Mga Layunin
Mga Layunin
Mga Layunin
Ang POKUS NG PANDIWA ay isang relasyong pansemantika sa paksa o simuno sa pangungusap. Ito ay
naipapakita sa pamamagitan ng taglay na PANLAPI ng pandiwa.
1. POKUS SA AKTOR O TAGAGANAP- ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na “sino?”. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay mag-,
um-, mang-, ma-, nag-, maka-, makapag-, maki-, at magpa-.
HALIMBAWA:
*Naglunsad ng programa ang mga kabataan. (mga kabataan ang tagaganap ng kilos ng pandiwang
naglunsad sa pangungusap)
2. POKUS SA LAYON O GOL- ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na “ano”?. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay -in-, -i-, -ipa-, ma-, at -an.
HALIMBAWA:
*Ginawa niya ang programang ito para sa ikakaunlad ng ating turismo. (ang programa ang layon o gol
ng pandiwang ginawa sa pangungusap)
3. POKUS SA LOKATIB O GANAPAN- ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Ito
ay sumasagot sa tanong na “saan”?. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay pag-, -an, -han, ma-, pang-,
at mapag-.
HALIMBAWA:
*Pinagtaniman namin ang likod-bahay ng mga gulay. (ang likod-bahay ang ganapan ng pandiwang
pinagtaniman sa pangungusap)
4. POKUS SA BENEPAKTIB O TAGATANGGAP- ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa. Ito ay
sumasagot sa tanong na “para kanino”?. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay i-, -in, ipang-, at ipag-.
HALIMBAWA:
*Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen. (ang Mahal na Birhen ang tagatanggap ng pandiwang
ibinili sa pangungusap)
5. POKUS SA INSTRUMENTAL O GAMIT- ang paksa ang kasangkapan o bagy na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano”?. Ang mga
panlaping maaaring gamitin ay ipang-, at maipang-.
HALIMBAWA:
*Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa. (ang basahan ang gamit o instrumentong upang
maisagawa ang kilos)
6. POKUS SA KOSATIB O SANHI- ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa. Ito ay
sumasagot sa tanong na “bakit”?. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay i-, ika-, ikina-, at ikapang-.