Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Modyul 3

Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


Aralin 1: Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbabahay-bahay, Pulong-bayan
Aralin 2: Komunikasyong Berbal at Di-Berbal
Aralin 3: Mga Ekspresyong Lokal, Mga Mungkahing Babasahin

Ang modyul na ito ay nagbibigay pokus sa mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino
na napapabilang sa aralin 1 ang tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-bahay, pulong-bayan,
matutunan sa araling ito kung ano ang ginagampanan nito sa kahalagahan ng wika sa
pakikipagkomunikasyon. Sa aralin 2, ito ay tungkol sa dalawang uri ng pakikipagkomunikasyon na ang
berbal at di-berbal, na kung saan malalaman natin dito ang kaibahan nito sa paggamit ng komunikasyon. Sa
panghuling aralin, ito ay ang mga ekspresyong local at kasunod ang mga mungkahing babasahin na maaaring
masusuri natin ito kaugnay sa talakayan.

Sa modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na maipamalas ang mga sumusunod:

1. naipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong


komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;
2. naisasaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya;
3. nakakagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na
akma sa iba’t ibang konteksto.
TALAS

Pangalan: ___________________________________________________ Baitang & Kurso: _______________


Guro: ________________________________________________________ Marka: __________________________

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali ang isinasaad ng pangungusap.
(NRX1)
1. Sa anyo ng komunikasyong di- berbal nahahati ang oras(chronemics) sa tatlong uri.
2. Ang Di-tuwirang ekspresyon ang pagpapahayag ng katotohanan kaya mayroon tayong
birong totoo, may halong hibla ng katotohanan at halos walang katotohanan pero
naghahamon o nang-uuyam o fishing
3. Proksimika ay gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa kapwa ay may
kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng mensahe tulad ng nag- uusap
na malapit ang distansya.
4. Mga dapat iwasan sa pulong ay bara-bara na pulong na walang sistema ang pulong. Ang lahat
ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.
5. Ang katangian ng mabuting pagtalakay ay kaisahan at pokus na ang dalubguro ang
tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa klase kung kaya’t marapat lamang na handa
siya sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa klase.
6. Ang Paralanguage ay tumutukoy sa linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
tulad ng intonasyon, bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
7. Sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang tsismis ay ang pambansang virus ng bansa.
8. Walang malaking papel ang pulong sa pagsasagawa ng regulasyon at batas na nais ipatupad
lalo na’t may direktang epekto ito sa mga mamamayan.
9. Mga dapat iwasan sa pulong ay pagtalakay sa napakaraming bagay hindi na nagiging epektibo
ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
10. Paghaplos (Haptics) ay karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi na maaaring
bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa paraan ng paghaplos nito tulad
ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay o pagbati.
ARALIN 1
Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbabahay-bahay, Pulong-bayan

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

TSISMISAN: Pakikipagkwento ng Buhay-buhay ng mga Kababayan


Gaya nga ng sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang tsismis ay ang pambansang
marijuana ng bansa. Parte na ito ng kulturang Pilipino. Bawat barangay ay mayroong isang grupo ng
mga tsismoso/a na nagkikita araw-araw para pag-usapan ang mga ‘balita’. Kadalasan naririnig ito sa
palengke, bakuran, tindahan at pinapasukan ng mga manggagawa ngunit kadalasan sa mga ito ay mga
housewife o di kaya mga middle-aged na walang magawa. Madalas na maririnig ang mga Pilipino na
magsabi ng “Tara magtsismisan tayo” o kaya “Ano ang bagong tsismis?”

Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas negatibo na
konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa Ingles na may katumbas na ‘gossip’. Ang gossiper ay
tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba samantalang ang
tsismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan-minsan lamang kung
magsabi ng katotohanan at kung totoo naman ang mga kwento ay madalas namang exaggerated.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismoso/a, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng iba.
Ang mali sa pagiging tsimoso/a ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit na naging
pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang
tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang madalas na
pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga
hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang
iba’t ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman sa pag-aaral.

Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis


Sa Kodigo Sibil sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na akto, bagamat hindi maituturing na
krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon o cause of action para sa mga danyos, pagtutol
at iba pang kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang kaibigan;
4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon, mababang
antas ng pamumuhay, luugar ng kapanganakan, pisikal na depekto at iba pang personal na
kondisyon.

Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353, ang Libelo na isang pampubliko
at malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan
o haka-haka, anumang kilos, pagkukulang, kondisyon katayuan o kalagayan na dahilang ng kasiraang-
puri, ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang masira ang alaala ng isang namayapa na (Salin
mula sa Article 353, RPC).

Sa barangay, may karampatang multa ang bawat tsismis. 300, 500 at 1000 sa una, ikalawa at
ikatlong paglabag na may kaakibat na community service.

UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Malapitang Salamuhaan


Ang umpukan ay tumutukoy sa isang maliit na grupo ng taong nag-uusap hinggil sa mga usaping
ang bawat kasapi ay may interes sa pag-uusapan na maaaring may kabuluhan sa kani- kanilang personal
na buhay, katangian, karanasan o kaganapan sa lipunan.
Mapapansin sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere, inilarawan ang maraming umpukang naganap
sa pagitan ng mga panauhin tulad ng asal ng katutubong Pilipino, monopolya ng tabako, kapangyarihan
ng Kapitan Heneral at marami pang iba.
Hindi maitatatwa na impormal ang naturang umpukan sapagkat malayang nakapagpapahayag
ng kani-kanilang sloobin ang bawat kasapi. Ito ay maaaring maganap sa kalye tulad ng mga tumatambay
sa tabi ng kalsada, sa tindahan o kahit sa harap lamang ng bahay. Maaari rin itong makita sa trabahong
pinapasukan na kalimitang paksa ay tungkol sa sahod, polisiya, pamumuno at promosyon.

TALAKAYAN: Masinsinang Talaban ng Kaalaman


Ang talakayan ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng ideya o kaisipan para sa isang
nararapat o mahalagang desisyon. Mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa naturang gawain kung
kaya’y higit na pormal ang gawaing ito kumpara sa umpukan.
Ito ay kadalsang nararanasan sa loob ng isang klase dahil ditto nagkakaroon ng puwang o
pagkakataong maipahayag ng mga mag-aaral na maibahagi ang kai-kanilang saloobin o natutunan sa
naturang paksa sa loob ng isang oras na kaakibat ang tulong ng dalubguro sa naturang aralin upang
tulungan sa pagpapaliwanag ang mga mag-aaral.
Sa talakayan hindi maiiwasan ang pagkabagot ng bawat isa lalo na’t purong guro ang nagsasalita
sa harapan kung kaya narito ang katangian ng mabuting pagtalakay.
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa pagtanong at pagsagot sa mga
katanungan na walang pangamba.
2. Hindi Palaban. Minsan nagkakaroon ng kainitan ang talakayan kung kaya hindi dapat
dumating sap unto na ang respeto sa loob ng klase ay mawala bagkus ipahayag ito nang
maayos at sa paraang mahinahon na may wastong paggalang.
3. Baryasyon ng Ideya. Magkaroon ng pagkakaiba-iba ng ideya na maaaring maging
instrumento ng mas mainam pang pakahulugan na nakabatay sa mga sagot ng bawat isa.
4. Kaisahan at Pokus. Ang dalubguro ang tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa klase
kung kaya’t marapat lamang na handa siya sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa klase.

PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapwa sa kanayang Tahana’t Kaligiran


Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang indibidwal patungo sa dalawa o higt pang
maraming bahay upang maisakatuparan ang naturang mithiin tulad ng pangungumusta, pakikiramay,
paghingi ng pabor para sa proyekto at marami pang iba. Makalipunan ang gawaing ito dahil tuwirang
nakikipag-usap ang isang tao.
Ang pagbabahay-bahay ay tradisyong nagpamalas ng mabuting pagpapakilala at pagtanggap ng
mga panauhin na pinatutunayan sa mahahalagang okasyon sa buhay ng tao tulad ng pista, pasko, araw
ng mga poatay at kaluluwa at kaarawan.
Sa kabilang dako, ang ebolusyon ng tradisyon ng pagbabahay-bahay ay nagpapakita na ang
dating makalipunang konsepto ay nagiging di-makalipunan dahil nawala na ang personal na
pakikipagtalakayan.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon dito dahil na rin sa layuning maraming bahay
ang kakailanganing mapuntahan sa loob ng isang araw ngunit ang iba nama’y pinahahalagahan ang
kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong pinupuntahan.

PULONG BAYAN: Marubdob na Usapang Pampamayanan


Karaniwan itong isinasagawa sa isang partikular na grupo bilang isang konsultasyon sa bawat
kasapi at paghahanda sa darating na okasyon o aktibidad. Lider ang nangunguna sa naturang pulong
upang pangasiwaan ang maayos na daloy ng pagpupulong tulad ng pagbibigay ng suhestiyon, mungkahi
o opinyon.
Malaki ang papel ng pulong sa pagsasagawa ng regulasyon at batas na nais ipatupad lalo na’t
may direktang epekto ito sa mga mamamayan. Bahagi ng proseso ng regulasyon ang konsultasyon sa
tao o publiko at inbalido ang anumang batas na maaprubahan kung walang isinagawang pagsangguni
sa mga mambabatas.

Mga Dapat Iwasan Sa Pulong


1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksaang
pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.
2. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksaang
pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.
3. Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya
nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.
4. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami
ngagenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema
ngorganisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at walang kabuluhang bagay para
maiwasan ang tunay na problema.
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala
atpagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas” manalig ka sa Allah, palaging
alalahanin ang kasabihan: “may Makita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may
Makita ka na isda na wala naman sa dagat”.
7. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan
kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga
usyoso na nanonood, nakikinig o nakikisali, magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan,
dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras –tulad
halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawa.
9. Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao
ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya’t dito nagkakasamaan ng loob ang mga
tao sa pulong.
TALAKAY

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________


Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________

Panuto: Paghambingin ang mga sumusunod na konsepto. Magbigay ng ilustrasyon hinggil sa


mga konsepto.

1. Tsismisan at Umpukan (15 pts)

Tsismisan Umpukan

Ilustrasyon

2. Pulong Bayan at Talakayan (15 pts)

Pulong Bayan Talakayan

Ilustrasyon

You might also like