Summative Test in AP 9

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BILARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BILARAN, NASUGBU, BATANGAS

MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9


UNANG MARKAHAN
S.Y.2021-2022

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat
ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay tumutukoy sap ag-aaral upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng
kakapusan.
B. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kanyang
rasyonal na pagdedesisyon.
C. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning
pangkabuhayan na kanyang kinakaharap.
D. Ito ay pag-aaral kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
2. Bakit kailangang magsagawa ng Trade-Off ang tao?
A. Upang makapili ng mga produktong kailangan sa palengke.
B. Upang matugunan niya ang kaniyang pangangailangan na magdududot ng higit
na kasiyahan.
C. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili ng desisyon.
D. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo.
3. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng
kakapusansa lipunan?
A. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman.
B. Walang katapusang pangangailangan ng at kagustuhan ng tao
C. Limitadong pinagkukunang-yaman
D. Lahat ng nabanggit
4. Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan.
B. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.
C. Isaalang-alang ang relihiyon,paniniwala, mithiin at tradisyon.
D. Isaalang-alang ang trade at opportunity cost.
5. Ano ang tawag sa halaga ng inaasam na branded na damit na isinakripisyong hindi
bilhin ni Kolbe upang makabili ng mas murang damit at pabango.
A. Trade- off
B. Opportunity Cost
C. Marginal Thinking
D. Incentive
6. Dapat na bigyang pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang
gawaing pang-ekonomiya na:
A. Lumilinang ng likas-yaman
B. Namamahagi ng pinagkukunang-yaman
C. Lumilikha ng produkto at serbisyo
D. Gumagamit ng mga produkto at serbisyo
7. Ang mga sumusunod ay maaaring maganap kung uunahin ang pangangailangan
kaysa sa kagustuhan, MALIBAN sa isa:

Address: Bilaran, Nasugbu, Batangas


043 – 786 - 7652
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BILARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BILARAN, NASUGBU, BATANGAS

A. Maisasakatuparan ang layunin ng pagpili at pagkonsumo


B. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yamansa lahat ng tao.
C. Maaaring mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa pinagkukunang-yaman .
D. Lahat ng nabanggit
8. Sa Command Economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control
at regulasyon ng:
A. Prodyuser
B. Konsyumer
C. Pamahalaan
D. Pamilihan
9. Kailan maituturing na primarying pangangailangan ang isang produkto o
paglilingkod?
A. Kapag ito ay kailangan ng tao upang mabuhay.
B. Kapag makabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitannito
C. Kapag nakapgbibigay ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao
D. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging mas madali ang mahirap
na Gawain
10. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksiyon.
Sa ekonomiks, ang mga pangunahing salik ng produksiyon ay kinabibilangan ng:
A. Sahod sa entrpenyur, upas a lakas-paggawa, interes sa kapitalista at tubo sa
entreprenyur.
B. Upas a lupa, sahod sa manggagawa, imparstruktura at entrepreneurship.
C. Inetres, kita, sahod at lupa
D. Lupa, lakas-paggawa, kapita at entrepreneurship.
11. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng isang pamayanang
mayroong Tradisyunal na Sistema ng Ekonomiya?
A. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ibang
mga Gawain.
B. Tulong-tulong sa mga gawain at may pantay-pantay na pakinabang sa mga
pinagkukunang-yaman gaya ng pangunahing pangangailangan tulad ng
damit,pagkain at tirahan.
C. Wala, sapagkat ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan.
D. Malaya kang makakilos ayon sa sarili mong kagustuhan at interes nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.

INPUT PROSESO OUTPUT

Lupa Pagsasama-sama ng Kalakal o serbisyo na


Paggawa materyales, paggawa, pangkonsumo
Kapital o puhunan kapital at Kalakal o serbisyo na
Entreprenyur entreprenyur gamit
12. Ang ilustrayon sa itaas ay
tungkol sa produksyon. Ano ang ipinahihiwatig nito?

