Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ika-Apat Na Markahan-Modyul 2: Paghahanda Upang Makamit Ang Minimithing Uri NG Pamumuhay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

1

9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan–Modyul 2:
Paghahanda Upang Makamit ang
Minimithing Uri ng Pamumuhay

(Ikatlo at Ika-apat na Linggo)

0
Modyul 2: Paghahanda Upang Makamit ang
Minimithing Uri ng Pamumuhay

Alamin

Mga Layunin:

A. Naipapaliwanag ang mga konsepto ng mabuting pagpapasiya, career


exploration, mga pagbabago sa mundo ng paggawa at career path
B. Nasusuri ang pagkatugma ng pamimiliang track o kurso sa
Senior High School sa kaniyang mga pasariling salik, sa
ninanais na negosyo o hanapbuhay at sa inaasahang local at
global demand sa hinaharap
C. Nakabubuo ng profile ng mga trabahong mataas ang lokal at global na
demand na angkop sa sariling talento, kakayahan at hilig,
pagpapahalaga at tunguhin.

Subukin (Pre-Test)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa
sagutang papel.
1. Ano ang kalipunan ng kakayahang tumutukoy sa mga
pagpapahalagang
kaugnay ng paggawa gaya ng entegridad sa tungkulin, inisyatibo o
pagkukusa, pamamahala sa oras, pagiging bukas sa mga bagong
kaalaman, at kalidad sa paggawa?
A. Komunikasyon C. Pagmamasid
B. Pagbabasa D. Personal na kakayahan

2. Ano ang tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t


ibang trabaho, at mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo
ang ating nais na uri ng pamumuhay o career goal?
A. Career Path C. Propesyonalismo
B. Komunikasyon D. Transferable Skills

1
3. Ang sumusunod na mga pahayag ay tama maliban sa _______.
A. Bawat kakayahan ang makakatulong upang magtagumpay sa
hinaharap.
B. Ang mga pundasyong kakayahan ay kailangan sa lahat ng
hanapbuhay.
C. May mga angkop na kakayahan na kailangan sa bawat
hanapbuhay.
D. Nagkakatulad ang mga kakayahang kailangan sa iba’t ibang
hanapbuhay.

4. Ito ay abilidad na isagawa ang isang gawain na maaring bunga ng


kaalaman, pagsasanay o natural na talento.
A. Kakayahan C. Interest
B. Kilos D. Paggawa

5. Mahalaga ang matalinong pagpili sa kurso at trabaho sapagkat _________.


A. Sa pamamagitan nito magiging madali ang trabaho.
B. Nakasalalay dito ang laki ng makukuhang sahod sa hinaharap.
C. Higit na nakikilala ang sariling potensiyal sa pamamagitan nito.
D. Nakasalalay dito ang kasiyahan at tagumpay sa mapipiling trabaho.

6. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng


pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya nito?
A. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipino na inaabuso sa
ibang bansa,
B. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong
mapapasukan,
C. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis
sa kita ng mga manggagawa,
D. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o
maging sa ibang bansa na angkop sa hilig, talento at kakayahan na
ayon sa kursong natapos.

7. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging


matagumpay ang isang tao bilang kabahagi sa mundo ng paggawa
maliban sa:
A. Ang kanyang hilig, talento at kakayahan.
B. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa.
C. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya.
D. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan.

2
8. Isinasabuhay ng pamahalaan ang kanyang tungkulin sa kanyang
mamamayan sa pamamagitan ng _______________.
A. paglikha ng maraming trabaho para sa kanyang mamamayan.
B. pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha para
pangalagaan ang kanyang karapatan.
C. pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang
kurapsyon at maling pagsasabuhay ng tungkulin.
D. paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit ng
kanyang mamamayan sa paggawa at mithiin ng lipunan ang
kabutihang panlahat.

9. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa mga sumusunod


ang maaaring makatulong sa iyo?
A. Mga kasanayan ayon sa lipunang kinabibilangan.
B. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan.
C. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at
kaibigan.
D. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng
negosyo.

10. Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at


palakasan, negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling talento,
kakayahan at hilig ay makakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa.
Ang pangungusap ay:
A. Tama, ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento,
kakayahan at hilig ay nangangahulugang karagdagang problema sa
isyu ng job mismatch.
B. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at
hindi ng kanyang mamamayan.
C. Tama, ang pagpili ng tamang kurso ayon sariling talento, kakayahan at
hilig ay hakbang sa minimithing trabaho at buhay sa hinaharap para
sa sarili, pamilya, kapwa at bansa.
D. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na gagawin
at ipatutupad nang mga naihalal na ng taong bayan

3
Panimulang Aral
Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa ating
pangarap, nakatali sa ating pinipiling bokasyon. Nakasalalay dito ang
pagtatamo ng tunay na kaligayahan. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o
propesyon o negosyo. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa
plano ng Diyos sa atin. Sabi nga ng iba, ito ang iyong “calling” sa buhay.
Sabi nga, ang lahat ng tagumpay ay nagsisimula sa pangarap.
Ito ang ilan sa mga Pangarap:
Ang tagumpay ay maaring ang pagkakaroon ng magandang
trabaho o negosyo balang araw.
Magkaroon ng masayang Pamilya.
Ang karamihan sa atin ay magkaroon ng maginhawang buhay.
Nakakalungkot na ang iba ay nakukuntento na sa pangangarap lang
at hindi na umahon sa kinasadlakang kahirapan. Ang iba naman ay
naghahangad ng ginhawa ngunit ayaw namang gumawa para makamit ito.

May iba naman gusto lang ng shortcuts. Ayaw maghirap pero walang
ginagawa. Ito ang kadalasang mga katangian na nais ng shortcuts:

Ayaw nila ng tuwid na daan


Karaniwang naliligaw ng landas
Gaano man katayog ang marating nila, hindi pa rin sila tunay
na masaya.
Hindi ka tunay na maligaya gaano ka man kayaman o katanyag
pagdating ng panahon kung hindi mo isinaalang- alang ang
plano ng Diyos para sa iyo.

Kaya bilang isang mag-aaral kailangan mong gumawa ng tamang


paraan ng iyong pagpapasya. Alamin kung ano ang tama at mali. Dapat ang
pagpapasya ay nakabatay sa katotohanan. Mahalagang magninilay mismo sa
mga aksyon na gagawin, kailangan mo din tayain ang damdamin kung ano
ang dapat na pipiliin at ang huli ay hihingi ng gabay sa ating Diyos.

Isang taon na lang Senior High School ka na. Nalalapit ka na naman sa


isang crossroad. May mahalagang pagpapasya ka na namang gagawin – ang
pagpili ng angkop na track o stream sa Senior High School. Higit na madali
dahil nakapagtakda ka na ng iyong mithiiin at mayroon ka nang mga hakbang
bilang paghahanda sa minimithing uri ng pamumuhay.
Napag-aralan mo na ang mga salik upang magtagumpay sa mundo ng
paggawa. Marahil malinaw na sa isip mo ang propesyon o negosyo na gusto
mong tahakin na makatutulong sa pagkamit ng iyong pangarap; para sarili,
sa pamilya at lipunang kinabibilangan.

4
Ano, handa ka na ba?

ARALIN 1: Lokal at Global na Demand


(Ikatlong Linggo)

Tuklasin at Suriin
“Ako animation artist!” “Ako magtatayo ng restaurant!” “Magaling yata
akong magluto!” “Ako graphic artist!” “Ako mekaniko!” Tapos magtatayo ako
ng sarili kong talyer.” “Hilig ko talaga ang mga bagay na napapatungkol sa
sasakyan.” Marahil ay pamilyar ka sa mga katagang nabanggit dahil minsan
mo na itong nabasa o narinig. Kung ikaw ang tatanungin, ano nga ba ang
gusto mong kursong kunin pagkatapos ng iyong pag-aaral: engineer, doktor,
IT technician o iba pa.
Sabi nga nila, ang isang musmos ay maraming pangarap at ang mga
pangarap na ito ay maaaring hindi permanente. Maaaring magbago ang iyong
pangarap o gustong maging sa hinaharap sa pagkakataong makakita ka ng
mga bagay na pumupukaw ng iyong interes. Halimbawa, kung noong nasa
Baitang 4 ka pa ay gusto mong maging engineer dahil ganoon ang propesyon
ng tatay mo, maaaring magbago ito sa pagiging Guidance Counselor kapag
nasa Baitang 10 ka na, kung makita mo ang positibong epekto ng inyong
Guidance Counselor sa iyong pag-aaral.
Sa kasalukuyan, malaki pa rin ang problema sa kakulangan ng trabaho
sa bansa, at lalo pa itong nadaragdagan dahil sa kawalan ng impormasyon
tungkol sa mga trabahong “in demand” sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Kasama din sa suliraning ito ang maraming bilang ng mga mag-aaral na
nakatapos na di sapat ang kaalaman sa mga trabahong maaaring pasukan;
idagdag pa ang mga pagpapahalagang hindi naisasabuhay na may
kaugnayan sa paggawa. Ilang taon na lang at ang isang tulad mo ay kabahagi
na sa mundo ng paggawa. Sa susunod na taon Grade 10. Mabilis ang takbo
ng panahon. Pagkatapos nito nasa Senior High School ka na. Bago pa
dumating ang pagkakataong iyan dapat alam mo na kung anong “track” ang
pipiliin mo na may kaugnayan sa mga kursong gusto mo. Mahalaga rin na
malaman mo ang mga “in demand” na trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa
na puwede mong maging basehan sa pagpili ng kurso at magkaroon kaagad
ng trabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral.
Lalo na ngayon na may pandemya, mabilis nagbago ang in demand na
trabaho. Maraming nakatuon sa mga digital related work. Dahil karamihan
stay at home at work from home.

