Filipino 10 - Aralin 3
Filipino 10 - Aralin 3
Filipino 10 - Aralin 3
PAGBIGKAS
•Isang masining na
pagpapakahulugan o interpretasyon
sa anumang anyo ng panitikan sa
pamamagitan ng sabayang
pagbabasa o pagbigkas ng isang
koro o pangkat.
•Isang matimbang at
maindayog na pangkatang
tinig na nagpapahayag ng
isang uri ng kaisipang
masining at madamdamin.
•Isang pandulang pagtatanghal
ng isang akdang pampanitikan
na ginagamitan ng maraming
tinig na pinag-isa sa
pagbigkas.
URI NG SABAYANG
PAGBIGKAS
1. PAYAK
Sa uring ito, maaaring ipabasa
lamang ang bibigkasing tula.
Maaaring gumamit ng ingay, tunog
at /o musika, payak lamang ang mga
kilos at galaw ng mga nagsisiganap.
2. WALANG KILOS
Bukod sa wastong bigkas, ang
wastong ekspresyon ng mukha ang
maaaring pagbatayan. Dahil walang
kilos, pagtango lamang ang maaaring
maipakita ng mga mambibigkas.
3. MADULA
Bukod sa nagtataglay ng
koryograpi ang pagtatanghal,
inaasahang makagagalaw o
makakikilos ang mga tauhang
nagsisiganap nang buong laya.
Bukod dito, may angkop silang
kasuotan batay sa katauhang
kanilang inilalarawan. Taglay rin ng
tula ang isang makabuluhang iskrip,
musika at tunog, pag-iilaw,
kagamitan/props, diyalogo at iba pa.
Dapat isaalang-alang
bilang paghahanda
1. Pagpili ng piyesa
Ang piyesang dapat piliin sa sabayang
pagbigkas ay may paksang napapanahon,
makabuluhan at angkop sa okasyon o
pagdiriwang. Dapat isaalang-alang ang uri
ng mga manonood. Higit sa lahat ang
piyesa ay dapat may uring pagkamatanghal.
2. Pagbuo ng iskrip
Mahalagang isa-iskrip ang piyesa
upang mabigyang-diin ang bigkas, kumpas
at ang paglalapat ng wastong musika at
tunog. Dapat isaalang-alang ng susulat ng
iskrip ang mga pananda at simbolong
kaniyang gagamitin.
3. Pagpili ng mambibigkas
Karaniwan na ang pamimili ng mga
mambibigkas ay nakasalalay sa tatlong uri
ng tinig: mataas/matinis, karaniwan at
mababa. Mahalagang maipangkat-pangkat
ang mga uring ito bago bumuo ng koro.
4. Wastong pagbigkas at pagkumpas
Kailangang magkaugnay ang bigkas sa
kumpas. Mahalagang malaman kung aling
mga salita ang dapat kumpasan ng isa o
dalawang kamay, paibaba o pataas at iba
pa.
Mga ILANG MUNGKAHI
UPANG MAISAGAWA ITO
NANG MAHUSAY
1. Piliing mabuti ang
piyesang gagamitin sa
sabayang pagbigkas.
2. Basahin nang ilang ulit ang piyesa
upang matukoy ang mensaheng
taglay at ang magiging mainam na
estilo sa gagawing interpretasyon
dito.
3. Ipagbigkas nang malakas
ang tula sa isang mahusay o
bihasa at pakinggan kung
paano niya ito binibigkas.
4. Magsagawa ng audition upang
matukoy ang uri ng tinig kung saan
naaangkop ang boses ng mga kasapi:
tinig ng babae: soprano, alto; lalaki-
tenor, baho o bass.
5. Tandaang sa gawaing ito ay napakahalagang
maging masining at madamdamin ang
pagbigkas kaya naman kailangang paartehin
ng mga mambibigkas ang kanilang boses
upang maiparating nang buo at mabisa ang
mensahe at damdaming taglay ng akda.
6. Makatutulong kung
maisasaulo ng lahat ng
miyembro ang piyasa.
MGA URI NG
TULA
Isang uri ng panitikang
lubos na kinalulugdan ng
marami.
Sa aklat na Ang Sining ng Pagtula ni
Jose Villa Panganiban ay inuuri ang mga
tula ayon sa estilo o pamamaraan ng
mga makata sa kanilang pagpapahayag
ng ideya, damdamin at imahinasyon.
Si Fernando Monleon naman na isa rin
makata at kritiko ay bumuo ng kaniyang
sariling pag-uuri-uri ng tula na ibinatay niya
sa: una, ayon sa kaanyuan nito; ikalawa, ayon
sa kayarian; ikatlo, ayon sa layon; at ikaapat,
ayon sa kaukulan.
