ESP Quiz

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ESP Long Quiz

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon
sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan c. pamahalaan
b. pamilya d. barangay

2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag


ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.

b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.

c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang


magpakasal at magsama nang habambuhay.

d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa


kapwa.
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free
giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang
pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon
sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng
karagdagang baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t
inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya
ganoon din sa lipunan.

b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.

c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa
lipunan.

d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.

5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa


sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?

a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.

b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging
pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa
kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na
gagabay sa mga bata.
6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. mga patakaran sa pamilya
7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa
lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang
ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag

b. May disiplina ang bawat isa

c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos

d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy
na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng
pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng
tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.

9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?

a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong


pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang
makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng
bawat isa.

10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano
ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa
tao.
b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang
kinabibilangan

You might also like