Pagsusuri Sa Nilalaman at Kahulugan NG K

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pagsusuri sa Nilalaman at Kahulugan ng Kantang Tuldok ng Bandang Asin

Nina

Gamaliela Swing

Joanna Prescila Gonzales

Spencer Alvarez

Jarred Excel Oliveros

Luis Vincent Garcia

Arren Betuel Borja

I. Panimula

Matatandaan natin na isa ang musika sa ilang instrumento na ginamit ng ating mga guro
sa pagtuturo noong tayo ay nasa kindergarten pa lamang. Isa ito sa mga naging paraan upang
mapukaw ang ating atensyon at maging aktibo sa klase. Isa rin ito sa dahilan kung bakit naging
mabilis ang ating pagkatuto at mapaunlad ang ating kaalaman. Ang musika ay ang isang bagay
na masasabing mahalaga sa buhay ng mga tao. (Golosinda, N.D.) Hindi lingid sa ating
kaalamaan na bahagi na ng pagkatao ng mga Pilipino ang pagkahilig sa mga awitin o musika.
Bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop dito sa Pilipas tulad ng mga Kastila,
Amerikano at Hapones ay sapul sa ating mga ninuno ang paggamit ng musika. Sa katunayan,
pagdating ng mga kastila dito sa ating bansa, naging popular ang mga awitin tulad ng harana at
kundiman dahil ito'y ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin. Ang kundiman ay inaawit sa
oras ng kalungkutan at ang harana naman ay tuwing oras ng kasiyahan. Hanggang sa dumating
ang panahon kung saan nagkaroon ng mga barayti sa musika at nagkaroon ng OPM o Original
Pilipino Music. Isinilang ang OPM sa panahon ng Batas Militar at nagsimulang umusbong ang
iba't ibang genre ng musika tulad ng Pinoy folk na kinabibilangan ng grupong Asin; Ilang dekada
na rin ang nagdaan at natutunghayan natin ngayon ang pagbabago ng estado ng ating
musika. Sa panahon ngayon, hindi na lamang mga lokal na awitin ang bumubuo sa larangan ng
musika dito sa Pilipinas sapagkat pati banyagang musika ay tinatangkilik na din nga mga
Pilipino. Dahil dito, pansamantalang naging mahina ang ating mga sariling musika. Sa kabila ng
lahat, namulaklak pa rin naman ang OPM o Original Pilipino Music at muling namayagpag ang
OPM sa Pilipinas pati na rin sa mga karatig bansa.

II. Pagsusuri
A. Pyesa
Tuldok
Ng Bandang Asin

Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan

Na dapat mapansin at maintindihan

Kahit sino ka man ay dapat malaman

Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang

Kahit na ang araw sa kalangitan

Siya ay tuldok lamang sa kalawakan

Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan

At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian

Tingnan mong mabuti ang sangkatauhan

Maraming nag-aaway, tuldok lang ang dahilan


Sa aking nakita, ako'y natawa lang

'Pagkat ang nangyayari'y malaking kahibangan

Kaya wala kang dapat na ipagmayabang

Na ikaw ay mautak at maraming alam

Dahil kung susuriin at ating iisipin

Katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin.

B. Suri sa Elemento

Kung nakikinig ka sa iba’t ibang klase ng musika, masusuri na ito ay may iba’t
ibang katangian; maaaring mahina o malakas, mabagal o mabilis, may iba’t ibang
instrumentong ginagamit at may regular na indayog. Lahat ng ito ay mga elemento ng
musika (Gomez, 2016).

1. Ritmo
Ang ritmo ay naglalarawan sa tiyempo o kumpas ng musika, ito rin
ay ang puso o sentro at ang indayog ng tunog sa musika para mabigyang buhay
ang isang awitin. Kumbaga ay walang buhay ang isang musika kung wala ito.
Kung pakikinggang mabuti ang awitin mapapansin na malumanay o balanse ang
indayog ng awiting ito simula hanggang matapos ang awitin. Kaya naman unang
beses mo palang ito na pakinggan ay nakaka engganyo at masarap itong
pakinggan dahilan upang makasabay ka talaga sa ritmo ng awiting ito.

