Ap 7 - Q1 - M12

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Araling Panlipunan – Ika-Pito na Baitang

Unang Markahan – Modyul 12: Mga Gawain na Makakatulong sa Pangangalaga


sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jennifer M. Cotchay
Editor: Allan P. Ulep
Tagasuri: Rowena D. Roxas
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
Unang Markahan
7
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang
Ekolohiko ng Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Modyul
para sa araling Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 Modyul ukol sa


Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag – aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timabang na
kalagayang ekolohiko ng rehiyon.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1.Naiisa – isa ang ilan sa mga pamamaraan na makatutulong sa pangangalaga sa
timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya

2. Nakapagbigay ng Gawain na makatutulong sa pangangalaga sa timbang na


ekolohiko ng Asya

3. Nakabubuo ng pledge of commitment bilang isang nagmamalasakit na


mamamayan sa kalikasan

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Suriin mabuti kung ang pahayag ay Tama o Mali. Isulat ang tamang sagot
sa patlang.
__________1. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay naktutulong upang
mabuhay at dumami ang mga isda at iba pang yaman dito.
__________2. Ang plastik ay mainam na isama sa mga bagay na nabubulok.
__________3. Sa Pilipinas, ang ahensya ng DENR ang pangunahing nangangalaga sa
ating kalikasan.
__________4. Tanging ang mga environmentalists lamang ang pwedeng kumilos at
mag-alaga sa ating kalikasan.
__________5. Isa sa mga nakasisira sa ating kalikasan ay ang paggamit ng sulfur
dioxide mula sa mga generator.
BALIK-ARAL

Panuto: Punan ng wastong sagot ang bawat bilang. Isulat ang buong salita sa
patlang.

environment styrofoam
hydropower buhay
ecology

1. Ang ecological balance ay balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may


_________________at ang kanilang kapaligiran.

2. Ang Pasig City Ordiance No. 9 series of 2010 ay isang ordinansa na nagbabawal
sa paggamit ng plastik at ______________.

3. Ang Renewable Energy Project of India ay isinusulong ang paggamit ng renewable


energies tulad ng hangin, solar at _______________.

4. Ang ibig sabihin ng UNEP ay United Nations ______________Program.

5. Ang masalimuot na sistema ng interaksiyon sa pagitan ng mga bagay na may


buhay at ng mga bagay na walang buhay sa pisikal na kapaligiran ay tinatawag na
_________________.

ARALIN
Sa iyong palagay,bakit kaya may baha sa bayan ni
Juan gayong bahagya lamang ang ulan?

Dapat ba itong pagtuunan ng pansin? Bakit?

Ano ang maaaring epekto ng ganitong sitwasyon sa


pamayanan?
Tumataas na ang kamalayan ng mga Asyano hinggil sa pagpapahalaga
sa kapaligiran dahil may mga bansa nang nagpapatupad ng mga patakaran para sa
pangangalaga sa kapaligiran.
May mga bansa na naglaan ng protected areas at may mga bansa na
nagpapatupad ng batas na nagangalaga sa mga halaman at hayop. May mga
organisasyon din na aktibo sa konserbasyon ng mga kalikasan.

Ilang gawain na makatutulong sa pangangalaga sa timbang na


kalagayang ekolohiko ng ASya

a. pagbabawas ng paggamit ng enerhiya


Mga halimbawa
1. iwasang buksan ang refrigerator nang matagal
2. tanggalin ang plug ng mga appliances kapag hindi ginagamit
3. patayin ang mga ilaw kapag matutulog na sa gabi o kapag lalabas ng silid

b. paghahanap ng bagong pagkukunan ng enerhiya na hindi makasisira sa


hangin

c. pagbili ng mga tao ng mga produkto na hindi maaksaya sa packaging at


magagamit nang pangmatagalan at paggamit ng mga tao ng mga produktong
eco – friendly gaya ng mga eco – bag

