Q4 EsP LAS Gr10 13.2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

GAWAING PAMPAGKATUTO

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

BAITANG/PANGKAT: ________GRADE 10__________ LINGGO: __________


PANGALAN: __________________________________ PETSA: ___________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Ang pagkapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao


at karapatan na dumadaloy rito. Ang bawat tao ay karapat-dapat sa pagpapahalaga
at paggalang mula sa kanyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang,
anyo, antas ng kalinangan, kakayahan at seksuwalidad ay may dignidad.

Maipapakita ang paggalang sa dignidad at sekswalidad kung pangungunahan


mo ito sa paggalang at pagtanggap sa iyong sarili, kung sino at ano ka dahil kung may
paggalang ka sa iyong sarili igagalang at pahahalagahan ka rin ng ibang tao. Ang
paggalang sa dignidad at sekswalidad ay isa na ring paraan ng pagrespeto sa
kalakasan at kahinaan mo bilang isang tao, ang pagtanggap sa mga kaya at hindi mo
kayang gawin bilang isang babae o lalaki. Mapapahalagahan ang dignidad at
sekswalidad kung igagalang at irerespeto mo din ang ibang tao, kung ano man ang
kasarian na napili nila na sa tingin nila ay makakapagbuo ng kanilang pagkatao.
Igalang at irespeto ang isa't isa upang kalugdan tayo ng Diyos.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS

13.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad


at sekswalidad.

III. MGA GAWAIN

GAWAIN 1

Fishbowl

Piliin mula sa bowl ang mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang
sa dignidad at seksuwalidad, at isulat kung paano ito nagpapakita ng kawalan ng
1|P age
paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao.

Community Pantry
Poverty
Pre-marital Sex
Medical Mission

Prostitution

1. 2.

Mga ISYU kaugnay


sa kawalan ng
paggalang sa
dignidad at
seksuwalidad

3.

GAWAIN 2

Ipaglaban Mo!
Madalas laman ng pahayagan, radyo at telebisyon ang mga balitang may
kinalaman sa pang-aabusong sekswal, kahalayan, at kawalan ng paggalang sa
sekswalidad.
Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag / isyung kaugnay sa kawalan
ng paggalang sa dignidad at sekswalidad na nasa ibaba, kung sang-ayon ka sa

2|P age
pahayag o hindi. Gamitin ang table format para sa kasagutan ng sumusunod na
pahayag.

Halimbawa:

Sang-ayon o Hindi
Pahayag Paliwanag o Dahilan
Sang-ayon
1. Ang pagtatalik ay normal Dahil ginagawa lamang
para sa kabataang Hindi sang-ayon ito ng mag-asawa na
nagmamahalan. ikinasal.

Mga Pahayag:
2. Ang pagtatalik ng
magkasintahan ay
kailangan upang
makaranas ng
kasiyahan.
3. Tama lang na
maghubad kung ito ay
para sa sining.
4. Ang pagtingin sa mga
malalaswang babasahin
o larawan ay walang
epekto sa ikabubuti at
ikasasama ng tao.
5. Ang tao na nagiging
kasangkapan ng
pornograpiya ay
nagiging isang bagay na
may mababang
pagpapahalaga.
6. Ang pang-aabusong
sekswal ay taliwas sa
tunay na esensiya ng
sekswalidad.
7. Ang paggamit ng ating
katawan para sa
sekswal na gawain ay
mabuti ngunit maaari
lamang gawin ng mga
taong pinagbuklod ng
kasal.

3|P age
8. Ang pagbebenta ng sarili
ay tama kung may
mabigat na
pangangailangan sa
pera.
9. Ang pagkalulong sa
prostitusyon ay
nakakaapekto sa
dignidad ng tao.
10. Wala namang
nawawala sa isang
babae na nagpapakita
ng kaniyang hubad na
sarili sa internet. Nakikita
lang naman at hindi
mahahawakan.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano ang masasabi mo sa mga pahayag na ibinigay?
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Naging madali ba ang pagtugon mo sa bawat pahayag? Bakit?


________________________________________________________
________________________________________________________

GAWAIN 3

Bawal ang Judgemental!

Suriin ang sumusunod na sitwasyon ni Mae kaugnay sa kawalan ng paggalang


sa dignidad at sekswalidad. Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba, sa pamamagitan
ng isang repleksiyon.

Isang pagtatagpo ng tatlong magkakaibigan sa loob ng halamanan ng paaralan.

Joan: Karen, Mae, mga matalik ko kayong kaibigan. May sasabihin ako sa inyo,
isang suliranin na kailangan kong lutasin.

Mae: Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang suliranin.

4|P age
Karen: Oo nga, kaya lang iba-iba ang antas nito. Bilang iyong mga kaibigan,
ano ang nais mong sabihin at baka matulungan ka namin?

