Pandiwa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

WIKANG FILIPINO AT WIKANG CEBUANO: ANG PAGKAKATULAD SA PAGBAYBAY

NG MGA SALITA GAMIT ANG PANDIWA

Isang Pamanahong Papel

Sa Asignaturang Filipino 414 Retorika at Paglilinang ng Filipino

na Iniharap kay Dr. Regina L. Cuizon

Ipinasa ni:

Erlan Grace A. Hecera

Ika – 1 ng Hunyo, 2019


KABANATA I

INTRODUKSYON

Ayon sa Wikipedia, ang pandiwa na isa sa bahagi ng pananalita ay nagsasaad


ng kilos o galaw, isang pangyayari, o isang katayuan na nagbibigay buhay sa isang
pangungusap.

Ayon sa Wikibooks, ang pandiwa ay may iba’t ibang aspekto nang matukoy kung
ang kilos ay naganap na, ginagawa o gagawin pa lamang. Ito rin ay nakatuon sa
Aksyon, Karanasan, Ganapan, Tagatanggap, Gamit, Pangyayari, at Direksiyon. Ito rin
ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi.

Ang Pandiwa ay may malaking tungkuling ginagampanan hindi lamang sa loob


ng pangungusap kung hindi maging sa kilos o aksyon na ginagawa ng isang tao sa
araw-araw upang maiparating nang malinaw ang kilos na ginagawa.

Lahat ng wika sa Pilipinas ay gumagamit ng pandiwa upang mas maging


epektibo ang pagpapahayag ng isang kilos sa taong kasalamuha. Ito ay tulay upang
magkaunawaan ang bawat isa.

At kung ihahambing ang mga salitang nasa wikang Filipino at wikang Cebuano,
may mga salitang nagsasaad ng kilos na magkatuladd sa baybay, magkatulad at may
pagkakataong magkaiba sa pagbigkas maging sa kahulugan nito. May pagkakaiba man
ang mga salitang kilos ng wikang Filipino at wikang Cebuano, ito ay may mahalagang
tungkulin na ginagampanan lalo na sa pang-araw-araw na paggamit nito sa
pakikisalamuha sa kapwa.
KABANATA II

PANGUNAHING LAYUNIN

Isinagawa ang Pananaliksik na ito upang matukoy at maihambing ang dalawang


magkaibang wika, ang wikang Filipino at wikang Cebuano kung talaga bang may mga
salitang nagsasaad ng kilos na magkapareho sa baybay ngunit may pagkakatulad at
pagkakaiba sa bigkas at kahulugan nito.

Sa ganitong paraan, masusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang


wika sa isa’t isa.
KABANATA III

METODOLOHIYA

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral hinggil


sa pagsusuri at pagtukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos na may magkaparehong
baybay at bigkas sa wikang Filipino at wikang Cebuano maging ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga kahulugan ng mga salitang ito.

A. Instrumento ng Pananaliksik

Sa pagnanais ng mananaliksik na maging balido at katiwa-tiwala ang mga


datos, napagpasiyahan na ang istrumentong gagamitin sa pangangalap ng datos at
impormasyon ay ang mga sumusunod;

1. Silid-aklatan o library – ang lahat ng kabatiran, kailangan sa mga aklat,


babasahin at iba pang sanggunian ay matatagpuan ng mga mananaliksik mula
sa aklatan.

2. Internet – pinamalaki at pinakamalawak na gamitin ang kompyuter network dahil


sa pinag-ugnay-ugnay nito ang milyon-milyong kompyuter sa buong mundo.
Ginamit ang website o search engines bilang paraan sa pagkuha ng mga datos o
impormasyon.

3. Ginamit sa pag-aaral na ito ng mananaliksik ang pagtanong sa mga kakilala


upang lubos na makakalap ng maraming impormasyon.
KABANATA IV

PRESENTASYON

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga salitang may magkatulad na baybay


at paraan ng pagbigkas na nagsasaad ng kilos sa wikang Filipino at Cebuano, kasama
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kahulugan ng bawat salita.