2. Melodiya
Ito ay ang kombinasyon ng tono at ritmo tinatawag din ito himig.
Minsan ang melodiya ang nagiging tema ng isang komposisyon. Kung ating
mapapansin ang melodiya ay isang kumbinasyon o pagsasama-sama ng kasidhian
o katindihan at ritmo ng musika, habang sa mas piguratibong diwa, ang
katawagan ay paminsan-minsang pinalalawak na kinasasamahan ng mga
halinhinan ng mga elementong pangmusika. Kung ating pakikinggang mabuti ang
awiting tuldok maririnig natin na sa umpisa palang ng awitin ay mukhang masaya
ang dating ng awitin, pero nang magsimula ng umawit ang bandang asin
mapapansin na mayroong nais ipahiwatig ang musika ayon sa liriko ng awitin.

3. Timbre
Ang timbre ay ang kakayahan ng pandinig na malaman ang
kaibahan ng dalawang tunog na may magkaparehong lakas at taas ito rin ay
tumutukoy sa kalidad ng isang nota, tono, o tunog sa isang kanta o instrumentong
musikal. Kaya kuung nais natin na awitin ang tuldok mapa-matanda, bata, o kahit
anong edad o kasarian ay madali itong awitin dahil ang timbre ng awiting ito ay
hindi mababa at hindi rin mataas. Dahilan para ito’y maging patok sa marami.
4. Daynamiks

Ito ay tumutukoy kung malakas o mahina ang pag-awit at


pagtugtog sa isang musika. Kung papansinin ang daynamiks ng awiting tuldok
mapapansin na ang awitin ay malumanay. Dahilan kung bakit ito’y nagiging
catchy sa ating pandinig na nakatutulong din sa atin na maunawaan ang nais
ipabatid na mensahe ng awitin.

5. Lyriks
Sa pagsulat ng liriko ng awiting Tuldok mapapansin din na buo
ang konsepto nito. Gumamit ng tayutay ang manunulat ng awitin. Dahilan upang
mas lumutang ang masining at marikit na paraan ng pagsulat sa liriko ng awitin.
Halimbawa nalang dito ay ang linyang, “Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang”
na isang halimbawa ng Pagwawangis (Metaphor), sa awiting ito ang karaniwang
ginamit na uri ng tayutay ay ang Pagwawangis na mas iisipin ng mga tagapakinig
na ihalintulad ang mga bagay na nasa liriko gaya ng nais ng awitin. Makikita rin
na may talinhaga at pili ang mga salitang ginamit sa awitin upang magkaroon ng
tamang sukat ang musika na lalapat sa ritmo nito, upang sa mga tagapakinig ay
maging kahalihalina ang kalabasan ng awitin at lumabas ang mensaheng nais
ipabatid ng manunulat ng musikang ito. Mas madali rin itong awitin dahil sa
magkakatugma na ang dulong salita ng kada taludtod nito.

C. Nilalaman

Ang mensahe ng kanta ay napapanahon sa ating kapaligiran ngayon.