Address: Bilaran, Nasugbu, Batangas


043 – 786 - 7652
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BILARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BILARAN, NASUGBU, BATANGAS

A. Magaganap lamang ang produksyon kung kumpleto ang mga salik na gagamitin
nito.
B. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa
kaysa sa mga makinarya.
C. Ang produksyon ay ang proseso ng pagsama-sama ng input tulad ng lupa,lakas-
paggawa, kapital at entrepenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
D. Ang produksyon ay ang proseso ng pagsama-sama ng output tulad ng produkto
at serbisyo upang makabuo ng input tulad ng lupa,paggawa, kapital at
kakayahan ng entreprenyur.
13. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang-yaman upang matugunan
ang kagustuhan at pangangailangan.
A. Distribusyon
B. Alokasyon
C. Pamumuhunan
D. Reserbasyon
14. Sentralisado ang kapangyarihan ng pamahalaan sa bansang China. Ano ang
sistemang pang-ekonomiya ng kahalintulad nito sa North Korea?
A. Traditional Economy
B. Mixed Economy
C. Command Economy
D. Market Economy
15. May apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko upang matiyak na
episyente at maayos ang alokasyon ng pinagkukunang-yaman. Anong katanungan
ang batay sa pahayag na “Mamamayan sa loob at labas ng bansa”.
A. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
C. Para kanino ang mga produkto at serbisyo?
D. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
16. Narito ka sa sistemang pang-ekonomiya na tumutukoy sa isang sistemang nabuo at
may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market
economy.
A. Traditional Economy
B. Mixed Economy
C. Command Economy
D. Market Economy.
17. Sa aling Sistema may lubos na control ang pamahalaan sa ekonomiya ng bansa?
A. Traditional Economy
B. Market Economy
C. Command Economy
D. Mixed Economy
18. Isa sa katangian ng isang matalinong mamimili ay ang pagiging mapanuri. Kailan
masasabing mapanuri ang isang mamimili?
A. Bumibili ng maraming produkto lalo na kung may hawak na malaking halaga.
B. Nagpapadala sa mga sinasabi ng mga kaibigan at kakilala tungkol sa mga
usong produkto.

Address: Bilaran, Nasugbu, Batangas


043 – 786 - 7652
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BILARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BILARAN, NASUGBU, BATANGAS

C. Tinitingnang mabuti ang sangkap, presyo, timbang, at kalidad ng mga


produktong nais bilihin.
D. Tinitingnan ang tarheta o tatak ng isang produkto kung ito ay sikat at gawa
mula sa ibang bansa.
19. Tuwing sasapit ang pasko, maraming mamimili ang nagsisiksikan sa pamimili ng mga
pang regalo sa Divisoria sa kadahilanang mura ang mga bilihin dito kumpara sa ibang
pamilihan. Isa si Aleng Nena sa mga lumuluwas tatlong araw bago sumapit ang pasko
upang mamili. Alin sa mga sumusunod na salik ang nakaapekto ky aling Nena?
A. Pagbabago ng presyo ng mga bilihin
B. Mga inaasahang mangyayari sa hinaharap
C. Mga pagkakautang na dapat bayaran
D. Demonstration effect ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan,
at internet.
20. Si Ana ay isa sa mga kadalagahang mahilig bumili ng produktong pampaputi.
Ginagaya niya ang kanyang idolo na si Kathryn Bernardo, kaya naman bumibili siya
ng mga produktong iniindorso ng kanyang idolo. Alin sa mga sumusunod ang
nakaapekto kay Ana?
A.Naimpluwensyahan siya ng kanyang idolo sa mga anunsiyo sa telebisyon,
pahayagan, at internet na kanyang nakikita
B.Mga inaasahang mangyayari sa kanyang buhay
c.Pagbabago ng presyo ng mga produkto
D.Kita ng kanyang pamilya
21. Alin sa mga sumusunod na salik ng produksiyon ang tumutukoy sa kakayahan at
kagustuhan ng isang tao upang makapagsimula ng isang negosyo?
A. Entreprenyur B. Kapital C. Lupa D.Lakas-paggawa
22. Si Mang Berting ay may-ari ng mga pagawaan ng sasakyan. Siya ay mabait at
marunong makisama. Nilalapitan siya ng kanyang mga tauhan kapag sila ay may
problema. Kaugnay nito, ano ang naging dahilan at nagtagumpay ang kanyang
negosyo?
A. Mabilis siyang magbago ng pasiya.
B. Mahusay siyang magplano ng negosyo.
C. Mahusay siyang makitungo sa kapwa.
D. Matipid at masinop siya sa pagnenegosyo.
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa konsepto ng “LUPA” sa salik ng
produksyon?
A. Puno B. Makina C. Mineral D. Tubig
24. Kung ang bayad sa manggagawa aysahod, Ano naman ang bayad sa LUPA?
A. Interes B. Upa C. Kita D. Tubo
25. Alin sa salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental sa produksyon?
A. Manggagawa B. Makina C. Gusali D. Komyuter