TULANG
LIRIKO/PANDAMDAMIN
•Pinakamatandang uri ng tula.
•Sumasalamin lamang sa
damdamin ng makata.
a. Ang Awit (Dalitsuyo)
•May apat na taludtod bawat saknong.
•May sukat na 12 pantig at may tugma.
•Nagtataglay ng malalim na damdamin
ng pag-ibig.
b. Ang Pastoral (Dalitbukid)
•Nagpapahayag ng mga karanasan,
saloobin, at kaisipan ng mga mag-
sasaka o taong naninirahan sa bukid.
c. Ang Oda (Dalitpuri)
•Nagpapahayag ng papuri o
paghanga sa isang tao, diyos,
o bagay.
d. Ang Dalit (Dalimsamba)
•Nagpapahayag ng pagsamba o
pagpuri sa isang diyos o banal
na nilalang.
e. Ang Soneto (Dalitwari)
• Binubuo ng 14 na taludtod.
• Ito ay may mga aral sa buhay.
• Ang tatlong saknong ay binubuo ng apat na taludtod at
ang ikaapat na saknong ay binubuo ng dalawang
taludtod.
• Ito ay may 10 pantig sa bawat taludtod.
• Pumapatungkol sa damdamin at kaisipan.
f. Ang Elehiya (Dalitlumbay)
•Ipahayag ang lungkot, kalungkutan, at
pagdadalamhati.
•Maipahayag ang kanilang mga
damdamin at magbigay-pugay sa mga
yumaong minamahal.
2. TULANG PASALAYSAY
•Naglalahad ng mga tagpo o
pangyayari sa pamamagitan ng mga
taludtod.
a. Ang Epiko (Tulabungi)
•Naglalaman ng mga detalye ng
kabayanihang gawa at mga
kaganapan ng makabuluhang
kultura o bansa.
b. Tulagunam (Ballad)
•Isang awit na isinasaliw noon sa
isang sayaw ngunit nang kalauna’y
nakilala bilang tulang kasaysayan.
•May wawaluhin o aaniming pantig.
c. Tulasinta (Metrical Romance)
•Wala gaanong banghay at
tumutukoy sa
pakikipagsapalarang puno ng
hiwaga at kababalaghan.
d. Tulakanta (Rhymed o Metrical
Tale)
•May tugtugin o melodiya.
•Kombinasyon ng tula at musika.
•Karaniwang ginagamit sa mga
tradisyunal na pagsasalaysay ng mga
kwento, mga mito o Alamat.
3. TULANG DULA
•Tulang isinasadula sa mga
entablado o iba pang tanghalan.
a. Tulang Mag-isang Salaysay
(Dramatic Monologue)
•Isang tao lamang ang nagsasalita
mula sa simula hanggang wakas.
b. Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
•Taglay nito ang kawilihan sa mga
kalagayan, kilos, at damdaming
ipinapahayag sa pamamagitan ng mga
salita ng taong kinauukulan.
c. Dulang Katatawanan (Dramatic
Comedy)
•Nasusulat sa pamamaraan at
paksang-diwang kapwa katawa-
tawa o masayang pagtatapos.
d. Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy
in Poetry)
•Pakikipagtunggali at
pagkasawi ng isang
pangunahing tauhan.
e. Madamdamin (Melodrama in
Poetry)
•Lubhang madamdamin at
nagtataglay ng nakasisindak
na pangyayari.
f. Pauroy (Farce in Poetry)
•Lubhang katawa-tawa higit
sa makatwiran.
g. Katawa-tawang-kalunos-lunos
(Dramatic Tragicomedy in Poetry
•Naglalarawan ng isang
kalagayang katawa-tawa at
kalunos-lunos.
4. Tulang Patnigan
•Tulang sagutan ng makata na
itinatanghal ng mga
magkakatunggaling makata.
a. Balagtasan
•Francisco Balagtas Baltazar
•Tagisan ito ng talion sa pagbigkas ng tula
bilang pangangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan.
b. Karagatan
• Batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa gitna ng dagat.
• Ginagamit sa panliligaw noon.
• Paligsahan sa pagtula.
• May matandang tutula tungkol sa dahilan ng
laro. Paiikutin ang isang tabo, tatanungin tungkol
sa parabula o salitang makahulugan.
c. Duplo
• Kapalit ng karagatan.
• Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na
isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
• Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay.
• Pagalingan sa pagbigkas at pagdebate.
• May tugma at patula.
d. Batutian
•Hinango sa Balagtasan, Patulang
pagtatalo na ang pangunahing layunin ay
makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o
bumabasa.
PAGSASANAY 2:
•Sumulat ng isang uri ng tulang
liriko/pandamdamin na binubuo
ng 3 hanggang 5 saknong.