Esp 8
Esp 8
Esp 8
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
DOÑA BASILIA S. QUILON MEMORIAL HIGH SCHOOL
Bagong Sirang Pili Cam Sur
TEST I.Panuto: Kilalanin ang salita o grupo ng salita na tinutukoy ng mga pangungusap.Isulat ang sagot sa
patlang.
______________________13.
______________________15.
TEST II.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan c. pamahalan b. pamilya d. barangay
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at
magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman
ang maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang
baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila
ng mabuti ang kanilang mga anak.
4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din
sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung ano ang pamilya siya din ang lipunan.
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang magiging pakikitungo
nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga
bata.
6. Alin sa mga sumusunod ang una at pinikapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang b. Pagkakaroon ng mga anak
c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan d. mga patakaran sa pamilya
7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang samasama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos d. Hindi nagkakaroon ng alitan
kailanman
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon
ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa
kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito
sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa d.
Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilanga
11. Ang karapatan para sa_______ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan
12. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a.Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan.
b. dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaralan.
c. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
13. ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa
a. pagtitiwala c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. pagtataglay ng karunungan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
14. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
b.pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng
pamilya.
c. paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
d. pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa paghara sa hamon at pagtulong ng mga ito
upang ito ay maisakatuparan.
TEST III.Basahin ang mga pahayag sa ibaba at sabihin kung ito ay TAMA o MALI.Isulat ang sagot sa patlang.
________1. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal.
________2. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan ang magpapatibaybsa isang pamilya.
________3. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
________4. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa kanyang kontribusyono nagagawa sa
pamilya.
________5. Ang miyembro ng isang pamilya ay maaaring palitan kung hindi niya magampanan nang
maayos ang kaniyang pananagutan.
________6. Kung walang pagmamamhal, ang pamilya ay hindi matatawag na pamayanan ng mga tao.
________7. Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng kanyang pagmamahal.
________8. Tatalikuran ng mundo ang isang tao dahil sa kaniyang pagkakasala ngunit mananatiling
nakaalalay at naniniwala sa kaniya ang kaniyang pamilya.
________9. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
________10. Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng
kalayaan sa mga material na bagay.