II. PAGSUSURI
Panuto:Tukuyin kung anong halaga ng produksiyon ang binabanggit sa bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot mula sa mga pagpipilian sa loob
ng kahon.

A. UPA B. SAHOD C. INTERES D. TUBO

Address: Bilaran, Nasugbu, Batangas


043 – 786 - 7652
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BILARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BILARAN, NASUGBU, BATANGAS

26. Tinanggap si Agnes bilang manggagawa sa pabrika.


27. Kumita ang perang ipinasok ni Edith sa bangko.
28. Tumanggap si Mang Ed ng bayad mula kay Tatay Selo sa pagtatanim ng kanyang
sakahan.
29. Bumili ng baging kotse si Kuya Daniel mula sa kanyang kita sa negosyo.
30. Nagbayd ng Environmetal Fee si Mang Kanor sa pamahalaan ng Bacoor bilang
mangingisda.
Panuto: Tukuyin kung anong pamantayan o katangian ng isang matalinong mamimili ang
inilalarawan ng bawat aytem. Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot mula sa mga
pagpipilian sa loob ng kahon.
A. MAPANURI
B. MARUNONG MAGHANAP NG ALTERNATIBO
C. HINDI NAGPAPADAYA
D. MAKATWIRAN
E. SUMUSUNOD SA BADYET
F. HINDI NAGPAPADALA SA ANUNSYO
G. HINDI NAGPAPANIC-BUYING
31. Tinitingnan ang sangkap, presyo at pagkakagawa ng produkto.
32. Handa, alerto, mapagmasid sa maling gawain tulad ng paggamit ng maling
timbangan.
33. Hindi ikinababahala ng mamimili ang artipisyal na kakulangan ng produkto.
34. Ang pag-eendorso ng produkto ng kilalang artista ay hindi nakapagpapabago sa
pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer.
35. Tinitimbang niya ang pagbili ng bagay-bagay ayon sa kakayahang bumili.
III. TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang impormasyon at MALI kung di wasto ang
impormasyon.
___________36. Ang pagkonsumo ay nakasalalay sa alokasyon ng produkto.
___________37. Hindi na kailangan ang kahandaan ng tao sa pagkonsumo.
___________38. Maunlad ang pagkonsumo kung may kakayahang makabili ang tao.
___________39. Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng prodyuser sa
produkto at serbisyo.
___________40. Ang paggawa ng produkto ang tunay na konsepto ng pagkonsumo.

IV. ENUMERATION
Panuto: Isa-isahin ang hinihingi ng bawat aytem.

41-45. Mga Karapatan ng mga Mamimili


46-50. Mga Ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng
mga mamimili.

Address: Bilaran, Nasugbu, Batangas


043 – 786 - 7652
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BILARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BILARAN, NASUGBU, BATANGAS

Inihanda nina:

LIRIO A. MENDOZA

JESSICA A. CABUNGCAL
Guro I sa AP 9

Checked and Verified:

JOAN KIRBY C. ERMITA


Master Teacher I-AP

MARICEL U. GASMIDO
Head Teacher II-AP

Noted:

MARILYN B. PEÑAFLOR
Principal III

Address: Bilaran, Nasugbu, Batangas


043 – 786 - 7652
[email protected]

You might also like