Filipio Sa Piling Larangan Module 12

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Learning Activity Sheet (LAS)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Name: _____________________________________ Score: _________________


Section: ____________________________________ Date: __________________

Activity No: 1. Type of Activity: Practice Exercises


Activity Title: Mga kahalagahan ng Wika
Learning Target: Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika
Reference/s: Rolando A. Bernales, Maria Esmeralda A. Pascual, ELimar A Ravina, RexBookstore Unang Edisyon, Youtube

Note: You may use other links or websites.


https://www.youtube.com/watch?v=9ZnPBjNArX8
Mode of Learning: Distance learning
Background:

Ano ang Nalalaman Mo


Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliinang letra ng tamang sagot.

____1.Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa
kanyang isipan. A.Pakikinig B.Pagbabasa, C.Panonood D.Pagsulat
____2.Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning
makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal?
A.kwento B.pananaliksik C.sulating panteknikal D.balita
____3.Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo
et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
A.Malikhain B.Teknikal C.Akademiko D.Reperensyal
____4.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa
guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa
pasyente at iba pa. A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D. Teknikal
____5Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na
kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
A.Paksa B Wika C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat
____6.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang
paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
A.Paksa B.Wika C.Layunin D.Kasanayang Pampag-iisip
____7.Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
A.Naratibo B.Ekspresibo C.Impormatibo D.Argumentatibo
____8.Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at
nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
A.Argumentatibo B.Naratibo C.Ekspresibo D.Deskriptibo
____9.Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita iii
,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
A.opisina B.akademiya C.librari D.entablado
____10.Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
A.Obhetibo B.Pormal C.Maliwanag at Organisado D.May Paninindigan iii

SUBUKIN

Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG :Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa
________1.Isang benepisyong makukuha sa pagsusulat ang magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapagambag ng
kaalaman sa lipunan.
________2. Ito ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na maaaring panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.
________3. Ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.mula sa kasanayang pagsusulat.
________4. Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat at binibigkas na bunga ng sariling
pananaw ng may-akda sa pamamgitan ng pagtatalumpati. Baitang : 12 Markahan : Una Panahong Igugugol : Unang Linggo 1
________5. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

TUKLASIN

Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe,
ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at
mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga
talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin. May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ,ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking
tulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o
panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman. Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at
mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig ,pagbabasa,
panonood,madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa pagsasalita at pagsusulat ang taong
nagsagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at
isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat ,
nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan ,at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing
layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman , napakahalaga na bukod sa mensaheng
taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning
ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw ,pag-iisip at damdamin ng makababasa nito. Ayon naman kay
Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang
bahagi. Una ,ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang
ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot , o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang
halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kwento , tula , dula ,awit at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging
panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay
transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensya, pananaliksik ,sulating panteknikal ,tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga
sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin naming magkasabay na
maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na
kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig .

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat.
1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’tibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat

SURIIN

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN:


Batay sa nabasa at napag-aralang katuturan,layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng wika.

1.Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?


2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin at hubuging lubos? Bakit?

3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?

4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa ang layuning personal at panlipunan? Bakit?

5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot

PAGYAMANIN

Panuto: PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN:


Kilalanin ang mga halimbawa ng akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto at kaalaman ukol dito.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.

A.Panunuring Pampanitikan B.Bibliyogarapiya C.Tesis D.Artikulo E.Konseptong papel


F.Pamanahong papel G.Disertasyon H.Pagsasaling-wika I.Aklat J.Abstrak

___1. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong
sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
___2. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang balangkas o framework.
___3.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o
propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.
___4.Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong doktor.
___5. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat.
___6. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay ihahayag sa ibang anyo ng wika.
___7.Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang paghahatid ng karunungan (Maaaring pahayagan, magasin, at iba pa).
___8. Ito ay sulating naghahatid ng iba’t ibang impormasyon na may kinalaman sa iba’t ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating lipunan, kalusugan, isports, negosyo, at iba
pa.
___9.Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o pablikasyon. Kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang proyekto, talumpati,
katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, agenda, pictorial essay, lakbaysanaysay at abstrak.
___10.Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur, at mga report.
Learning Activity Sheet (LAS)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Name: _____________________________________ Score: _________________


Section: ____________________________________ Date: __________________

Activity No: 1.2 Type of Activity: Practice Exercises


Activity Title: Mga kahalagahan ng Wika
Learning Target: Natutukoy ang kahalagahan ng barayti at rehistro ng wika
Reference/s: Rolando A. Bernales, Maria Esmeralda A. Pascual, ELimar A Ravina, RexBookstore Unang Edisyon, Youtube

Note: You may use other links or websites.


https://www.youtube.com/watch?v=9ZnPBjNArX8
Mode of Learning: Distance learning
Background:

Subukin

Panuto: PAGTUKOY SA GAMIT AT URI NG PAGSULAT: Tukuyin ang gamit at uri ng


pagsulat sa mga katanungan.Piliin ang titik ng tamang sagot.

A.Wika B.Paksa C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat


E.Kasanayang Pampag-iisip F.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat G.Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin

______1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng pagsusulat
nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa .
______2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos , organisado ,obhetibo at at masining na pamamaraan mula panimula
ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
______3. Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na
kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
_______4. Sa pagsulat ,dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong nahalaga ,o maging ng mga
impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
_______5. Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mga kaalaman,kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng
isang taong nais sumulat.
TUKLASIN

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o
komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan
sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:
1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat
matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at
payak na paraan.
2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng
sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4.Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa
kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o
pag-usapan.
5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng
isang mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na
maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

Uri ng Pagsulat
1. Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin
sa isang tiyak na disiplina o larangan . Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na
impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study ,manwal, Proyekto sa pag-aayos ng
kompyuter, at iba pa.
2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.Karaniwang makikita ito sa
huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at
batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik.
3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay
isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa
lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin, o kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon.
4. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito
13 ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa.
6. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon
ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report
tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.

PAGYAMANIN

Panuto: PAGSUSUSULAT AYON SA LAYUNIN: Basahin ang panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat isa upang makasulat ng mga halimbawang pamamaraan ng
pagsulat ayon sa layunin.
1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board exam ay gawin mong mas mabisang ang paglalarawan sa damdamin. Bumuo ka ng diyalogo ni Len na
nagsasaad ng nararamdaman niya. Isulat ang diyalogo sa patlang. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________ ______________________________________________________
2. Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang kanyang kaarawan. Ilarawan mo ang damdamin ni Ken sa pamamagitan ng kanyang ginawa
na nagpapakita ng labis na pagtatampo. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Walang patid ang pagluha ni Bea dahil sa pagkabigo ng kanyang unang pag-ibig. May mahal palang iba ang taong pinakamamahal niya. Gumamit ng tayutay o
matatalinghagang pananalita sa paglalarawan sa damdamin o emosyon ni Bea. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
_______________________________________

You might also like