Araling Panlipunan 9 Test I-Isulat Ang Titik NG Tamang Sagot Sa Sagutang Papel

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region X
Division of Misamis Oriental
Kinoguitan National High School
ARALING PANLIPUNAN 9

Test I-Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay
nakasalalay sa kamay ng;
a. Konsyumer c. pamilihan
b. Prodyuser d. pamahalaan
2. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao,
at yamang capital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
b. Dahil sa bagyo at ilan pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Dahil higit na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
3. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
b. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
4. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing Gawain ng bawat sector ng
ekonomiya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa bahaging ginagampanan ng sambayanan?
a. Nagmamay-ari ng salik ng produksyon
b. Gumagamit ng salik ng produksyon
c. Nagbabayad ng upa o renta salupa
d. Nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal
5. Ang produksyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyan pansin ng pamahalaan. Ito ay may kinalaman
sa…
a. Paggamit ng produkto at serbisyo
b. Paglikha ng mga produkto at serbisyo
c. Palinang ng likas na yaman
d. Pamamahagi ng pinagkukunang-yaman
6. Agham panlipunan na nag-aaral kung paano matugunan ang walang kupas na pangangailangan ng tao.
a. Ekonomiks c. Produksiyon
b. Kagustuhan d. Araling Panlipunan
7. Isang panlipunang suliranin na tumutukoy sa hindi sapat na pinagkukunang-yaman para makagawa ng produkto
para mabigyan ng sagot ang walang katapusang pangangailangan.
a. Kakulangan b. Kakapusan c. Ekonomiks d. Produksiyon
8. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang griyego na “oikos at nomos” o oikonomia na ang ibig sabihin ay:
a. Yaman at Pagpapahalaga c. Negosyo at pamamahala
b. Bahay at Pamamhala d. Bahay at pagpapahalaga
9. Naituturing na isang suliraning panlipunan ang kakapusan
a. Dahil nakakaapekto ito sa individual na pangangailangan ng oras upang matapos ang mga gawai.
b. Dahil ang supply ay bumababa, habang tumaas ang demand.
c. Dahil napanatili ang paggamit sa pinagkukunang-yaman upang matugunan ang demand nito.
d. Dahil isa itong temporaryong kakulangan ng produkto sa pamilihan.
10. Tinatawag ang paghangad ng tao sa marangal at maayos na lipunan, pagkakaroon ng masarap na pagkain at
pagsusuot ng mamahaling damit.
a. Pangangailangan b. Magarang ambisyon c. Kagustuhan d. Batayan sa buhay
11. Ang mekanismo sa pamamahagi ng pinagkukunang yaman, produkto at serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng tao na may taas na antas ng kasiyahan.
a. Alokasyon b. Pabibigay c. Distribusyon d. Paggamit
12. Salik na nakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.
a. Presyo b. Kita c. Mga inaasahan d. Lahat ng sagot
13. Ang sumusunod ay ang mga salik ng produksiyon maliban sa isa.
a. Manggawa b. Lupa c. Kapital d. Entrepreneurship
14. Organisasyong negosyo na binubuo ng dalawa o higit pang individual na nagkasundo sa iisang layunin ay
tinatawag na partnership, habang ang kasapi ay tinatawag ring:
a. Kasama b. Kasusyo c. Kasapi d. Partners
15. Bilang mag-aaral paano mo mapahalagahan ang pag-aaral ng ekonomiks.
a. Makatutulong sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
b. Magagamit upang maunawaan ang napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping
ekonomiya sa bansa.
c. Magagamit sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan.
d. Lahat na sagot
16. Kung ikaw ay isang nasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon.
a. Nakakabase sa Opportunity cost at incentives sa pagdedesisyon.
b. Nakabase sa paniniwala at tradisyon.
c. Nakabase sa kagustuhan ng tao.
d. Nakabase sa uri ng okasyon at programa.
17. Kailan nasasabing matalino ang pagdedesisyon ng isang tao?
a. Kapag ang pagpili o ang pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isang bagay.
b. Kapag ang pagsasakripisyo ay may opportunity cost.
c. Kapag ang gawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral vs. Paglalaro, at karagdagang allowance vs. Mataas na
grade.
d. Lahat ng sagot.
18. Kapag umiiral ang problemang kakapusan sa lipunan:
a. Nangangahulugan na hindi sapat ang produkto sa pamilihan.
b. Nangangahulugan na hindi lahat ng lupaing pang-agrikultura ang nagagmit para makapag-ani ng sapat na
pagkain.
c. Nangangahulugan na mas mataas ang presyo ng produkto kaysa kita ng tao.
d. Nangangahulugan na may kalamidad dahilan sa pagbaba ng supply.
19. Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto
kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa....
a. Pagtaas ng presyo b. Sunog at nakaw c. Bagyo at El Niño d. Kakapusan
20. Ayon ni N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan nagpapahiwatig na may limitadong pinagkukunang yaman na
hindi kayang natugunan ang gusto at kailangan ng tao. Kaya ayon sa kanya ang katulad nito ay ang sumusunod
maliban sa isa:
a. Isang pamilya na hindi kayang ibigay sa bawat miyembro ang lahat ng kanilang kailangan.
b. Katulad ng isang pamilya, hindi rin maibibigay ng pamayanan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng tao.
c. Bilang individual at ang buong ekonomiya nagsikap upang mabigyan lunas ang kakapusan para matostosan
ang pangangailangan ng tao.
21. Ayon kay Mc Comel, Bruis at Barbiero (2001), ang kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan
dahilan sa paglabas ng mga bagong produkto. Ibig sabihin na:
a. Ang kagustuhan ng tao sa isang bagay, magdudulot ng mas mataas na antas ng kagustuhan sa paglipas ng
panahon.
b. Pabago-bago ang gusto ng tao dahilan sa pagtaas ng presyo sa pamilihan.
c. Ang sapat na damit, tirahan at pagkain ng tao ay aangat sa buhay na kanyang hinahangad.
d. Ang cellphone ay maaaring kagustuhan lamang at hindi isang pangangailangan.
22. Ito ay isang kagustuhan lamang ng tao:
a. Kumain ng prutas at gulay para mapanatiling malakas ang ating katawan.
b. Pumunta sa Disco.
c. Magkaroon ng bahay
d. Pagbili ng sapatos para sa pag-aaral.
23. Ito ay isang uri ng pangangailangan ng tao.
a. Pumunta sa party c. Makasuot ng maayos na damit
b. Lumipat sa magandang bahay na may aircon d. Kumain ng burger at pagbili ng
Burger
24. Pangunahing katanungang pang-ekonomiya upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon at upang
matugunan ang lahat ng pangangailangan, maliban sa isa.
a. Bakit gumawa tayo ng produkto? c. Paano gagawin ang naturang produkto?
b. Ano-anong produkto ang gagawin? d. Para kanino ang mga produkto?
25. Sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng mga tao sa isang pamayanan.
a. Pamilihang Ekonomiya c. Command sa Ekonomiya
b. Tradisyunal na Ekonomiya d. Halo ( Mixed ) na Ekonomiya
26. Ang ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan, alinsunod sa planong
nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya.
a. Tradisyunal na Ekonomiya c. Command na Ekonomiya