Marami na ang mga taong mapagmataas at hindi iniisip ang kalalagyan ng ibang
tao dahil sa kanilang mga maling pagdedesisyon sa buhay. Maraming tao na rin
ang nananapak ng pagkatao ng kapwa nila makuha lamang ang kanilang gusto, ito
ay tinatawag na utak talangka, makita ka lang na umaangat sa iyong buhay ay
pipilitin ka nilang hilahin pababa dahil ayaw nilang sila ay nauungusan o ayaw
nilang may mas nakakaangat sa kanila. Ang kantang Tuldok na kinanta ng
bandang Asin ay umiikot sa buhay ng bawat isang tao rito sa mundong ating
ginagalawan. Sinasabi ng kantang ito na lahat tayo ay isang maliit na tuldok
lamang na ang ibig sabihin ay tayo ay pantay pantay lang at walang mas
nakakaangat sa atin maliban sa Diyos. Walang may karapatan ni isa man sa atin
na magmalaki at iangat ang kanyang sarili dahil ang lahat ng bagay, karunungan,
kakayahan at talento natin ay nagmula sa ating Panginoon. Walang may karapatan
ni isa sa atin na maliitin ang ating kapwa dahil may kaniya kaniya tayong
takbo ng buhay, maaaring ikaw ay mas nakakaangat sa kanya ngunit may
panahon din na ikaw naman ang nasa baba at siya ang nasa itaas. May mapupulot
na aral sa kantang ito dahil ito ay ayon sa naranasan ng sumulat nito at atin ding
nararanasan sa kasalukuyang panahon. Bagamat maikli ang kanta, ito ay may
iisang diwa o aral na gustong ipahatid sa bawat isang makakapakinig nito. Ito ay
ang matuto tayong magpakumbaba sa lahat ng oras at pagkakataon dahil dito sa
mundong ito walang dapat nagmamataas at nagmamalaki kundi ang Diyos lamang
dahil Siya ang lumikha nito at Siya lamang ang nagbigay at nagbibigay ng lahat
sa atin.

D. Teoryang Pampanitikan

Ang kantang Tuldok na kinanta ng bandang Asin ay nakakabilang sa


Teoryang Realismo dahil ang teoryang ito ay tumutukoy sa panitikan na hango sa
tunay na buhay ng tao at ang layunin nito ay ipakita ang karanasan at nasaksihan
ng may akda. Ang bawat liriko ng kantang ito ay nagpapakita ng karanasan ng
sumulat nito na nais niyang ibahagi sa mga taong nakakapakinig nito ang aral na
gusto niyang ipahatid sa bawat isa na maging mapagkumbaba tayo at huwag
maging mapagmataas dahil dito sa mundong ito tayo ay pantay-pantay at pare-
pareho lamang.

E. Bisang Pampanitikan

1. Bisa sa Isip

Ang kantang ito ay nagbubukas sa ating isipan na lahat tayo ay tuldok


lamang, nagsisimula sa tuldok at magtatapos sa tuldok. Ang pagiging
mayaman, malakas, matalino at kung ano-ano pa ay hindi pang habang buhay.
Mawawala din tayo sa mundo at makakalimutan. Pinapaisip sa ating ng
kanta ang estado sa buhay. Binibigyan tayo ng paalala na huwag maging
gahaman at sumosobra sa ating ginagawa at ikinikilos. Sa panahon kasi
ngayon ay madami na ang mga mayayabang na ipinapamukha sa iba na mas
mataas sila. Mga mapanghusga na lahat ng kapintasan ay sinabi na. Mga
gahaman na lahat ay inangkin na.

2. Bisa sa Damdamin

Nagpaparamdam ito ng pinaghalong kapayapaan at kaginhawaan. Ito


ay sa kadahilanang pinapakita nito na lahat tayo ay pantay-pantay at may
halaga. Walang mas mataas sa kahit sino sapagkat lahat tayo ay may
gampanin sa buhay. Maliit man o malaki ay may ambag ang sino man sa
lipunan. Pinapahayag na wag tayo malungkot at maliitin ang sarili.

3. Bisa sa Kaasalan

Ang kanta ay isang magandang piyesa. Sa aking paningin ay nanggaling


ito sa sariling karansan ng sumulat o kaya ay sa mga balita na kasalukuyan
nilang naririnig at nakikita sa panahon noon. Ito ay sa kadahilanang patuloy
na nangyayari ang gera sa Afghanistan sa panahon noon. Laganap din ang
krimen sa ating bansa noon. Base dito, maaaring ang mamunulat ay naawa o
nangangamba at gumawa ng kanta para maiparating ang kanyang saloobin.
Lahat tayo ay tuldok lamang na hindi dapat maging mapagmataas. May mga
tao kasi na minamaliit ang iba at mataas ang tingin sa sarili. Kapag ang mga
ganoong tao ay nagharap, maaaring magsimula ng gulo dahil walang guatong
magpatinag. Lagi sana tayong maging mapagkumbaba at maging marespeto sa
iba.
III. Konklusyon

Ang tuldok ay mayroong kwento at kahulugan na tiyak na kapupulutan ng mahalagang aral.


