Banyuhay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banyuhay- Ang kahulugan nito ay Bagong anyo ng buhay.

Ibahin ang anyo, pagkakaiba-iba,


pagbabagong-anyo, pagbabago,pagbabalik-loob, pagbabagong-anyo.
Ang lahat ng ito ay magagandang dahilan upang baguhin ang iyong sarili o ang iyong buhay.
Ngunit, may mga hadlang na maaaring makasalubong kung susubukan mong magbago.

B-igay sa ating buhay huwag aksayahin


Droga, sama-samang puksain at lipulin
Pamahalaan at kapulisan labanan itong maigting
Bigyan ng kaparusahan, paghulihin mandin

A-lalahanin moa ng iyong buhay


Sinasambang droga’y nakamamatay
Akala mo ika’y nasa langit
Buhay mo na pala’y kay pangit

N-aririto ang handog ko’t paalaala sa inyo


Sisirain sadya ang taglay na isip mo
Pati na ang pamilya nasasaktan
Sinisira iyong magandang kinabukasan

Y- apos at tulong ng Pamilya natin


Mabigat na problema madaling lutasin
Illegal na droga huwag gamitin
Ganda ng buhay huwag sayangin

U- nang taon ng pangulo sa droga nakatutok


Pati Kapulisan sa kanyang adhikain walang tutol
Ang Oplan- Tokhang ay lubusang itinataguyod
Upang mga user at pusher mapuksa- makalabos

H-abang tayo ay nabubuhay pa


Tara! Magbagong buhay na
Mga kabataang mapupusok
Halina’t baguhin ang isapa’t damdamin

A-ng payo ko sa bagong henerasyon ngayon


Pakatandaan ibinahagi kong suhestiyon;
Kaisipan ay palawakin at gamitin
Sa tulong ng Poong Maykapal natin

Y- akapin ang bawat isa sa atin


Di pa huli ang lahat, kaibigan
Malinis mong katawan ibinigay ng Diyos
Ibalik sa Kanya nang maayos

“Hagdang- Hagdang Pantig”


Ang pagpapantig ay paraan ng pahahati-hati ng salita sa mga pantig. Ang layunin ng larong ito
ay mapalawak ang kaalaman ng mga batang nasa elementarya ng pagbuo ng mga salita gamit
ang mga pantig. Nagiging masigla rin ang talakayan kapag ang naglalaro ang mgaa bata habang
natututo.
Paano maglaro:
 Pag-unawa sa laro. Ang layunin ng larong ito ay paunahang magmumula sa unang kahon
hanggang sa dulo ng kahon. Sundin ang tamang direksyon sa pamamagitan ng numero.

 Ang dalawang manlalaro ay parehas mg roroll ng dice, kung sino ang makakakuha ng
mataas na bilang ay siyang unang makakapaglaro.

 Ang bawat manlalaro ay magsisimula sa “magsimula dito”

 Ang unang manlalaro ay ang mag roroll ng dalawang dice. Kung ilan ang nakuhang bilang
sa dice ay sya ring bilang ng paggalaw sa board.

 Ang bawat kahon ay may pantig na kailangan madugtungan. Sa pagtigil ng manlalaro


ayon sa nakuha niyang bilang ay dudugtungan niya ito para makabuo ng salita.

 Kapag ang manlalaro ay parehas nakakuha ng parehas na bilang, sila ay uulit mag roll ng
dice.

 Kapag ito ay tumigil sa may hagdanan, maaring kang umakyat pataas ng kahon.

 Kapag huminto ka sa bandang ulo ng ahas ay kailangan mong bumaba ng bilang


depende sa haba ng hagdanan.

 Ang manlalaro na unang makarating sa “paaralan” ay siyang panalo.

Bugtong Uling!
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding
enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na
nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga
palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa
sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at
katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang
palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

Ang kahalagahan ng pagbubugtong ay:


 Mapalawak ang pag-iisip at imahinasyon.
 Mapaunlad ang talasalitaan.
 Magandang paglilibang.
 Mabuting panghikayat sa mga bata sa pagtatalakay sa mga aralin.
 Mahasa sa pag-iisip at makasagot nang mabilis.

Paano maglaro:

1. Ang bilang ng manlalaro ng bugtong uling ay dalawa lamang.


2. Bago magsimula ang laro kailangan nilang mag paramihan ng iskor sa pamamagitan
ng papel, gunting, bato. Ang manlalarong makakauna sa 5 bilang ay siyang
mauunang magbugtong.
3. Ang unang manlalaro ay mabubugtong at huhulahan naman ito ng kaniyang
kalaban.
4. Kapag nahulaan ng kalaban ang bugtong, lalagyan ng uling sa mukha ang nagpa
bugtong.
5. Kapag hindi naman nasagot, ang kalaban ang lalagyan ng uling sa mukha.
6. Depende sa manlalaro ang papahulaan nilang bugtong.
7. Ang manlalaro na mataas ang puntos o nahulaan ay siyang panalo.

You might also like