Pananaliksik Sa Facebook

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

EPEKTO NG PAGGAMIT NG FACEBOOK


SA MGA MAG-AARAL NG
ACCESS COMPUTER COLLEGE – CAMARIN CAMPUS

Isang Pananaliksik na Iniharap para kay


Bb. Mariella Z. Peñones

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan Tungo sa Pananaliksik nina:

Severo Jr. A. Delos Reyes


Ayman U. Dimaypung
Christian Jayson L. Bajaro
Beverly Bati-on
Angelica N. Funelas
Rochelle C. Galamay
Ma. Elloisa M. Laput
Rose E. Tariga

TAONG 2018

1
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA
Ang Facebook ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites sa

kasalukuyang henerasyon na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong

mundo. Kahit saan man tayo pumunta, lahat ng taong nakakasalamuha at

nakikilala natin ay may kanya-kanyang account sa mga Social Networking Sites

na ito. Kung kaya’t pati na ang mga mag-aaral mula sa elementarya, hayskul, at

kolehiyo ay naiimpluwensiyang magkaroon ng sariling account at makibagay sa

uso. Ngunit nakaaapekto ba ang mga Social Networking Sites sa edukasyon o

pag-aaral ng mga mag-aaral? May mga naidudulot ba itong masasamang

epekto sa kanila?

Ang mga Social Networking Sites na ito ay nagiging libangan na ng mga

mag-aaral at minsan ay nagiging parte na ng kanilang pamumuhay. Hindi nila

nakakalimutang buksan ang kanilang account bago pumunta sa paaralan,

pagdating sa bahay galing eskwelahan, habang kumakain, habang nag-aaral,

habang gumagawa ng takdang-aralin, at bago matulog. Paulit-ulit nila itong

ginagawa at hindi pa rin sila nagsasawa. Habang tumatagal, mas madalas na

ang pagbukas nila ng kanilang account. Sa gawaing ito, hindi maiiwasan ang

mga epekto ng Social Networking Sites sa kanilang pag-aaral. Ngunit hindi

naman lahat ng mga epekto nito ay masasama. Parehong may magaganda at

masasamang dulot ang mga Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga mag-

aaral. Nagagawa nilang magtanong sa kanilang kaklase tungkol sa mga

2
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

takdang-aralin. Maaari silang humingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng

takdang-aralin sa pamamagitan ng tinatawag na “chat”. Nakakakuha rin sila ng

kopya ng mga lecture ng kanilang mga kaklase at guro. Nasasabihan din sila ng

mga mahahalagang anunsyo mula sa kanilang guro at kaklase na hindi

nasasabi sa loob ng klase. Ito ang mga mabubuting dulot ng Social Networking

Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa kabila ng mga ito, mayroon ding

masasamang epekto ang Social Networking Sites. Hindi sila makatuon ng

mabuti habang sila ay nag-aaral at gumagawa ng takdang-aralin dahil sa antala

na dulot ng Social Networking Sites. Sa halip na gumagawa ng takdang-aralin at

nag-aaral, mas inaatupag nila ang paglalaro sa mga tinatawag na application at

iba't ibang mga laro sa Social Networking Sites na ito, pag-chat at pagdaan sa

tinatawag na mga profile ng kanilang mga kaibigan. Kapag hindi nila mapigilan

ang kanilang sarili sa kakabisita sa mga Social Networking Sites, at tumatagal

na sa harap ng computer, nawawalan na sila ng oras para mag-aral at gumawa

ng takdang-aralin. Bilang epekto nito, sila ay umaakit sa tinatawag na cramming

na makakasama para sa kanilang pagganap sa paaralan dahil sa halip na

makinig sa guro, ginagawa nila ang kanilang takdang-aralin sa loob ng klase, at

nag-aaral para sa ibang asignatura. Kung kaya't maaari silang makatanggap ng

mga mababang marka sa mga pagsusulit at gawain sa eskwela. Mula sa aking

mga nabanggit na mabubuting dulot ng tinatawag nating Social Networking

Sites, mabuti naman ito para sa pag-aaral ng mga estudyante ngunit kapag

nasobrahan na ang paglipas nila ng kanilang oras sa mga Social Networking

3
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

Sites, pumapasok na ang mga masasamang epekto ng mga ito. Sabi nga nila,

“Take everything moderately.” Sa pamamagitan nito at ng paggamit nga mga

Social Networking Sites sa tamang layunin, paraan, at oras ay maiiwasan ang

masasamang epekto ng mga ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Isa sa

kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking

sites (SNS). Madalas pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito

sa kanilang pag-aaral (talaga nga kaya?); partikular ang karamihan sa mga

magulang sila ay may mga negatibong persepsyon tungkol sa usaping ito.

