Antas NG Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ANTAS NG WIKA

Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang
antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay
lalawiganin, kolokyal at balbal.
Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal at ang Balbal
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko
o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas
komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na
usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga
panuntunang gramatikal.
2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang
mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng
mga
panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp.
Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang
gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.
Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika
na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito
upang maiakma sa paggamit.

Ang radyo ang nagsisilbing orasan ng marami sa ating mga kababayan lalo na sa mga nayon kaya
masasabing ito ay mahalaga din sa pagbibigay-hudyat.

1. Paghahatid ng musika – kadalasang nakikinig tayo lalo na kayong mga kabataan ng musika sa radyo,
lalo na nakabatay ito sa tinatawag nating “mood” kaya nga may iba’t ibang uri ng musika na inyong
pinapakinggan, gaya ng pop,rnb.rock,hip-hop at mga senti-love songs. (maaring maging daan ito upang
ang imahinasyon ng mga mag-aaral ay magsimulang mabuhay at magkaroon kayo ng masayang
talakayan
2. Paghahatid ng balita
3. Pagpapakilala ng mga produkto
4. Pagpapahatid ng mga panawagan
5. Paghahatid ng pulso ng bayan

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay
ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng
pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay
higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong

pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at

Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky: Magandang umaga partner!


Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na

hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay

Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga

politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !

Roel: Sinabi mo pa, partner!

Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?

Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang

publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng

gobyerno.

Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga

tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan!

Demanda dito, demanda doon!

Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t

dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil

sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan

sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil

magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang

mga corrupt na opisyal.

Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative

LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-

Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.

Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay


at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Halimbawa ng positibong pahayag:


Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at
matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Halimbawa ng negatibong pahayag:
Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito,
demanda doon!
Ang “Kwentuhang Midya” ay isang uri sulating nagsasaad ng opinyon sa paraang nakikipag-usap sa mga
mambabasa o conversational style (Maaaring maghanap ng iba pang sipi na may katulad na format na tumatalakay
sa mga isyung higit na napapanahon at may kaugnayan sa mga mag-aaral.)

KUWENTUHANG MEDIA

Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012

Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan


ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB
sa Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o
pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin


Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice president for communications; BizNews
Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio
ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando;
ex-Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de
Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at
kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na
paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay
ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa
gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang
bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin
nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the
Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well,
maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating
bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.

Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-


langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi
ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban
sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.

Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang
tinatawag na Konsepto ng Pananaw.
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang
ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang


pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon,


mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa
makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng
sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na
tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang
mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa


kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong
kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal
ang isang8:uri
GAWAIN ng kulturang kakaiba sa
RADYOMENTARYONG dating nakagisnan ng mga Pilipino.
MAKABAGO

PANTELEBISYON

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng
buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng
mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga
morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na
ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar,
sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin
ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng
mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong
pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner
Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa.

Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano
mo lilinangin ang iyong kakayahan?
Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang
mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na
buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng
isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan.

PROGRAMANG PANTELEBISYON

Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay makuha
ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyang impormasyon.
i-Witness (Documentary Program) - programang naglalayong maghatid ng komprehensibo at etratehikong
proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag-aaralan lamang sa
pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon.
Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyon
na nagpe-presinta ng iba’t ibang isyung napapanahon, may kaunting panayam at komentaryo.
Umagang Kayganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat nang live
tuwing umaga ang mga mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon.
TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong kaganapan o panyayari sa loob at labas ng bansa,
may mga ilang panayam din at komentaryo.
XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga mamamayan o maging daan sa pagpapahatid ng
tulong.
Weekend Getaway (Travel Show ) - naglalahad ng paglalakbay sa iba’t ibang bayan o bansa at pagpapakilala
sa mga produkto na matatagpuan dito.
Talentadong Pinoy (Variety Show) – nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at
pagpapalabas ng isang comedy skit.
Teen Gen (Youth Oriented Program) –nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay
ang kanilang buhay pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng eksena sa
pagpapahalagang pangkatauhan o moral values.

Halimbawa ng isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Sa Gitna ng Dilim”


ni MiL Adonis

Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa
pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na “Gamu- gamo
sa dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong
dapat ito’y pinahahalagahan.

Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga
Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga
landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang
kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking
naunang mga pangarap sa buhay.

Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming
pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap,
pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at
dapat paglaanan ng higit na atensyon.

Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking
kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-
gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.
Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi
nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong
humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking
isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga
tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa
gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang
nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining
na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at
mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-
edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang
mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.

DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG


DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM

*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin


*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
 Teknik sa Pakikipanayam
 Bago Magpanayam

2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Teknik sa Pakikipanayam
 Tagumpay sa Pakikipanayam

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM

*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
 Pagkatapos ng Panayam

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama.
Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng
dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng


bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong


dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang
padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)

kaya/kaya naman natuto


siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may


hinto
dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at
resulta)
natuto siya nang husto.

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may

hinto
nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)
natuto siya nang husto.

Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan.


Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa
pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-
ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa
tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang
padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan


nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos
ng
Layunin)
Nag-aaral siyang mabuti
upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)
matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon
upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa,
nakaturo sa resulta ang arrow.

Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)


nakatapos siya ng kaniyang kurso.

Nakatapos siya ng kaniyang (resulta + paraan)


kurso sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang


paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa


katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o
kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon +


bunga)

sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon +


bunga)

nag-aral kang mabuti,


matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kapag/ sa sandaling/ bastat


nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung
at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga
o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na maaaring
maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
Dokumentaryong
Pampelikula:
Midyum sa PagbabagonG
PAnlipunan
Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking
impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang kumbinsido
at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong
makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga
dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.

Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop culture”. Ito ay
tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyan ito man ay may
kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng
wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring konsepto, umusbong ang
Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at pamamaraan. Dahil na
rin sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng
kabataang tulad mo. Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media,
broadcast media at ang paksang iyong matututuhan ngayon, ang Dokumentaryong Pampelikula.
Pangunahing layunin ng Dokumentaryong Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat,
at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresiyong biswal na
nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan.

Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at paggamit


ng ICT o Information and Communication Technology upang lalo pang mapalaganap ang
ganitong mga akdang pampanitikan.

Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa

direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na

direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga

Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa

kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan

ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan.

Ang nasabing dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, BRILLANTE MENDOZA

kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang

kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang

bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang popular.

Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang “pinilakang-

tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na pinarangalan sa

CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors

Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster

Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza,

muling naitayo sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at

film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino.


Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging

limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula,

mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang mismong

kanilang “mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na

nakasulat sa wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay

ang pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. Lahat ng ito

ay isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan ang isa sa

pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig ang “Manoro” (The Teacher)

o “Manoro” (Ang Guro).

Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong


mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa.
http:/www.google.com.ph/
http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph

“ MANORO “ (Ang Guro)


(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
Hinalaw at Isinalin ni
Jet Oria Gellecanao

Mula sa: http://www.google.com.ph/ images

“ MANORO ” (Ang Guro)


Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula

Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng

“kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na


yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung

anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang

realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang

naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng

Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng

daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba

ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin

ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit

rito.

Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat

pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at

magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na

nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan.

Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong

Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t

ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang

“aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang

nakakatulad na dokumentaryo tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.

Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging

instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging

“wartime propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming

tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema Verite” ang salitang French na

nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na

pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula at

ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging

makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.

Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso
ang mga “Independent o Indie Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video
Advocacies” bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.
Mga Elemento ng Pelikula
a. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula.
Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
b. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
c.Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi
ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang
interes at amdamin ng manonood.

Iba pang mga Elemento

a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng


dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan
ang mga detalye ng palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang
kuwento sa telebisyon o pelikula.
d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga
eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang
hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil
may laang oras/panahon ang isang pelikula.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa malayo ay
kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng
buong pelikula o dokumentaryo.
2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit
ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may
ipakikitang isang maaksiyong detalye.
3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang
nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang
detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na
sa buong mukha.
5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa
mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa
ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na
bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at
mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.
8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang
detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong
kumakaripas ng takbo.
Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang Komunikatibong
Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan
nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng
kaniyang mga pananalita.

Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay


tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang
wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang
sumusunod na pangungusap.

a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin

1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)

2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pag-aalinlangan)

3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.”
(pagtanggi)

4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.”


(pagsang-ayon)

5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” (pagsalungat)

b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama

1. Pagbibigay-babala
“Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-babala)
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”

2. Panghihinayang
“Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”
“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”

3. Hindi Pagpayag
“ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”
“ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

You might also like