5
Ang mga sumusunod na uri ng trabaho ang “in demand” sa bansa at
sa buong mundo, ayon sa Bureau of Labor Statistics (BLS) at sa mga search
engine:
Key Employment Generators Mga kaugnayan sa Trabaho
1. Physician and A. Psychiatrist
Surgeons B. Obstetrician/gynecolo
gist
C. Surgeon
D. Anesthesiologist
2. Dentist A. Prosthodontist
B. Orthondontist
C. Dentist
D. Dental Hygienist
E. Dental Assistant
F. Dental Lab-Tech
3. Chief Executives A. Chief Executive
Operator
B. Manager
C. Supervisor
D. Marketing Officer
E. Operating Officer
F. Financial Officer
4. Health and Wellness A. Nurse
B. Midwife
C. Medical Technologist
D. Herbologist
E. Optician
F. Optometrist
G. Physical Therapist
H. Pharmacist
I. Laboratory Technician
5. Cyberservices A. Software Engineer
B. Web Developer
C. System Engineer
D. System Administrator
E. Desktop Support
Engineer
F. Database
Administrator
G. Business Analyst
H. IT Consultant
I. Cloud Architect
J. Network Engineer
K. Call Center Agent
L. Computer
Programmer
M. Animation Artist
N. Layout Artist
O. Multimedia Artist
P. Medical Transcription
Editor
Q. Medical Transcription

6
R. IT Engineers
S. Specialist (Learning
Solution, Sytem and
Technical Support)

Mga “in demand” na trabaho sa Pilipinas 2020


In demand Trabaho Buwanang
Kita/Sweldo
1. Digital Content 1. Editor
Specialist 2. Copywriter 17,100-58,000
3. Podcast
4. Youtuber Source: Salary
5. Video Editor Explorer
2. Digital 1. Social Media
Marketing Specialist Manager 26,500 -
2. Digital Marketing 41,000
Specialist
3. Social Media
Marketing Specialist Source:
4. Marketing Specialist Payscale
5. Marketing Analyst
3. E-commerce 1. Online Specialist 26,500 -
2. eCommerce 41,000
Coordinator
Source:
Payscale
4. Business 1. Sales Specialist
Development and 2. Account Manager 57, 550-83,333
Sales 3. Account Executive
4. Business Source:
Development Specialist Payscale

5. Customer 1. Customer Service


Service Executive 19,000-24,333
2. Customer
Experience Manager
3. Customer Support
Specialist
4. Contact Center
Specialist Source:
5. Customer Service Payscale
Team Lead

7
6. Supply Chain1. Distributor
2. Logistic Supervisor
3. Operational 22,083-45,583
Specialist
4. Logistic Manager Source:
5. Head of Supply Payscale
Chain Management
7. Health Care and 1. Medical Technologist
Medical Support 2. Pharmacy Assistant 14,793-83,00
3. Healthcare Assistant
4. Medical Officer Source:
5. Medical Specialist Payscale

Isaisip

Kailangan mong mag-isip ng maigi sa pagdedesisyon dahil ang iyong


College Degree ay isang lifetime decision. Sa pagpili ng maling kurso, maaari
kang makakuha ng maling kaalaman, at maipit habambuhay sa ayaw mong
trabaho. Pero hindi mo naman kailangan mabigla sa pagdedesisyon. Mayroon
ka lamang dapat isaalang-alang tulad ng mga ito:

A. Dream Career
Isaalang-alang mo ang pinapangarap mong career kapag pumili
ka ng degree. Ito ay dahil ang kolehiyo ay ihahanda ka sa career na
gusto mong kunin balang araw. Ihahanda ka ng college degree na
kukunin mo sa mga skills at knowledge na magagamit mo sa trabaho.

B. Market Demand
Ang pagpunta sa college ay siyang investment kaya dapat mong
pag-isipang mabuti ang degree na kukunin mo dahil ito ang magde-
determine kung ano ang magiging trabaho mo at magkano ang kikitain
mo. Isipin mo ang employability ng career path na kukunin mo at tignan
mo kung ito ang workplace na gusto mong pagtagalan. Maraming
industriya ang nangangailangan ng trabaho. Pero, tandaan na hindi
ibig sabihin na in demand sila ngayon ay in demand pa din sila sa
susunod na 20 taon. Isiping mabuti at isapuso ang desisyon para
malaman mo kung nasa tamang landas ka.

