Bonifacio
Bonifacio
Bonifacio
I. INTRODUKSYON
Hango sa tunay na buhay ng maging na
ama ng himagsikan na si Andres
Bonifacio.Ngunit ano nga ba talaga ang
tunay na naganap sa kanyang buhay?
II. PAMAGAT
Literal-Si Andres Bonifacio ang unang
pangulo ng bansang Pilipinas.
Konotasyon-Si Andres Bonifacio ang
tunay na dapat na naging unang pangulo
ng Pilipinas kung hindi lamang sya trinaydor
ni Emilio Aguinaldo.
III. MAY AKDA/AWTOR
Ginugol ni Enzo Williams ang kanyang pagkabata tuwing linggo ng
IV. BUOD
Nag simula ang kwento nang ang tatlong paring martir ay
pinapatay ng mga Espanyol, ang mga paring ito ay sina “Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora” ang
tinatawag na (GomBurZa).Sila ay binitay sa pamamagitan
ng.Garote na nag bukas din sa mga diwa ng Pilipino.
Aktibo si Bonifacio sa kilusang makabayan. Nang itatag ang
kilusang propaganda madali niyang naunawan ang mga layunin
nito. Si Bonifacio ay sumapi sa samahan ng mga mason at
pagkaraan ay sa La Liga Filipina. Nang mamatay ang Liga, naisip ni
Bonifacio na hindi reporma kundi rebolusyon ang makakabagong
kalagayan ng Pilipinas. Nang ipapatay si Jose Rizal gumising ang
mga diwa ng mga Pilipino na labanan ang mga Espanyol.
Isang gabi nagpulong sina Bonifacio at iba pang makabayang
Pilipino para itaga ang isang lihim na samahan. Ang samahang ito
ay tinawag na (kkk) “Kataastaasang Kagalanggalangan na
Katipunan ng mga anak ng bayan” o Katipunan. Layunin ng
katipunan na maghimagsik laban sa Espanyol at palayain ang
Pilipinas. Si Bonifacio ang naging Supremo ng samahan.
Nakilala ni Bonifacio si Gregoria de Jesus. Niligawan niya si Gregoria
at di nag tagal ay nag pakasal sila sa simbahan ng Binondo.
Sumapi si Gregoria sa samahan noon din. Siya ang nangalaga sa
dokumento, baril, at iba pang mahahalagang kagamitan ng
katipunan. Siya ay tinatawag na “Lakambini ng Bayan”.
Natuklasan ng mga Espanyol ang katipunan, kaya tumakas sina
Bonifacio at iba pang kasamahan.
Sila ay nagtipon sa pugad lawin, hawak ni Bonifacio ang kanyang
sedula at sinabing: “Ilabas ang inyong mga sedula at pagpunit-
punitin upang ipakilalang nakatalaga tayong maghimagsik”.
Sumunod ang lahat kay Bonifacio, Pagkatapos ay sabay sabay
silang humiyaw ng: “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang
Katipunan!”. Umatras sila dahil malakas ang kanilang mga
kalaban, pero kahit nabigo sila,mabilis namang kumalat ang
rebolusyon sa mga ibang lugar.
Sumapi si Emilio Aguinaldo sa katipunan, siya ang namuno sa
Cavite.Sumikat si Aguinaldo dahil lahat ng laban ng kanyang
hukbo ay nananalo. Dito nagsimula ang di-pagkakasundo ng mga
katipunero sa Cavite. Nahati sa dalawang pangkat ang: pangkat
Magdiwang at pangkat Magdalo.
Nagdaos ng kumbensiyon sa Tejeros,Cavite ang dalawang
pangkat ng mga katipunero. Bilang Supremo ng katipunan, si
Bonifacio ay tumayong tagapangulo sa kumbensiyon. Nagkaisa
silang lahat na igagalang ng anumang mapag kasunduan sa
kumbensiyon.itinatatag muna nila ang republika ng pilipinas at
pagkaraan ay dumaos na sila sa halalan. Nahalal na pangulo ng
bansa si Aguinaldo kahit wala siya sa kumbensiyong iyon. Pero ng
mahalal na Direktor ng Panloob si Bonifacio, isang magdalo ang
tumutol, ito ay si Daniel Tirona. Sabi ni Tirona na “hindi dapat
maging direktor ng panloob si Bonifacio dahil hindi nakatapos ng
abogasya at mas mataas ang napag-aralan at mas may kaya
daw si Jose del Rosario na dapat na nahalal. Ito ay ikinagalit ni
Bonifacio, bilang Supremo ng katipunan ang kumbensiyong ito ay
ipinawawalang bisa, at ang kanyang grupo ay umalis.
Sa isang pulo sa Naic, nag tatag ng hiwalay na pamahalaan si
Andres Bonifacio. Para kay Aguinaldo, malaking panganib sa
pamumuno niya ang ginawa ni Bonifacio kaya inutos niya na huliin
ang mag kapatid na Bonifacio. Nilitis ang magkapatid na Procopio
at Andres sa salang pagtataksil sa bayan sa pagtangkang ibagsak
ang pamahalan. Mga tauhan ni Aguinaldo ang bumuo sa
konsehong lumitis sa magkapatid. Pagkaraan ng isang araw na
paglilitis napatunayan na ang magkapatid ay nagkasala kaya
hinatulan ito ng kamatayan ni Aguinaldo.Sila ay pinatay sa Bundok
Buntis na malapit sa Maragondon, Cavite. Hanggang ngayon ay
hindi pa nakikita ang bangkay ng magkapatid.
VII. MENSAHE
Ibig lamang nitong iparating na mali ang nasa kasaysayan ng
pilipinas na si Bonifacio ang nag traydor ngunit hindi naman pala
iyon totoo.Ipinakita rito ang kadakilaang nagawa ni Bonifacio at6
ang panget na ugali ng mga pilino noon pa man ang
mapanghusga at traydor.
VIII. APLIKASYON SA REALIDAD
Wag kang basta basta magtitiwala sa mga taong nakapaligid sayo
dahil hindi mo alam kung anong pwede nilang gawin sayo kaya't
tayo ay dapat na magiging mabusisi.
IX. BIOBLIOGRAPHY
https://www.imdb.com/name/nm4909944/
https://www.youtube.com/watch?v=RkjMPoLIfmc