Maituturing ko ito sa isa sa mga pinakamaganda at simple na awiting aking napakinggan. Dahil
kung uunawaing mabuti ang bawat liriko ay may malalalim na kahulugang nais iparating sa atin.
Para bang isang bolpen na malabo ang sulat na kung hindi mo lilinawan ay di mo mauunawaang
mabuti ang mensaheng ibig ipahiwatig nito.

Sa aking pananaw ibig ipahiwatig ng awiting ito na tayo'y pantay pantay lamang sabi nga
"lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan". Gaya nga ng sabi ko tayo'y pantay pantay
lamang, bagama't kung minsan ay naiisip natin na tayo ay nalalamangan at wala tayong silbe sa
lahat ng bagay kung gayon ay unawain at isipin natin ng mabuti na lahat ay tuldok lamang kaya
naman huwag tayong mawalan ng pag-asa. Pag-asa dahil sabi nga ng awiting ito tuldok lang yan
na kayang kayang solusyonan.

Ang kanta na ito ay mahalagang mapakinggan ng lahat dahil sa bawat liriko ay may
mensaheng ibig ipahayag sa atin. Simpleng mensahe na may makabuluhang interpretasyon sa
nakakarami. Sa akin ding palagay ang awiting ito ay base sa bibliya na sinabing "tayo'y nagmula
sa alabok at sa alabok din tayo muling babalik" Genesis 3:19.

IV. Rekomendasyon

Ang kantang “tuldok” ay isang makabuluhang kanta, kaya naman ito ay nararapat lang na
mapakinggan ng kahit sino sa atin, guro, mag aaral, o iba pang manunulat. Ang kantang ito ay
nakakapag-paalala ng kababaan ng loob, bilang isang guro, ito ay magiging isang paalala na dito
sa mundo ay tayo ay tuldok lang, na gaano man karami ang iyong nalalaman, tayo ay pantay-
pantay lamang. Kahit ano man ang propesyon natin sa buhay, tayo ay isang tuldok lang din, kahit
gaano pa tayo kataas sa ating paningin, sa mundong ito at buong kalawakan, tayo’y iisang tuldok
lamang. Kaya naman kahit sino sa atin ay walang karapatang magmalaki. Sa isang mag-aaral
naman, dapat nitong mapakinggan ang kantang ito sapagkat mamumulat nito ang ating
kaisipan na kahit tayo ay mag-aaral pa lamang, pare-pareho lang tayo ng pinanggalingan ng mga
taong nakakataas sa atin. Madalas ay nakakaranas tayo ng may hindi kasundo sa kapwa natin,
ngunit sabi nga, ito ay simpleng bagay lamang na dapat ay isaayos, ito ay isang maliit na tuldok
lamang. Sa iba pang manunulat, ang kantang ito ay maaari nilang maging inspirasyon sa
paggawa ng iba pang kanta, maaari nila itong palawakin pa at ipaliwanag ang kahulugan ng
kanta sa mas malinaw at malalim na paraan. Gayunpaman, ang tuldok ay mahalaga dahil ito ay
bantas na nag sisilbing katapusan sa isang salaysay o kuwento, kaya naman kahit tayo ay tuldok
lamang nananatili pa rin tayong mahalaga at may saysay.

V. Sanggunian

Gomez, P. (2016, October 1). Ano ang mga Elementong Musika? Ang tono,himig, pitch, rhythm, melody,
timbre? Retrieved November 23, 2019, from https://www.buhayofw.com/blogs/ibat-ibang-
blogs/ano-mga-elemento-ng-musika-ano-tono-himig-pitch-rhythm-melody-ti-57efc0be3f344?
fbclid=IwAR1bc9fZ201hT3YuqumG-
v1d1_5duj57YFi5p7pOVEB598KjIH1mWQ60CIE#.XdpWGYMzamV

You might also like