Anti - Violence Againts Women

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI – Western Visayas
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
HIMAMAYLAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Himamaylan City, Negros Occidental

LESSON PLAN – GRADE 10 ARALING PANLIPUNAN

I.LAYUNIN :

1. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng Anti – Violence against Women and


their Children Act.
2. Naipapakita ang konsepto ng Anti – Violence Against Women and their
Children Act sa pamamagitan ng malikhaing gawain.
3. Napahahalagahan ang proteksyong ibinibigay at kabutihang dulot ng
pagsasabatas ng Anti – Violence against Women and their Children Act.

II. NILALAMAN :
A. Paksa : Anti – Violence against Women and their Children Act
B. BalyoPokus :
C. Sanggunian : LM pp. 319
D. Kagamitan : PowerPoint presentation at learning modyul

III. PAMAMARAAN :

A. PANIMULANG GAWAIN :

1. Balik- aral:
 Ano ang CEDAW?
 Paano nakatulong ang CEDAW sa pagtugon ng mga karahasang
nararanasan ng mga kababaihan sa lipunan?

2. Pagganyak:
(PICTURE ANALYSIS)

PANUTO:
Suriin ng mabuti ang mga larawan na ipapakita at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Ano ang ipinapakita ng larawan?
2. Ano ang opinyon at saloobin mo sa karahasang nararanasan ng ilang
kababaihan?

B. PAGLINANG NG ARALIN:

1. GAWAIN 1: (Pangkatang Gawain)


Panuto:
- Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat
- Bawat pangkat ay pipili ng lider.
- Bibigyan lamang ng pitong minuto para gawin ang Gawain at tatlong minuto
naman para sa pag – uulat o presentasyon.
- Ang bawat pangkat ay mamatanggap ng ibat ibang gawain.
- Ipaliwanag ang Anti-VAWC sa pamamagitan ng mga sumusunod;

Pangkat 1: News Casting


Pangkat 2: Radio Drama
Pangkat 3: Sayaw
Pangkat 4: Narration

Pamantayan sa Paggawa ng Pangkatang Gawain

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


1. Nilalaman 10
2. Presentasyon 8
3. Partisipasyon 7
25

IV. PAGSUSURI :

1. Ipaliwanag kung ano ang Anti – Violence Against Women and their Children
Act.
2. Sino – sino ang binibigyang proteksyon ng batas na ito?
3. Sa iyong palagay, bakit binalangkas ang ganitong uri ng batas?
4. Paano nakatulong ang pagsasabatas ng Anti – Violence Against Women and
their Children Act sa karahasang nararanasan ng mga kababaihan sa ating
lipunan?

V. ABSTRAKSYON:
1. Batay sa impormasyong inilahad, tungkol saan ang Anti – Violence Against
Women and Their Children Act?
2. Paano nakatulong ang pagsasabatas ng Anti – Violence Against Women and
their Children Act sa karahasang nararanasan ng mga kababaihan sa ating
lipunan?
VI. APLIKASYON :
1. Bilang mag – aaral, paano mo mapapahalagahan ang proteksyong
ibinibigay at kabutihang dulot ng pagsasabatas ng Anti – Violence against
Women and their Children Act?
2.Bilang mag – aaral, paano ka makakatulong na maipaatid at mapairal
ang batas na ito?
3. Sa kasalukuyan, paano mo matutugunan ang mga isyu ng karahasan sa
mga kababaihan sa lipunan? Ano – anong mga paraan upang ito’y
masulusyunan?

VII. EBALWASYON :
PANUTO :Basahin ang bawat isteytment sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

Test I.
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Ano ang Anti – Violence Against Women and their Children Act?

TEST II:
Panuto: Gumawa ng slogan na nagpapakita ng pagtugon sa mga
karahasang nararanasan ng mga kababaihan sa lipunan.

You might also like