Esp 8 Exam

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO ORIENTAL
NANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Nangan, Governor Generoso, Davao Oriental
Pangalan: _______________________ Baitang/Seksyon:__________________ SCORE:_________
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ang titik ng
iyong sagot.

1. Ang paghahanda sa mga bata sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit ang tunay na tunguhin ng tao
ay tungkulin ng:
a. pamahalan b. simbahan c. paaralan d. pamilya
2. Ang institusyong ito ang nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos.
a. paaralan b.pamayanan c. simbahan d. pagamutan
3. Kadalasang sanhi ng di pagkakaunawaqan sa pamilya ang __________.
a. kawalan ng pera c. kapabayaan ng ina
b. kapabayaan ng ama d. kawalan ng komunikasyon
4. Blood is thicker than water. Ang kasabihang ito ay nangangahulugan na
a. Mas malapot ang dugo sa tubig
b. Kapag puso ang pumili, mas higit ang kasintahan
c. Mas matimbang ang kamag-anak kaysa sa ibang tao
d. Kampihan ang kaibigan kaysa kapamilya
5. Ang pagpasok sa kwarto ng magulang o kapatid nang hindi kumakatok ay pagpapakita ng:
a. Pagmamahal b. kawalan ng paggalang c. disiplina d. malasakit
6. Kapag pinapayuhan ako ng aking magulang, ako ay __________________.
a. nakikinig at tumatalima c. nagbibingi-bingihan
b. hindi kumikibo d.nagagalit
7. Sa ating kultura, pinapahalagahan ang pagsagot ng “po” at “opo” bilang tanda ng:
a. pagsangguni b. tagumpay c.pagguho d. paggalang
8. Ang sinasabing nagbibigay ng ligaya sa mga magulang ay ang _______.
a. anak b. pera c. kotse d. bahay
9. Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay:
a. buo at matatag c.magkakapareho ang paraan ng pagsamba
b. palaging alam ang tama at mali d. hindi magkakaroon ng alitan kailanman
10. Ang mga sumusunod ay katangian ng kasal maliban sa isa.
a. iisa b. permanente c. kusang loob d. engrande
11. Ang mga sumusunod ay dapat maramdaman o matutunan ng isang tao sa loob ng pamilya maliban sa isa.
a. pagbibigay b. pagtanggap c. paggalang d. pagiging makaako
12. Ang itinutuirng na Haligi ng tahanan ay ang ______.
a. ina b. ama c. ate d. kuya
13. Ang mga sumusunod ay institusyon sa pamayanan, maliban sa:
a. kapitbahay b. pamilya c. paaralan d. simbahan
14. Ang sinasabing ilaw ng tahanan ay ang _____.
a. Ina b. ama c. ate d. kuya
15. Sentro ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na lumilinang sa iba’t ibang aspeto ng paglaki
ng isang bata.
a. simbahan b. paaralan c. pamahalaan d. pamilya
16. Ang mga sumusunod na paraan ay nagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya, maliban sa:
a. pagiging mahinahon c. matapat na pagpuna
b. pagsasawalang kibo d. pagpuri
17. Charity begins at home. Ito ay nangangahulugan na
a. Si Charity ay nabuo sa kanilang tahanan. c. Sa tahanan nagsisimula ang pagtulong.
b. Sa pamilya nanggaling ang unawaan. d. Kung ano ang ipinapakita sa bahay, yun din ang
ipinapakita sa ibang tao.
18. Ang bawat karapatan ng tao ay may katumbas na _______.
a. Kalayaan b. kahalagahan c. kabayaran d. pananagutan
19. Ang anak ay regalong buhat sa langit. Nangangahulugan ito na _________.
a. Palakihin ang anak sa ginhawa
b. Huwag pagalitan ang mga anak
c. Ingatan ang buhay at kinabukasan ng anak
d. Parating lagyan ng ribbon ang anak
20. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karaptan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karaptan
ng magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sag a bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawiang tutularan ng mga bata.
21. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghiram
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang
mayroon siya.
22. Ang pagkakaroon ng kakayahan ng anak sa mabuting pagpapasiya ay bunga ng:
a. kagalingan ng bata
b. karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang
c. husay sa pakikipagtalastasan
d. pagiging sunud-sunuran ng bata sa magulang
23. Biblia ang tawag ng mga Kristiyano sa Banal na Aklat, Qu’ran naman ito sa mga:
a. Amerikano b. Muslim c. Negro d. Palawenyo
24. Ang bunga ng maling pagpili ay:
a. pagkasuklam b. pagkainis c. pagsisisi d. pag-aalala
25. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung:
a. mararanasan sa pang-araw-araw na buhay c. mapapakinggan araw-araw
b. maibahagi sa iba d. ipaparanas sa mga kapitbahay
26. Ayaw ni Mark na masaktan ang kaibigang si Jennelyn kaya mas pinili na lamang niya na huwag sabihin ang
narinig na pag-uusap ng ilan sa kanilang mga kamag-aral tungkol sa kaniyang pag-uugali.
a. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Mali o magkaibang pananaw
c. Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin
d. Pagiging umid o walang kibo
27. Madalas na magkaroon ng alitan ang magkapatid na Alden at Maine, hindi nila pinakikinggan ang saloobin ng
bawat isa dahil sa magkasalungat nilang paniniwala.
a. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Mali o magkaibang pananaw
c. Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin
d. Pagiging umid o walang kibo
28. Sa pagiging abala ng mag-asawang Manny at Jane ay di na nila nabibigyang pansin ang kanilang anak na si
Jullian kung kaya lumaki itong malayo ang loob at tahimik.
a. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Mali o magkaibang pananaw
c. Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin
d. Pagiging umid o walang kibo
29. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang:
a. Karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-araw-araw.
b. Pagpapalaki ng pamilya upang umunlad ang lipunan.
c. Pagpapaunlad sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapaaral sa kanila
d. Pakikipagkaisa sa lahat ng mga proyekto ng pamahalaan
30. Ang ibinubunga ng labis na makapamilya ay:
a. Pagkakawatak-watak at pagkakaniya-kaniya
b. Nagiging sanhi ng political dynasty
c. Paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya
d. Lahat ng nabanggit
Inihanda ni: Bb. CHRISTINE MAE DEL ROSARIO
Good luck and GOD bless 

You might also like