Pagsunod Sa Panuto Banghay Aralin
Pagsunod Sa Panuto Banghay Aralin
Pagsunod Sa Panuto Banghay Aralin
I. Layunin:
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto.
Naipaliliwanag ang kahalagahan nang matamang pag-unawa sa panuto.
Masayang nakasusunod sa mga panuto.
Batayan sa Pagkatuto
Pag-unawa at pagsunod nang wasto sa mga panuto
Pamantayan sa Pagganap
Masayang nakasusunod ang mga mag-aaral sa mga ibinibigay na panuto.
3. Pagsasanay
Egg Hunting
Panuto: Hanapin sa loob ng silid-aralan ang mga itlog na naglalaman ng mga pangungusap. Piliin ang
pandiwa sa mga pangungusap. Tukuyin ang
Aspekto nito.
1. Nagkita sa parke ang magkaibigang Celia at Linda.
2. Kasalukuyang nagkukwentuhan sila nang bumuhos ang malakas na ulan.
3. “Magdadala na ako ng payong sa susunod na pamamasyal ko,” wika ni Celia.
4. Naghiwalay na ang magkaibigan.
5. Magkita uli tayo sa isang lingo,” wika ni Linda.
4. Balik-aral
Fish Bowl
Panuto: Punan ang tsart ng wastong banghay ng pandiwa gamit ang salitang-ugat at panlaping ibinigay.
Bubunot ang guro ng pangalan ng unang batang sasagot ng pagsasanay. Pagkatapos ay bubunot
ang bata ng pangalan ng kaklaseng sunod na sasagot.
B. Paglinang ng Aralin:
1. Tuklasin:
a. Pagganyak
Ipapanood ang video.
Itanong:
1. Bakit may problema ang magkaibigan?
2. Ano ang hindi nila malaman?
3. Bakit mahalaga ang pag-unawa at maayos na pagsunod sa panuto.
2. Linangin:
Pumili ng mag-aaral na babasa ng mga usapan.
Usapan 1
Nagkita sa Barangay Hall ng BASECO ang magkaibigan. Pupunta sila ng Fort
Santiago.
Pedring: Ano raw ba ang sasakyan natin?
Noli: Sumakay raw tayo ng tricycle at bumaba sa Anda Circle.
Pedring: Sinabi ba ni Carlo kung saan tayo tatawid?
Noli: Oo, malinaw na ipinaalala niya na tatawid tayo sa kaliwa ng kalsada
patungo sa gasolinahan kung saan naroon ang Intramuros.
Pagkatapos ay kakaliwa tayo papasok ng Arzobispo St.
Usapan 2
Nasa palengke ang magkaibigan. Namimili sila ng ihahandang pagkain para sa
kanilang field trip.
Nina: Tingnan mo nga ang mga bilin n gating mga kamag-aral na biblhin natin.
Pina: Narito ang nasulat na mga bilin.
2 piling ng saging
1 papaya, malaki
2 pakwan
2 kilong manok na puro hita
2 ,kilong tilapia
Pagkasyahin ang halagang P500 para sa pagkain.
Nina: O, mayroon pa palang nakasulat na bilin sa huli. Dapat daw pagkasyahin ang dala nating pera sa
lahat ng bibilhin.
Pina: Paano kung hindi kasya? Mahal na ang mga bilihin ngayon.
Nina: Basta sundin natin ang bilin nila.
Pokus na Tanong:
1. Nasunod kaya ng mga bata ang mga panuto o bilin sa kanila?
2. Bakit mahalaga ang mga panuto?
3. Bakit mahalagang malinaw at nauunawaan ang panutong ibibigay?
4. Paano ito magiging epektibo sa tagasunod?
5. Paano magagawa nang maayos at tama ang mga panuto?
C. Pagnilayan at Unawain:
Laro: Candy Sip
1. Bumuo ng 4 na grupo sa pamamagitan ng pagbilang ng 1-4.
2. Magsama-sama sa isang hanay ang mga magkakapareho ng bilang.
3. Bawat isa sa hanay sa hanay ay may kanya-kanyang straw
4. Ililipat ng mga mag-aaral ang mga kendi mula sa unang tasa patungo sa isa pang tasa na nasa harapan sa
pamamagitan ng pagsispsip sa kendi gamit ang straw.
5. Hindi dapat hawakan ang straw o kendi.
6. Kung mahulog ang kendi ay uulitin sa simula.
7. Ang unang hanay na makakatapaos ang siyang panalo.
D. Ilipat:
Pangkatang Gawain
Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Bigyan ng kani-kaniyang lugar sa silid-
aralan kung saan gagawa ang bawat pangkat. Gumamit ng Pito sa pagbibigay
ng panuto sa kanila, ipaliwanag ang kahulugan ng bawat hudyat na ibinigay;
unang pito - tumayo nang tahimik:
ikalawa - pumunta sa mga pangkat samantalang kinukuha ng lider ang mga
kagamitan;
ikatlo - umupo at umayos ng pabilog;
ikaapat - simulan na ang gawain.
Kailangang makagawa ng tig-3 pastillas ang bawat kasapi ng grupo. Ang unang
makatatapos ng Gawain ang may pinakamataas na puntos.
MGA HAKBANG:
1. Pagsamahin ang powdered milk at condensed milk. Haluing mabuti gamit ang kutsara..
2. Hayaan ng ilang minute bago hulmahin o bilugin.
3. Hulmahin pabilog o pahabang maliliit ang mga pastillas.
4. Balutin ng cellophane. Maaari ring tusukin sa gitna ng toothpick kung di ibig na balutin.
5. Lasapin ang sarap ng iyong panghimagas!
Tandaan:
1. Unawaing mabuti ang isinasaad ng panuto. Kung nakasulat, basahing mabuti at
unawain. Kung pasalita, pakinggang mabuti ang nagbibigay ng panuto.
2. Kung mahaba ang panuto, itala ang mga mahahalagang detalye.
3. Kung may hindi nalinawan, magalang na ipaulit ang panutong hindi naunawaan
E. Sintesis:
a. Gumuhit ng isang malaking parisukat
b. Sa loob ng parisukat, magdrowing ng bilog.
c. Sa loob ng bilog, magdrowing ng parihaba.
d. Sa loob ng parihaba, isulat ang iyong pangalan.
d. Kulayan ng iba-iba ang bawat espasyo.