Alamat Iba't Ibang Paraan NG Pagtatanong
Alamat Iba't Ibang Paraan NG Pagtatanong
Alamat Iba't Ibang Paraan NG Pagtatanong
Sa ganitong uri, isang panghalip lamang ang inilalagay sa unahan ng tanong maliban kung pinaguugnay ng at ang dalawang pananong. Mga halimbawa: Tanong 1: Sino ang pinarusahan ng ano? Sagot : a.) Pinarusahan ng langit ang lalaking balo. b.) Ang langit ang nagparusa sa lalaking balo. a.) Lumaganap ang mga alamat sa ating bansa dahil sa mga dayuhan. b.) Nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ang mga alamat kaya nanatili ang mga ito hanggang sa kasalukuyan. Tanong 3. Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat at paano? Sagot: Tayong mga Pilipino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat sa pamamaigitan ng pagtangkilik dito.= Maaari namang paghiwalayin sa isang serye ng tanong ang mga naunang halimbawa tulad nito: Sino ang pinarusahan ng langit? Ano ang ginawang parusa sa lalaking balo? Bakit mayroon tayong mga alamat ngayon? Paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa? Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat? Paano natin pahahalagahan ang ating mga alamat?
Tanong 2: Bakit at paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa? Sagot:
2. Mga magalang na tanong na nangangahulugan ng pakiusap. Mga halimbawa: Puwedeng magtanong? / Puwede po bang magtanong? Posible (po) kayang bigyan ako ng pagkakataong makasali sa usapan? Maaari (po) bang mahingi ang inyong opinyon tungkol sa paksang pinag-uusapan? 3. Mga tanong na panagot sa pangungusap at nagpapahiwatig ng ibat ibang layunin. Hindi nangangailangan ng sagot ang mga pangungusap, tulad ng tanong. Ngunit sa isang usapan, karaniwang inaasahan ang pagbibigay ng reaksyon sa maraming pangungusap upang maipakita sa nagsasalita ang interes at pagsang-ayon o pagtutol, o para maipakita lamang na nakikinig sa nagsasalita. Isang uri ng reaksyon ang pagtatanong, at kapag ginawa ito, matitiyak lamang na may natatanging layunin ang tanong gaya ng sumusunod: Mga tanong na signal o hudyat ng atensyon at interes sa sinasabi ng kausap. May kasama itong intonasyon na naghahayag ng interes. Mayaman pala tayo sa mga alamat. Oo, marami na akong nabasang alamat. makapaniwala) May paligsahan daw sa pagsulat ng alamat. Totoo ba? (naniniyak) Talaga? (naninigurado) Ow? (parang di
Mga tanong na humihingi pa ng ibang impormasyon mula sa kausap. Pinaiikli rin ang ganitong tanong. Pupunta ako sa library. Manghihiram ako ng libro. Basahin mo ito. Bakit? Kailan (ka pupunta sa library)? Anong libro (ang hihiramin mo)? Bakit (ko iyan babasahin)?