C. Passion and Skills


Kung gusto mo ang ginagawa mo, paniguradong may puso ang
gagawin mo at magiging sucessful ka sa career na iyon. Mas
makakapagtrabaho ka ng maigi dahil alam mo ang mga skills na meron
ka at magagamit mo iyon sa pagsali mo sa workforce.

8
Sa pinaunlad na Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12, may
pitong disiplina; Languages, Literature, Communication, Mathematics,
Philosophy, Natural Sciences, at Social Sciences na may tatlong track: ito
ay ang Akademiko, Sining at Palakasan at ang Teknikal-Bokasyonal.
Nahahati ang kursong akademiko sa apat nastrand: ang STEM (Science,
Technology, Engineering, Mathematics), ABM (Accountancy, Business,
Management), HUMSS (Humanities, Social Sciences) at GAS (General Academic
Strand). Ang pagpili ng track at strand ay magsisilbing hakbang upang
makapili ng kurso na may kaugnayan sa iyong hilig, talento o kakayahan.
Tunghayan angtalahanayan sa ibaba para sa mga kurso na maaaring piliin
ayon sa track o strand na angkop sa iyo:
Mga Kaugnayan sa Kurso
Track and Strand
Academic
STEM
Pharmacy, Radiology Technology, Medical
Science Technology, Atmospheric Science and
Environmental Science, Pathology, Agricultural
Science and Fishery, Animal Science Information
Technology
Technology and Computer Studies, Multi-Media,
Animation, Programming, Computer Science and
Engineering Information System Management, Metallurgical,
Computer, Biomedical, Chemical, Geodetic,
Mathematics Electrical, Meteorological, Mining and Geological
Engineering, Mechanical, Electronics,
Communication, BS Mathematics, Physics and
Statistics

HUMSS Philosophy, Literature, Liberal and Fine Arts


Education major in Math, Science, Physics,
Chemistry, Reading, English, Educational
Media/Technology and Special Education (SPED),
Humanities
Music, Physical Education and Health
Communication, Psychology, Social Work,
Social Criminology, Sociology, Antropology, Political
Science, and Law
Sciences

ABM Business Management, Banking and Financial


Services, Business Information Technology
Accountancy Bookkeeping and Accounting Technology,
Management Sciences, Advertising and Public
Relations, Hotel Restaurant Management
Business

Management

9
GAS BS English, Mathematics, Filipino, Physical
Science, Biological Science, MAPEH, and History,
Genaral Bachelor Of Science in Environmental
Management, Business Administration Major in
Operation Manager, BE major in General
Academic Education, Early Childhood Education, Special
Education,
Strand
TECH-VOC Auto Gas Mechanic, Auto Diesel Mechanic, Auto
Electrical Mechanic, Basic Baking, Basic
Technical Computer, Basic Cosmetology, Basic Drafting,
Basic Dressmaking, Basic Electronics, Basic
Tailoring, High Speed Sewing, Building Wiring
Vocational
Installation, Computer Repair, Domestic Ref and
Aircon Repair, Food Processing, International
Cuisine, Shielded Metal Arc Welding (SMAW),
Practical Nursing, Housekeeping, Care Giving,
Basic Carpentry.

Inayos ang mga ito upang pagkatapos ng labingdalawang taon na pag-


aaral, ang isang mag-aaral ay inaasahang may sapat na kaalaman sa
larangan ng ICT (Information, Media at Communication Technology), mayaman
sa makabagong ideya (Learning and Innovation Skills) na puwedeng magamit
sa pagsisimula ng negosyo o hanapbuhay na may epektibong paraan ng
pakikipag kominikasyon (Effective Communication Skills), at kasanayan sa
pagsasabuhay ng karera (Life and Career Skills)

Ang hangarin ng iba na gamitin ang hilig sa pagnenegosyo ay di


nawawala. Maraming Pilipino ang nagtagumpay gamit ang kanilang talento
sa pamamalakad ng negosyo: si Pacita “Chit” Juan ng Figaro Coffee Shop,
ang may-ari ng Julies Bakeshop na si Julia Gandionco, si Fe Esperanza
Rodriguez at ang kanyang kapatid ng Burger Machine, at marami pang iba.
Nagsimula ang negosyo nila sa maliit, unti-unti itong lumaki hanggang sa di
nila namamalayan na isa na sila sa mga kinikilalang indibidwal sa larangan
ng pagnenegosyo sa kasalukuyan. Makatutulong ang mga kaalamang ito
upang makabuo ka ng plano tungkol sa kursong nasa iyong isip. Unti-unting
nagkakaroon na ng linaw ang mga mithiin na dapat isabuhay upang maging
matagumpay sa anumang larangang gustong tahakin.