d. pagpapatupad ng mga batas para sa pangangalaga ng mga likas na yaman

e. pagbabago sa pamumuhay ng mga tao at pagtutulungan ng mga bansa sa


pangangalaga sa mga likas na yaman

Ano ang sustainable development? Ang sustainable development ay


pagtiyak na matutugunan ang pangangailangan sa kasalukuyan na hindi
makokompromiso ang pangangailangan sa mga hinaharap. Ito ay tumutugon sa mga
isyu na may kaugnayan sa kapaligiran. Sa madaling salita, hangarin nito na
mapaunlad ang pamumuhay na hindi madadagdagan ang paggamit ng mga likas na
yaman na higit sa kakayahan nito. Paano ito maisasagawa? Maisasagawa lamang ito
sa pamamagitan ng mga paraan na magpapabago sa pag-uugali ng mga tao at
lipunan upang hindi tuluyang masira ang ating kapaligiran at maubos ang likas na
yaman. Ang 3R’s

reduce
 Reduce – Ang pagbabawas sa pagtatapon
ng basura o pag-iwas sa pagbili ng mga
bagay na maaaring itapon agad pagkaraan
gamitin ng isang beses.
 Reuse – Sa halip na itapon ang mga bagay,
mag-isip ng mga paraan upang muli itong recycle reuse
pakinabangan.
 Recycle – ito ay nagangahulugan ng
pagbuo ng mga bagong bagay o produkto
mula sa mga lumang gamit o bagay.
MGA PAGSASANAY

Gawain Bilang 1: Mag – isip Tayo!


Panuto: Magbigay ng tig 5 halimbawa ng mga bagay o gawain ayon sa
kinabibilangang kategorya.

Mga bagay o gawain na Mga bagay o gawain na Mga bagay o gawain na


dapat i - reduce dapat i - reuse dapat i - recycle

Gawain Bilang 2
Panuto: magbigay ng limang pamamaraan na inyong ginaawa upang makatipid sa
konsumo ng enerhiya. Hingin ang gabay ng iyong magulang o tagapangalaga.

1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________

3._________________________________________________________________________
4._________________________________________________________________________
5._________________________________________________________________________

Gawain Bilang 3: Ang aking Pledge of Commitment


Bilang isang mag-aaral ikaw ay mulat na sa kasalukuyang kalagayan ng ating
kapaligiran. Malaki ang iyong kontribusyon sa pangangalaga sa ating kapaligiran at
uumpisahan mo ito sa pamamagitan ng paggawa ng Pledge of Comitment.
Mga kagamitan sa paggawa
colored paper
gunting
lapis o marker

Panuto:
1. Iguhit sa colored paper ang iyong kanang kamay gamit ang lapis o marker.
2. Gupitin ito ng maayos.
3. Isulat sa loob ng kamay ang iyong pangako sa ating kalikasan na
naglalaman ng iyong pakikiisa sa pangangalaga sa ating kapaligiran.
PAGLALAHAT
Ano ang halaga ng kapaligiran sa mga may buhay na nilalang gaya ng tao,
halaman,at hayop?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko sa pang-araw-araw na buhay natin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang hindi kabilang sa pangkat, Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
______1. A. bakal C. plastik
B. dahon D. styrofoam
______2. A. recharge C. reduce
B. reuse D. recycle
_______3. A. uling pagpapagubat
B. pagtalaga ng gubat na di dapat galawin

C. paghuli sa iligal na nagtotroso


D. pagkakaingin
_______4. A. pagkakalbo ng gubat C. urbanisasyon

B. paggamit ng kemikal na pataba D. pagguho ng lupa


_______5. A. tao C. halaman
B. hayop D. robot
recycle/
https://leverageedu.com/blog/environmental-conservation/3rs-reduce-reuse-
https://www.slideshare.net/ApHUB2013/mga-batas-pangkapaligiran
https://www.slideshare.net/jenncadmumar/suliraning-pangkapaligiran-65231666
Mga Website
Sanggunian
Paunang Pagsubok Panapos na Pagsusulit
1. buhay 1. B
2. styrofoam 2. A
3. hydropower 3. D
4. environment 4. C
5. ecology 5. D
Mga Pagsasanay
Gawain Bilang 1: Mag - isip tayo!
(Nakadepende ang sagot sa output ng mag - aaral)
Gawain Bilang 2
(Nakadepende ang sagot sa output ng mag - aaral
Gawain Bilang 3: Ang Aking Pledge of Commitment
(Nakadepende ang sagot sa output ng mag - aaral)
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like