SecondQuarter ESP10 Exam
SecondQuarter ESP10 Exam
SecondQuarter ESP10 Exam
A. TAMA o MALI
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag at sagutan ng TAMA kung ito ay nagpapakita ng pagsangayon,
at MALI kung ang pahayag ay hindi tama.
_____ 1. Kilos ng tao ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at
hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
_____ 2. Makataong kilos ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay
resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’y may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
_____ 3. Kung ikaw ay nakinig at nakihalubilo, nagtanong at nagbigay ng reaksiyon tungkol sa tsismis o usapan na iyong
narinig isang indikasyon na ito ay ginusto at sinadya mo. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos (voluntary act)
_____ 4. Ang bigat degree ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa
bigat ng kagustuhan o pagkukusa.
_____ 5. Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung hindi
pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan – ang
kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin.
_____ 6. Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya
ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa
mga nalalabing araw ng kaniyang buhay.
_____ 7. Dahil sa isip at kilos-loob, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay
may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran.
_____ 8. Kusang-loob ay ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na
pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
_____ 9. Ang Di kusang-loob ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa
kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
_____ 10. Walang kusang-loob ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na
ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
Panuto: Isipin ang mga maling pasiya na naisagawa sa sumusunod: pamilya, kaibigan, pag-aaral, barangay, at
simbahan. Isulat ito sa unang hanay at isulat naman sa pangalawang hanay kung paano mo ito iwawasto.
A B
Maling pasiyang naisagawa Paano ito iwawasto?
1. sa Pamilya
2. sa Kaibigan
3. sa Pag-aaral
4. sa Barangay
5. sa Simbahan
Inihanda ni:
Christian Arby M. Bantan