Ang Tsinelas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang
sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan
ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung
minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi
gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay
lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang
tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay
hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat,
kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring
silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
-Michelle Kate C. Bangculeta
http://tl.answers.com/Q/Magbigay_halimbawa_ng_anekdota
Anekdota sa buhay ni Jose Rizal

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang.
Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y
hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit kaya't
sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at
manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik
ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis
na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

Posted by Arnel B. Mahilom at Wednesday, September 01, 2010

Labels: Anekdota

You might also like