Ang kaalamang mayroon ang isang indibidwal sa mga bagay na dapat


niyang gawin ay hindi napagtatagumpayan kung ito ay ginagawa nang walang
kabuluhan. Ayon sa encyclical “Laborem Exercens” ni Pope John Paul II, sa
pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad at sa
pamamagitan nito nagkakaroon siya ng malaking kontribusyon sa ibang tao
at sa lipunan tungo sa kabutihang panglahat.

Ano-anong kurso ang may kaugnayan sa iyong hilig, talento, o


kakayahan? Sa anong track o strand ito kabilang?

10
Handa ka na bang isabuhay ang iyong pagkatuto sa pagiging
produktibong kabahagi at tungo sa kaunlaran ng bansa?

Isagawa

Panuto: Batay sa Track o Strand ng pinaunlad na Kurikulum ng Batayang


Edukasyon ng K to 12 bumuo ng talaan ng kurso na ayon sa iyong hilig,
talento at kakayahan at sa mga trabahong maaaring pasukin na “in demand”
sa Pilipinas at sa ibang bansa ayon sa DOLE (Department of Labor and
Employment) o maaaring bisitahin ang website na ito at isulat ito sa iyong
sagutang papel.
https://www.balikbayad.ph/blog/7-in-demand-jobs-for-filipinos-who-
want-to-work-abroad/?fbclid=IwAR3Ub49vjM0ib-
FXt5zc1s6Hb5xOj7xuUfEQ-yJC-SUmIgP9cTsUiQp4FMw

Halimbawa

Track and Strand Hilig kakayahan at Kurso Trabahong


talento maaring pasukan
Mahilig sa mga Information Programmer
STEM bagay na Technology
nagpapatungkol sa
paggawa ng
program sa
Computer
Sining at Pagguhit Fine Arts Artist
Palakasan
Mahilig sa Auto Gas Mechanic Mekaniko
pagkalikot ng mga o Auto Diesel
Teknikal- bagay na may Mechanic
Bokasyonal kaugnayan sa
makina ng
sasakyan
Pagnenegosyo Mahilig magluto Food Processing Chef o Cook
Magtayo ng
sariling karinderya

11
Ikaw naman

Hilig,
Track or Kakayahan at Kurso Trabaho
Strand Talento maaring
pasukin

Tayahin

Panuto: Kumpletuhin ang mga nasa ibaba. Isulat ito sa iyong


sagutang papel.

Mithiing isasabuhay

Trabahong mataas
ang lokal at Global
na demand
Tungkulin
gagampanan sa
Lipunan
Talento at
kakayahang
kailangan
Pagpapahalagang
dapat taglayin
Hakbang na
isasabuhay
Kursong kukunin

12
ARALIN 2:
Paghahanda na Gagawin Upang Makamit ang Minimitihing
Uri ng Pamumuhay
(Ika-apat na Linggo)

Balikan (Review)
Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang kahalagahan ng
pagkakatugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan sa
napiling kursong akademiko o hanapbuhay. Sa araling ito, kailangang
mong matutunan ang mga paghahandang kakailanganin upang
magtagumpay sa iyong minimithing uri ng buhay.

Tuklasin at Suriin

Ang bawat isa ay nangangarap ng maginhawang buhay ngunit, hindi ito


magiging makatotohanan kung wala tayong gagawing hakbang at
makabubuting ngayon palang ay tinitingnan mo na ang career path na maari
mong tahakin upang matamo ang hinahangad na uri ng pamumuhay. Ang
Senor High School ang maaring unang hakbang mo sa pagtahak sa career
path na ito.
Ano nga ba ang career path? Ang career path ay tumutukoy sa mga
pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t ibang trabaho, at mga paghahanda
na ating pinagdaraanan upang matamo ang ating nais na uri ng pamumuhay
o career goal.
Ayon kay Professor Michael Driver ng University of Southern California,
nagkakaibaiba ang mga career path na ito ayon sa sumusunod na kraytirya:
bilang ng naging trabaho, posisyon o pagbabago sa buhay; dereksiyon na
tinatahak ng karera; at ang pagitan ng panahon ng mga pagpapalit o
pagbabago sa karera. Ang mga career path na natukoy ay ang mga
sumusunod:

Steady State - Ito ay ang career path na


nangangailangan ng
panghabambuhay na pananatili sa
isang trabaho lamang at patuloy
na pag-unlad ng kaalaman at
kasanayan sa karerang ito.
Linear State - Ito ay nangangahulugan ng
patuloy na pag-angat o pagtaas,
kung saan patuloy din ang pagtaas
ng posisyon, kapangyarihan,
responsibilidad sa gawain ng ibang

13
manggagawa sa kumpanya at
kinikita.
Ito ay nagpapakita ng madalas na
Transitory State -
pagbabago. Ito ay karaniwang
naghahanap ng sarisaring
karanasan at hindi nagpapatali sa
isang pinapasukan lamang.
Ito ay nangangahulugan ng regular
Spiral State - na pagbabago, kadalasan ay sa
loob ng lima o pitong taon.

