkakaroon ng climate change?
A. Pagsunog sa mga fossil fuels
B. Pagdami ng mga solid waste
C. Pagsasagawa ng illegal logging
43. Alin sa mga sumusunod ang dumaranas ng kahirapan?
A. Malimit at matagalang gutom
B. Mababang antas ng kalusugan
C. Maayos na tirahan
44. Ano ang ibigsabihin ng PHILVOCS?
A. Philippines Institute of Volcanology and Seismology
B. Philippine Institute of Volcanology and Seismology
C. Philippines Institute of Volcanologies and Seismologies
45. Ang mga sumusunod ay layunin ng Sendai Framework for Disaster Reduction 2015-2030 na
pinagkasunduan ng maraming bansa sa Japan noong 2015, maliban sa:
A. Kabawasan ng tuwirang pagbasak ng ekonomiya dulot ng sakuna
B. Mapaunlad ang pakikipagtulungan ng mga bansa sa isa’t-isa sa pamamagitan ng sapat na tulong at
suporta
C. Maunawaan ang mga panganib dulot ng sakuna
46. Ito ay tawag sa mga bagyong nabubuo sa Karagatang Atlantiko at Hilagang-silangan karagatang Pasipiko.
A. Hurricane
B. typhoon
C. cyclone
47. Ito naman ang tawag sa mga bagyong nabubuo sa Karagatang Indianao.
A. Hurricane
B. typhoon
C. cyclone
48. Ito ang tawag sa mga bagyong nabubuo sa hilagang-kanluranng Karagatang Pasipiko.
A. Hurricane
B. typhoon
C. cyclone
49. Itinuturing na tagtuyot o halos walang ulan.
A. El Niño
B. La Niña
C. La Niña at El Niño
50. Mistulang tag-ulan na malimit nagiging dahilan ng pagbaha.
A. El Niño
B. La Niña
C. La Niña at El Niño
ANSWER KEY
1. A 11.A 21.B 31.B 41.A
2.A 12.A 22.A 32.A 42.A
3.B 13.A 23.C 33.A 42.C
4.B 14.C 24.B 34.A 44.B
5.C 15.C 25.B 35.A 45.C
6.C 16.C 26.C 36.B 46.A
7.B 17.A 27.B 37.C 47.C
8.A 18.A 28.A 38.C 48.B
9.A 19.A 29.A 39.C 49.A
10.A 20.B 30.A 40.B 50.B