SALITA KILOS SA KAHULUGAN SALITA KILOS SA KAHULUGAN


WIKANG FILIPINO WIKANG CEBUANO
1. palit change palit bili

2. bukas open bukas open

3. sayaw dance sayaw dance

4. basa reading basa wet

5. laba washing laba washing

6. inom drink inom drink

7. luhod kneel luhod kneel


8. saka pagsasaka saka akyat

9. ligo bath ligo bath

10. sakripisyo pagbitiw sa isang sakripisyo Pagbitiw sa isang


bagay bagay
11. suko give up suko nagalit

12. hawa paglipat ng sakit sa hawa alis


iba

13. tuyo dry tuyo pakay

14. lingkod pagsisilbi lingkod upo

15. tupok kinain ng apoy tupok tusok

16. arawan paraan arawan gagamba

17. paglibang pag-aliw paglibang pagbawas ng dumi

18. bawas pagkuha o pag-alis bawas pagkuha o pag-alis

19. halang masama halang maanghang

20. tampo pagkainis tampo kontribusyon

21. kanta singing kanta singing


22. nahulog fall nahulog fall

23. bilin payo bilin iwan

24. baktas lakad baktas lakad

25. langoy swim langoy swim

26. nagluto cooking nagluto cooking

27. hiwa cut hiwa cut

28. halay Mahalay/kalibugan halay sampay

29. panghugas gamit na panghugas panghugas paglinis ng parte ng


ng isang kataan
bagay/kasangkapan

30. dula pagtatanghal dula laro

31. lupig supil lupig talo

32. pagsulat pagsalin sa papel o pagsulat inuutusang magsulat


sa anumang
kasangkapang
maaaring magamit
namapagsasalinan
ng mga nabuong
salita.
33. pagtulog isang kalagayan ng pagtulog Inuutusang matulog
pagpapahinga

34. sulong bunga ng pag-unlad sulong Hudyat ng isang


away o pagpunta sa
kaaway

36. pagsakay Pagsakay sa isang pagsakay Inuutusang sumukay


sasakyan o sa isang
bagay
37. palit exchange palit bili

38. pagbati Pagbibigay galang pagbati Isang uri ng


sa isang taong pakiramdam o
nakatataas ang nararamadaman ng
posisyon o gulang isang tao

39. pag-inom klase ng pag-inom pag-inom Inuutusang uminom


ng tubig o ng isang
alak
40. hilom paggaling ng isang hilom tahimik
sugat o
nararamdaman

41. pulong pagsasagawa ng pulong mga termino


isang usapan na
binubuo ng
maraming pangkat
42. banat ginagamit sa pick banat stretch
up lines o hugot
lines
43. lamang only lamang mas magaling sa
isang bagay o mas
may maraming
puntos na nakuha
44. ayaw hindi gusto ayaw huwag

45. buhat pagbuhat sa isang buhat deed


bagay na mabigat
46. sunod follow sunod next

47. paghubad pag-alis ng isang paghubad pagsasalin


bagay
48. sugod attack sugod mula ngayon

49. natumba nahulog natumba nahulog

50. tikas uri ng pagtindig tikas manloloko

51. sandigan maaasahan sandigan lean

52. hangad nais/gusto hangad pagtaas ng ulo

53. libog libog nalilito

54. pagtuon pokus pagtuon Inuutusang mag-aral


KABANATA V

NATUKLASAN

Natukoy na may mga salitang nagsasaad ng kilos na magkapareho ang


pagbabay sa wikang Filipino at wikang Cebuano.

Natuklasan na ang ilang mga salita sa wikang Filipino at wikang Cebuano ay


may pagkakapareho at pagkakaiba sa kahulugan maging sa pagbigkas kahit na
magkapareho ang pagkakabaybay ng mga salita na ginagamit sa pang-araw-araw na
buhay ng isang taong napapabilang sa wikang pinaghambing at pinag-aralan.

Hindi lahat ng mga salita sa dalawang wikang pinaghambing ay nagsasaad ng


kilos kahit na ito ay magkapareho sa pagbaybay. Kakaunting mga salita lamang ang
nakalap at nakuha dahil hindi lahat ay nagsasaad ng kilos.
KABANATA VI

KONKLUSYON

Bawat salita na nagsaad ng kilos ay napakahalaga sa buhay ng isang tao lalo na


sa paggamit nito sa araw-araw na pakikisalamuha upang mas maging malinaw ang
kilos na ipinapahayag sa kausap.

Ang mga salitang kilos man ay nagmula sa ibang lenggwahe o wika ay hindi
maiiwasang may pagkakataon na ito ay may kaparehong baybay, bigkas at kahulugan
sa ibang wika.

Napakahalagang matutunan ang pag-aaral hinggil sa pananaliksik na ito at


maihambing ang dalawang wika, ang wikang Filipino at wikang Cebuano nang lubos na
maging malalim at malawak ang kaalaman ng bawat indibidwal lalo na sa paggamit ng
tama sa mga salitang ito sa pakikipaghalubilo.

Mahalaga ang tungkulin ng pandiwa dahil isa ito sa nagbibigay buhay sa


pakikisalamuha ng isang indibidwal sa kanyang kapwa.

Kung wala ang pandiwa o mga salitang nagsasaad ng kilos, hindi magiging
epektibo at malinaw ang nais ipahiwatig na kilos ng bawat indibidwal.

You might also like