Bukod sa pagpili ng career path na tatahakin mo, ano ang iyong


ginagawa sa kasalukuyan at mga bagay na maari mo pang gawin upang
matulungan kang matupad na mapaghandaan ang iyong hangarin sa
hinaharap?
Ang iba’t ibang hanapbuhay ay may mga hinihinging kaalaman at
kasanayan upang maisagawa ang kaniya-kaniyang gawain ng may
kahusayan. Upang magkaroon ng isang propesyon at hanapbuhay,
mahalagang magkaroon ang isang tao ng mga kanasanayan at katangian sa
propesyon na kaniyang papasukin.
Maliban sa mga kasanayang kailangan, may mga pundasyong
kakayahan na kailangan linangin ng bawat manggagawa anumang
hanapbuhay ang nais nila. Ang mga pangunahing kakayahan na ito ay
tinatawag na transferable skills. Ito ang mga kakayahan na mahalaga sa
lahat ng uri ng okupasyon. Tinatawag ang mga ito na transferable skills
sapagkat nagagamit ang mga ito ng isang tao mula sa paaralan hanggang sa
kaniyang paglipat sa mundo ng paggawa o mula sa isang okupasyon
hanggang sa paglipat sa isa pang okupasyon. May mga kalipunan ng
pundasyong kakayahan o transferable skills na hinahanap ang mga employer
sa isang aplikante. Sa pag-aaral naginawa nina Hart, Casne-Lotto at
Barrington (2006) sa Amerika, lumabas na may mahahalagang hinahanap
ang mga employer na katangiang taglay sa isang taong pumapasok sa
merkado ng paggawa. Ito ay ang kasanayang:
- Propesyonalismo o pagpapakita ng mabuting gawi at
pagpapahalaga sa trabaho
- Pakikipagtulungan sa iba
- Komunikasyon
- Kritikal na pag-iisip
- Kakayahan sa paglutas ng suliranin

14
Narito ang maikling paglalarawan ng bawat kakayahang binanggit at ng ilan
pa na kailangan sa lahat ng hanapbuhay:

1. Pakikipagtulungan sa iba – ang kakayahang ito ay tumutukoy sa paraan


kung paano nakakaugnay ang isang tao sa kaniyang mga kasama sa
pagsasagawa ng isang gawain.

2. Komunikasyon – ito ay tungkol sa paghahatid sa iba ng mensahe nang


maliwanag at pag-unawa naman sa mensaheng natanggap mula sa iba.

3. Kritikal na Pag-iisip – ito ay may kinalaman sa kakayahang makatukoy,


makasuri at makalutas ng suliranin sa pamamagitan ng paghahanap at
paggamit ng mga kailangang impormasyon.

4. Personal na kakayahan – ang kalipunan ng kakayahang ito ay tumutukoy


sa mga pagpapahalagang kaugnay ng paggawa gaya ng entegridad sa
tungkulin, inisyatibo o pagkukusa, pamamahala sa oras, pagiging bukas sa
mga bagong kaalaman, at kalidad sa paggawa.

5. Kakayahan sa Kompyuter – ito ay pangunahing kakayahan na kailangan


sa kasalukuyan dahil sa mabilis na paglawak ng kaalaman at pag-unlad ng
teknolohiya.
Ang mga kakayahan na kailangan upang madaling makakuha ng
trabaho ay hindi nalilinang sa isang araw o ng isang asignatura o gawain
lamang. Sa pagdaraan ng mga taon, sa pamamagitan ng mga gawaing iyong
kinasasangkutan sa loob at labas ng tahanan at paaralan, nalilinang mo ang
iba’t ibang pundasyong kakayahan. May mga salik sa mabuting pasiya at
paraang maaaring gawin na makatutulong upang mapaunlad o malinang ang
mg kakayahan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Magsanay
Isang paraan upang mapaunlad ang kakayahan ay ang paggamit nito
ng palagian. Dahil ang kakayahan ay resulta ng pagsasanay, lahat ng
pagkakataon na makikita upang magamit ang isang kaalaman ay dapat na
samantalahin upang maging kakayahan ang kaalamang ito.