Joan: Buntis ako ngayon. Naging mapusok kami ng aking kasintahan na


malayo ang agwat sa aking edad. Ano kaya ang aking gagawin?

Mae: Problema nga iyan. Alam na ba ito ng mga magulang mo?


Joan: Hindi pa. Hindi ko binigyan ng kahulugan sa aking buhay at ang ating
aralin tungkol sa sekswalidad.

Karen: Bakit ba nangyari iyon?

Joan: Hindi ko lubos naisip ang magiging kahihinatnan ng aking pasya.


Kapwa kami natukso at ako ay nahikayat ng aking nobyo.

Mae: Marahil dapat nating ipaalam ito sa iyong mga magulang. Sana ay
huwag mong maisip na ipalaglag ang batang iyan.

Karen: Baka lalo lamang na magalit sila.

Joan: Tama, ang pagiging mapusok namin ay hindi sapat dahilan sapagkat
dapat noong una pa lamang ay naisip na naming mali ang aming ginawa.

Mae: Humahanga ako sa iyong pag-amin ng iyong kahinaan. Kung ikaw ay


tunay na mahal ng iyong nobyo at bilang nakatatanda, sana ay ginabayan ka
niya at iginalang.

Karen: Tama ka. Ngayon ang dapat nating gawin ay tulungan kang kausapin.

Pagsusuri:
1. Ano ang isyung kinasasangkutan ni Joan? Ipaliwanag ang suliranin.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano ang kilos na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa dignidad at


sekswalidad ng tao?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano ang maaaring dahilan kung bakit karamihan ng mga kabataan ngayon ay
nasasangkot sa mga ganitong isyu?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

5|P age
IV. PAGPAPALALIM

Mga Dapat Tandaan:

• Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o pagbubuo ng seksuwalidad


at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki.
• Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao
bilang tao.
• Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo s sariling kaganapan, at ang
pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan. Ang tao ay espritwal
na kaluluwa (porma) at katawan(materyal) kumikilos na magkatugma tungo sa
isang telos o layunin.
• “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal.
Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal sa mundo –
ang likas na nagpapakadakila sa tao.” ~ (Banal na Papa Juan Paulo II)

1. Mahalaga ang tamang pananaw sa sekswalidad dahil isa itong aspeto ng


ating pagkatao na malaki ang epekto sa ating buhay. Ang sekswalidad ng isang
tao ay humuhubog kung paano makikitungo sa ibang tao sa sekswal na paraan.
Ibig sabihin isa itong parte ng pakikipagrelasyon sa iba. Kung hindi natin alam
o hindi tanggap ang ating sekswalidad maari itong magdulot ng problema. Kaya
nararapat lamang na magkaroon tayo ng tamang pananaw sa ating
sekswalidad, maging sa sekswalidad ng iba.
2. Karapatang Ayon sa Sekswalidad
Maraming mga kasunduan at mga kasulatan, kasama na ang UN Declaration
of Human Rights, na nagsasabing ang karapatang pangsekswalidad ay isang
karapatang pantao. Dahil dito, maraming mga nagawang batas labas sa
diskriminsaryon ayon sa usapin ng pagkakakilanlang sekswal (gender identity)
at sa sekswal na oryentasyon (sexual orientation). Mahalaga na igalang natin
ang mga karapatan na ito at huwag mang-abuso ng kapwa.
3. Pagtanggap sa Sarili
Pinakamahalaga na siguro ay ang pangtanggap natin sa ating sarili sa aspetong
sekswal. Kung hindi natin tanggap kung ano tayo, maaring magresulta ito sa
depresyon at iba pang problema na hindi natin gusto.
4. Respeto sa Iba
Hindi lamang pansarili ang usapin ng sekswalidad. Kailangan din natin igalang
ang karapatan ng iba. Ibig sabihin nito kailangan din natin kilalanin ang kanilang
sekswalidad at huwag ipilit ang sa atin lamang.
5. Lahat ng Tao ay may dignidad, kaya’t nararapat lamang na igalang ang bawat
isa.
6|P age
V. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Mga Pagsusuri:

Kraytirya Iskor/Puntos
Nasusuri at naipaliwanag nang malinaw
ang ideya at saloobin patungkol sa mga 5 puntos
isyu.
Hindi masyadong malinaw ang ideya
3 puntos
ng mga mag-aaral.
Kulang sa pagpapaliwanag, hindi
2 puntos
nasaklaw ang hinihinging ideya.
Kabuoan 10 puntos

VI. SANGGUNIAN

• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10, Modyul sa Mag-aaral p. 281-298


• DLP in Edukasyon sa Pagpapakatao 10, 4th Quarter
• Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, p. 7 / 14

Inihanda ni: CIRCE R. MENDOZA

7|P age

You might also like