b. Market ( Pamilihang ) na Ekonomiya d. Mixed na Ekonomiya
27. Ang pag-aanunsyo sa radio, telebisyon at pahayagan ay isang salik pagkonsumo na tinatawag na.
a. Advertisement b. Demonstration effect c. Expectation d. Market Strategy
28. Ang dinepositong Php 100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapkita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot
na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
a. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
b. Ipautang bangko ang ideniposito upang magamit na panibagong kapital sa negosyo.
c. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao.
d. Magbibigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko.
29. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
a. Deplasyon b. Implasyon c. Resesyon d. Depresyon
30. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging
isang produkto?
a. Agrikultura b. Industriya c. Paglilingkod d. Impormal na sektor
31. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong lalo na sa mga probinsya ang nakaasa sa agrikultura para
mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
a. Pagmimina b. Pangingisda c. Paggugubat d. Paghahayupan
32. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa
isa:
a. Likas na yaman b. Yamang-tao c. Teknolohiya d. Kalakalan
33. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa at pakanan o downward sloping, ito ay
nagpapahiwatig ng __________________________.
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
c. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
d. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
34. Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon ang
quantity demanded kahit pa tumaas ang presyo, ano ang ipinahihiwatig nito?
a. May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito makabibili parin
tayo ng alternatibo para dito.
b. Kapag ang produkto ay labis na tumataas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan, maaari ng
ipagpaliban ang pagbili nito.
c. May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit.
d. May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.
35. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga
konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang
matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng
pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
a. Price ceiling b. Floor price c. Market clearing price d. Price support
36. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa
dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa
a. Malayang kalakalan sa bilihan c. Maraming prodyuser at konsyumer
b. May kakaibang produkto d. Malayang paggalaw ng mga sakap
pamproduksiyon
37. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may
kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan.
Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa
pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
a. Department store b. Pamilihan c. Talipapa d. Tiangge
38. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
a. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
b. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
c. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
d. Matalinong paggamit ng pundo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
39. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
a. Expenditure Approach c. Industrial Origin/Value Added Approach
b. Economic Freedom Approach d. Income Approach
40. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na
paraan sila makikinabang?
a. Kasunduang multilateral c. Espesyalisasyon at kalakalan
b. Trade embargo at quota d. Sabwatan at kartel
41. Bilang mamamayang Pilipino, may obligasyon rin tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot ng
kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
a. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
b. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan.
c. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
d. Wala sa nabanggit.
42. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang
naapektuhan ng globalisasyon?
a. Ang pagkakaroon ng mga surplus sa pamilihan.
b. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
c. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa.
d. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan.
43. Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php 100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa
kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilong karne ng
manok?
a. Php95.00 b. Php100.00 c. Php105.00 d. Php110.00
44. Sa papaanong paraan malulutas ang demaand pull inflation?
a. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
b. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.
c. Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta.
d. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang laabis na paggasta sa ekonomiya.
45. Ano ang inilalarawan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
b. Kita at gastusin ng pamahalaan
c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
d. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
46. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang
kanyang kinikita?
a. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito.
b. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
c. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
d. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
47. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng
kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
a. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
b. Kawalan ng mamimili sa pamilihan.
c. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan(farm to market road).
d. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
48. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng lipunan at panig ng daigdig. Bagama’t
hinihikayat nito ang pag-uugnayan ng mga bansa lalo na sa aspekto ng kalakalan, maraming bansang papaunlad
ang nakararanas ng masamang epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng
kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?
a. Ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyunal.
b. Ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan.
c. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa.
d. Ang pagbabago o kabuuang pamumuhay ng mamamayan.
49. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka”. Ano naman ang
positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
a. Sumasalamin ito ng paglaganap ng backyard industries.
b. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
c. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
d. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila
ng krisis sa buhay.
50. Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real
state, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong
pampamayanan, panlipunan at personal?
a. Agrikultura b. Industriya c. Paglilingkod d. Impormal na sektor

You might also like