2. Magbasa
Maraming bagay na matutuhan mula sa pagbabasa. Bagama’t
kaalaman ang makukuha mula sa pagbabasa, makatutulong ang mga
makukuhang impormasyon sa pamamagitan nito upang maunawaan ang
maraming bagay ukol sa iba’t ibang kakayahan.

15
3. Magpaturo/ Magkalap ng kaalaman
Isang paraan upang matutuhan at mapaunlad ang kakayahan ay sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mga taong nagtataglay nito. Sumangguni at
humingi ng opinyon sa mga taong nakaaalam at mayroong sapat na
karanasan sa mga impormasyong kailangan na pagbabatayan sa pagpili ng
angkop na track o stream na siya mong magiging tuntungan patungo sa
minimithing trabaho o negosyo. Maaring gawing modelo ang mga taong
mayroong kakayahan na nais taglayin.

4. Magmasid
Ang panonood, pagmamasid o pag oobserba sa taong nagpapakita ng
kakayahang nais malinang ay nakatutulong din. Maari mong pansinin o
pagmasdan kung paano isinasagawa ng ibang tao ang kanilang gawain.

5. Magnilay sa mismong aksiyon.


Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. Ito ay dapat na
makapagpapabuti at makapagpapaunlad sa pagkatao at uri ng iyong
pamumuhay. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba
talaga ang iyong personal na hangarin sa iyong isasagawang aksiyon.
Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon.
Suriin muna kung ano ang magiging bunga ng iyong kilos bago ito isagawa.

6. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.


Manalangin upang mabibigyan ng linaw kung ano talaga ang gusto ng
Diyos na iyong gawin. Mahalagang gawin ito upang magkaroon ng lakas na
maisakatuparan ang anumang dapat gawin ayon sa paghuhusga ng sariling
konsensya.

7. Pag-aralang muli ang pasiya.


Kung may agam-agam, kailangan mong pag-aralan muli ang iyong
pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri. Maging
bukas sa posibilidad na magbago ang pasya pagkatapos ng prosesong
pinagdaanan mo.

Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa ating pinipiling


bokasyon. Nakasalalay dito ang pagtatamo ng tunay na kaligayahan. Ito ay
kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin. Sabi nga ng iba, ito
ang iyong “calling” sa buhay.

16
Isaisip
Ang mundo ng paggawa ay nangangailangan ng iba’t ibang antas ng
kaalaman at kakayahan. Maganda ang paghahanda para dito sa
pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay kung nais na magaling sa anumang
kursong akademiko o teknikal- bokasyonal at trabahong papasukin. Ang mga
paghahandang ito ay kailangang lakipan ng pagpaplano, pagsisikap, at
pagtitiyaga.

Isagawa

Magbigay ng dalawang estratihiya o paraan sa bawat pangunahing


kakayahan sa ibaba upang maging handa sa pagharap sa merkado ng
paggawa. Ang dalawang kakayahan ay may mga halimbawang binigay na
maaari mong maging gabay. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Pakikipagtulungan sa iba Komunikasyon


Makiisa sa gawaing Pakikinig sa ipinyon ng iba
pampamayanan

Kritikal na Pag-iisip Personal na Kakayahan Kakayahan sa


Kompyuter

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

a. Career Path d. Steady state


b. Linear state e. Transferrable skills
c. Spiral state f. Transitory state

_____ 1. Nagagamit ang mga ito ng isang tao mula sa paaralan hanggang sa
kaniyang paglipat sa mundo ng paggawa o mula sa isang
okupasyon hanggang sa paglipat sa isa pang okupasyon.
______2. Ito ay karaniwang naghahanap ng sarisaring karanasan at hindi
nagpapatali sa isang pinapasukan lamang.

17
______3. Ito ay nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa
loob ng lima o pitong taon.
______4. Ito ay ang career path na nangangailangan ng panghabambuhay na
pananatili sa isang trabaho lamang at patuloy na pag-unlad ng
kaalaman at kasanayan sa karerang ito.

_____ 5. Ito ay nangangahulugan ng patuloy na pag-angat o pagtaas, kung


saan patuloy din ang pagtaas ng posisyon, kapangyarihan,
responsibilidad sa gawain ng ibang manggagawa sa kumpanya at
kinikita.

PanghulingPagtataya (Post Test)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang


tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik nito sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod na mga pahayag ay tama maliban sa _______.

A. Bawat kakayahan ang makakatulong upang magtagumpay sa


hinaharap.
B. Ang mga pundasyong kakayahan ay kailngan sa lahat ng
hanapbuhay.
C. May mga partikular na kakayahan na kailangan sa bawat
hanapbuhay.
D. Nagkakatulad ang mga kakayahang kailangan sa iba’t ibang
hanapbuhay.

