Aralin 6 PANUKALANG PROYEKTO DRAFT REGALA

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Aralin 6

Panukalang Proyekto

I. Lagom-Pananaw

Ang Aralin 6 ay tatalakay sa gamit at kahalagahan ng panukalang proyekto na layunin


na makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong mabigyan ng
resolba ang mga prolema at suliranin.

II. Layunin

 Matutunang ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
 Makagawa ng detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawain.
 Makapaglutas ng problema o suliranin at makahikayat ng positibong tugon mula sa
pinag-uukulan ng panukalang proyekto.

III. Panimulang Pagsusulit

Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay nakasulat na mungkahi na inihaharap sa mga taong makakatulong
sa pagpapatupad.
2. Dalawang katangiang dapat tandaan sa paggawa ng panukalang
proyekto.
3. Dito nakasaad ang suliranin, layunin at kung bakit ito isang
pangangailangan.
4. Ito ay kakulangan na nais makamit sa hinaharap.
5. Tumutukoy sa pangangailangang nais tugunan.
6. Bagay na nais makamit.
7. Talaan ng gastusin upang makamit ang layunin.
8. Detalyadong pagsasalarawan ng mga gagawing may kinalaman sa
panukalang proyekto.
9. Naglalahad ng kapakinabangan na dulot ng proyekto.
10. Binubuo ito ng plano ng mga dapat gawub at ang panukang badyet

A. Katawan F. Plano ng Dapat Gawin


B. Konklusyon G. Badyet
C. Panimula H. Mahalaga at Madaling
D. Layunin Makamit
E. Pahayag na Suliranin I. Panukalang Proyekto
J. Pangangailangan
IV. TUKLASIN NATIN

Kung ikaw ay gagawa ng panukalang proyekto paano mo maiaaplay ang tatlong katangian
nito? Isulat ang bawat tugon isa-isa sa katangian nito sa tabi ng salita.

Malinaw:

Maikli:

Direkta sa Punto:

V. Linangin Natin

PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kay D. Phil Bartle


Ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa
isang komunidad o samahan.Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o sa samahang paguukulan nito na siyang tatatanggap at
magpapatibay nito.

Ayon kay Besim Nebiu


Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing Gawain
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.Ang paggawa nito ay nangangailangan
ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang
maging tapat na dokumento na ang layunin ay makalikha ng positibong pagbabago.

Ayon kay Bartle- kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong


pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon,
pagyayabang, o panlilinlang sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.

1. Anu-ano ang mga bahagi nito?

Panimula • dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o
motibasyon.
Katawan • dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang
iminumungkahing badyet para sa mga ito

Kongklusyon • dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto

Anu-ano naman ang mga espesipikong laman ng panukalang proyekto?

1 PAMAGAT • dapat na malinaw at maikli Halimbawa: “Panukala para sa TULAAN


2016 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”

2 PROPONENT NG PROYEKTO • tumutukoy sa tao o organisasyong


nagmumungkahi ng proyekto isinusulat dito ang adres, e-mail, cell phone o telepono,
at lagda ng tao o organisasyon

3 KATEGORYA NG PROYEKTO • Ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya,


palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?

4 PETSA • Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon
upang maisakatuparan ang proyekto?

5 RASYONAL • ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng


proyekto at kung ano ang kahalagahan nito

6 DESKRIPSYON NG PROYEKTO • - isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin •


- nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at
ang inaasahang haba ng panahon

7 BADYET • itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto


ng proyekto

8 PAKINABANG • Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan


nito-sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?

VI. Subukin Mo!


Magsaliksik ng isang PANUKALANG PROYEKTO siyasatin maige at sagutin ang
mga sumusunod sa ibaba. Maghandang ipresenta ito sa klase.

1. Ano ang nais ipahatid/ipahiwatig ng may akda?


2. Nagawa bang malinaw ng may akda?
3. Mahusay ba ang pagkakagawa nito na talagang naiparating ng maayos o wasto ang
panukala? Ipaliwanag.
4. Ibigay ang sariling kritisismo sa panukalang proyekto.
VII. Kayang-kaya Mo To!

VIII. Sanib-Puwersa Tayo!


Gamit ang brainstorming gumawa ng talaan ng mga naisip ninyong mga panukalang
proyekto at piliin nyo ang pinakamaganda at ipresenta ito sa klase kung paano ito
makakatulong sa pamayanan o komunidad.

IX. Palalimin pa Natin!


Matapos ang talakayin ay handa na kayong gumawa ng sarili ninyong panukalang proyekto.
Gumawa ng isang panukalang proyekto na makakatulong lalo na sa kapakinabangan ng
kapwa estudyante sa bansa. Pagkatapos makipagpalitan sa ibang kaklase at ipasuri ito.
Rubriks sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Napakagaling (10) Magaling (8) Katamtaman (6) Nangangailangan ng


pagsasanay (4)
Napakadirekta at Malaman at Bahagyang may laman Mababaw at literal ang
makahulugan ang makahulugan ang ang kabuuan ng kabuuan ng panukala.
kabuuan ng panukala kabuuan ng panukala. panukala.

Gumamit ng mga Gumamit ng ilang Gumamit ng kaunting Wala ni isang


pangyayaring pangyayaring pangyayari at pagtatangkang ginawa
nagaganap sa nagaganap sa nakakalito sa mga upang makagamit ng
pamayanan at pamayanan bahagyang mambabasa. pangyayari sa
komunidad na nagpaisip sa mga pamayanan at
nakapagpaisip sa mga mambabasa. komunidad.
mambabasa.
Gumamit ng May mga suliranin May pagtatangkang Walang suliranin kung
napakahusay at angkop ngunit may bahagyang gumamit suliranin may naisulat man.
na angkop na suliranin. inkonsistensi. ngunit halos
inkonsistent lahat.

Napakadirekta at Direkta at malinaw ang Bahagyang direkta at di Mababaw at literal ang


malinaw ang kabuuan kabuuan ng panukala. masyado malinaw ang kabuuan ng panukala.
ng panukala. kabuuan ng panukala.
X. Palalimin pa Natin!
References:
https://www.coursehero.com/file/25423386/FILIPINOdocx/
https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11panukalang-proyekto
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/paghahanda-ng-isang-simpleng-
panukalang-proyekto.pdf
https://www.cram.com/flashcards/aralin-11-pagsulat-ng-panukalang-proyekto-9219133

You might also like