Banghay Aralin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Sa

Filipino III

I. Layunin
1. Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang
2. Nakagagawa ang mga bata ng wastong paggamit ng panuto
3. Pagbibigay halaga ang pagsunod sa panuto

II. Paksang Aralin


Pagsunod sa Panuto na may Dalawa Hanggang Tatlong Hakbang
Filipino 3 PN-IF-13
Kagamitan: chart, bidyo
III. A. Balik-aral
Paggamit ang mga panghalip gaya ng ako, siya at ikaw
B. Pangganyak
Ipagawa sa mga bata ang sumusunod.
a. Itaas ang kanang kamay.
b. Ilagay ang dalawang kamay sa baywang.
c. Ipadyak ang kaliwang paa ng tatlong beses at ikaway ang dalawang
kamay.
C. Paglalahad
Magpatugtog ng isang awit na maaring sayawan .
Sabihin sa mga bata na sundan ang mga kilos na ipakikita sa kanila.
Tingnan kung nakasunod ang lahat.
Itanong: nakasunod ba kayo? Bakit? Bakit hindi?
Basahin at ipagawa ang mga halimbawang panuto na may dalawa hanggang tatlong
hakbang
1. Isulat ang buo mong pangalan sa isang malinis na papel.
2. Gumuhit ng isang malaking bilog na may bituin sa loob.
3. Kulayan ng pula ang bituin.
4. Pumalakpak ng tatlong beses.
5. Maupo ng maayos.
Itanong: Nasunod mo ba ng maayos ang mga panuto?

D.Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Pangkatang Gawain
Ipagawa sa bawat pangkat
Pangkat 1 - Gumuhit ng isang parihaba. Sa loob nito, isulat ang buong
myembro sa pangkat niyo.

Pangkat 2 - Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, iguhit ang limang


bituin at isang araw.

Pangkat 3 Gumuhit ng dalawang tatsulok. Sa loob nito, isulat ang


buong pangalan ng inyong guro, at sa isang tatsulok, isulat
kung anong seksyon kayo.

Basahing muli ang mga ibinigay na panuto.


Patingnan sa kaklase kung nakasunod ng maayos ang kanyang ka pangkat.
Itanong:
Ano ang ginawa mo at nasunod mo ang lahat ng panutong binigay?
Ano ang kahalagahan ng [agsunod sa mga utos/tuntunin?
Ano ang dapat gawin upang makasunod ng maayos sa mga nakasulat na
panuto/sinabing panuto?
Ano ang pwedeng mangyari kung hindi natin susundin ang mga nabasa o
napakinggang panuto?
E. Pagsasanay
a. Kumuha ng papel at isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa dakong
kaliwa ng inyong papel.
b. Isulat ang petsa ngayon sa kanang bahagi nito.
c. Sa ibaba ng inyong pangalan, isulat ang inyong lugar kung saan kayo
nakatira.

F. Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
IV. Pagtataya
Panuto: sagutin at sundin ang mga sumusunod na panuto.

1. Gumuhit ng tatsulok at isulat sa loob nito ang nais momg maging paglaki.
2. Iguhit sa loob ng isang bilog ang paborito mong prutas.
3. Iguhit sa papel ang inyong paaralan at kulayan ito.
4. Gumuhit ng watawat at kulayan ito.
5. Isulat ang buong pangalan ng inyong mga magulang.

V. Takdang aralin

Gumawa ng dalawang panuto na may dalawa hanggang tatlong hakbang.

Prepared by:
ELDERITA P. VALLEJOS

You might also like