2. Ito ay abilidad na isagawa ang isang gawain na maaring bunga ng


kaalaman, pagsasanay o natural na talento.
A. Kakayahan C. Interes
B. Kilos D. Paggawa

3. Mahalaga ang matalinong pagpili sa kurso at trabaho sapagkat _____.


A. Sa pamamagitan nito magiging madali ang trabaho.
B. Nakasalalay dito ang laki ng makukuhang sahod sa hinaharap.
C. Higit na nakikilala ang sariling potensiyal sa pamamagitan nito.
D. Nakasalalay dito ang kasiyahan at tagumpay sa mapipiling
trabaho.

18
4. Ano ang kalipunan ng kakayahang tumutukoy sa mga
pagpapahalagang kaugnay ng paggawa gaya ng entegridad sa tungkulin,
inisyatibo o pagkukusa, pamamahala sa oras, pagiging bukas sa mga
bagong kaalaman, at kalidad sa paggawa?
A. Komunikasyon C. Pagmamasid
B. Pagbabasa D. Personal na kakayahan

5. Ano ang tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t-


ibang trabaho, at mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang
matamo ang ating nais na uri ng pamumuhay o career goal?
A. Career Path C. Propesyonalismo
B. Komunikasyon D. Transferable Skills

6. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang


maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi sa mundo ng
paggawa maliban sa:
A. Ang kanyang hilig, talento at kakayahan.
B. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa.
C. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya.
D. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan.
7. Isinasabuhay ng pamahalaan ang kanyang tungkulin sa kanyang
mamamayan sa pamamagitan ng _______________.
A. Paglikha ng maraming trabaho para sa kanyang mamamayan.
B. Pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha
para pangalagaan ang kanyang karapatan.
C. Pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang
kurapsyon at maling pagsasabuhay ng tungkulin.
D. Paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit
ng kanyang mamamayan sa paggawa at mithiin ng lipunan
angkabutihang panlahat.
8. Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at
palakasan, negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling talento,
kakayahan at hilig ay makakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa.
Ang pangngusap ay:
A. Tama, ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talen
kakayahan at hilig ay nangangahulugang karagdagang problema sa
isyu ng job mismatch.
B. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan
at hindi ng kanyang mamamayan.
C. Tama, ang pagpili ng tamang kurso ayon sariling talento,
kakayahan

19
at hilig ay hakbang sa minimithing trabaho at buhay sa hinaharap para
sa sarili, pamilya, kapwa at bansa.
D. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na
gagawin at ipatutupad nang mga naihalal na ng taong bayan.

9. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng


pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya nito?
A. Ang dumaraming bilang ng maggagawa Pilipino na inaabuso sa
ibang bansa.
B. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong
mapapasukan.
C. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis
sa kita ng mga manggagawa.
D. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o
maging sa ibang bansa na angkop sa hilig, talento, at kakayahan
ayon sa kursong natapos.

10. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa mga sumusunod
ang maaaring makatulong sa iyo?
A. Mga kasanayan ayon sa lipunang kinabibilangan.
B. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan.
C. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro,
kaibigan.
D. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng
negosyo.

20
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
Isagawa
Track and Strand Hilig kakayahan at Kurso Trabahong
talento maaring
pasukan
STEM
Sining at
Palakasan
Maaring magkakaiba ang mga sagot
Teknikal-
Bokasyonal
Pagnenegosyo

Tayahin

Mithiing isasabuhay
Trabahong mataas ang lokal at
Global na demand
Tungkulin gagampanan sa Lipunan Maaring magkakaiba ang mga
Talento at kakayahang kailangan sagot
Pagpapahalagang dapat taglayin
Hakbang na isasabuhay
Kursong kukunin

Aralin 2

Mga Sanggunian

Mula sa aklat

● EdukasyonsaPagpapakatao.Grade 9 Learner’s Material para sa K to 12 Program. (2014)

● Punsalan, T.G. et.al.(2014).Pagpapakatao(BatayangAklatsaEdukasyon


saPagpapakatao ng Sekondarya). Sampaloc, Manila.Rex Book Store, Inc.
Mula sa Internet

https://web.facebook.com/Esp-9-Apitong-100496101594174/
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-16
http://www.vatican.va/holy_father/john_paul_ii/encyclicals/documents/hf_jii_enc_14091981_ laborem-
exercens_en.html
http://www.catholic-pages.com/documents/laborem_exercens-summary.asp
httpwww.np.edu.sghomecoursesDocumentsBA.pdf
http://www.mukamo.com/ched-in-demand-courses-jobs-philippines/
http://www.rd.com/advice/work-career/25-jobs-in-demand-right-now/
http://www.jobopenings.ph/article_item367/DOLE_Lists_Most_In_Demand_Jobs_in_the_ Philippines.html

21

You might also like