Ang Panitikan Sa Panahong Kasalukuyan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran

Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan,


mahuhusay at mapagmahal na mga guro, butihing at maunawaing
prinsipal at administrador. Purihin ang Panginoong Hesus sa isang
napakagandang umaga!

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa


mundong pilit kang binabago.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang


basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang
kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon,
Visayas at Mindanao.

Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa


unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga
Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat
pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng lahat.
Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at komunikasyon
na nagbigay daan para mas dumami ang ideya at opinyon. Pinagkaisa
nito ang mga nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan ito sa mas
positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala.
At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit
na may iba’t-ibang paniniwala.

Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang


kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at
pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng
Pilipinas.

Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi


tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga
pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo,
Wika ko, at Wikang nating Lahat.

Maraming Salamat! Nawa’y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging

tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.


Ano nga ba ang wikang saliksik? Ito ay naglalayon na pagtibayin ang paggamit ng wikang pambansa
bilang daan para sa malalimang pag-aaral at pagsasaliksik. Ninanais din nitong pagigtingin ang
madalasang paggamit ng wikang Filipino sa anumang larangan ng karunungan ito man ay mapa-
matematika o agham.

Sa madalasang paggamit ng wikang sariling atin, mapapalaganap ang paggamit nito sa mga larangang
hindi lang saklaw ng edukasyon kundi pati na rin sa teknolohiya, syensya, at lahat ng uri ng pag-aaral.
Mapapanatili rin ang ugnayang kultural at akademiko sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino
bilang wikang pananaliksik.

You might also like