Mahirap igiit sa mga mag-aaral na wala itong mabuting idudulot at lalong

mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang epekto ng social

networking sites. Layunin ng papel na ito na malaman ang papel na

ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; tukuyin

ang mga positibo at negatibong epekto ng SNS. Penomenolohikal na pamaraan

ang gagamitin sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon, eksperimento at

karanasan ng mga mag-aaral na gumagamit ng SNS. Nagsagawa ng

pakikipanayam sa mga mag-aaral na gumagamit ng SNS. Pinakasikat sa mga

SNS at madalas gamitin ng mga mag-aaral ay ang Facebook. Ang mga

takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad ng ilang paglilinaw o

katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa ay

nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook dahil dito madalas

naka-On Line ang mga estudyante. Malaking bagay din ito upang maging daan

sa pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga mag-aaral dahil ito ay paper less

4
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

at malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global warming. Sa panahon

ngayon ay tunay na malaki ang naitutulong ng mga social networks sa

pakikipag-ugnayan ng tao sa buong mundo. Kaya’t hindi maipagkakailang kahit

ano pa man ang lahi, kasarian, edad, propesyon at estado sa buhay ng isang

tao ay may kaalaman na sa iba’t ibang social networking sites at nagmamay-ari

ng isa o higit pang “account” ng mga ito, lalo’t higit ang Facebook. Kaya’t hindi

na rin nakapagtatakang ito na ang animo’y pinakabagong bisyong

kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan lalo na ang mga nasa murang

edad.

5
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Dito itinatala ang problema ng pag-aaral. Hinahangad sa pag-aaral na ito

na masuri/masagot ang Epekto ng Paggamit ng Facebook sa mga Mag-aaral ng

Access Computer College – Camarin Campus.

Ilalahad sa bahaging ito ang mga katanungan na siyang sasagutin sa pag-aaral.

1. Ano ang positibong epekto ng Facebook sa mga mag aaral?

2. Ano ano ang negatibong epekto ng paggamit ng Facebook?

3. Bakit mahilig gumamit ang mga mag-aaral ng Facebook?

4. Paano ba nakakatulong ang Facebook sa mga mag aaral?

5. Paano nababalanse ng mag-aaral ang kanilang pag-aaral at paggamit ng

facebook?

6
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay mananatili sa mga sumusunod na sakop at limitasyon:

Una, ang pagsusuri ay itutuon lamang sa mga negatibo at positibong

epekto na maidudulot ng paggamit ng Facebook sa mga mag-aaral ng Access

Computer College. Pangalawa ay ang pagtukoy sa mga kahalagahan na

maidudulot sa paggamit ng Facebook sa mga mag-aaral. At ang panghuli ay

ang pagtukoy sa mga paraan kung paano balansehin ng mga mag-aaral ang

kanilang oras sa paggamit ng Facebook at pag-aaral.

Hindi na kasama sa pagsusuri ng mga mananaliksik kung paano

gagamitin ang Facebook at kung ano ang kanilang makukuhang sakit sa

paggamit ng facebook. Ang pag-aaral na ito ay tungkol lamang sa Facebook,

hindi kasama ang iba pang social media: tulad ng Twitter, Instagram at iba.

7
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

BALANGKAS KONSEPTWAL

Pinag-aaralan dito ang kasalukuyang ginagawa at mga isyu na

importante sa tao. Ang mga mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay

nagsasagawa ng mga sarbey na nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa

mga datos na nalakap.

Epekto ng Paggamit ng facebook


ng mga mag-aaral

Positibo Negatibo

Ang naisasagawang pananaliksik na ito ay


gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik. Sa maraming uri ng pananaliksik, ang
napiling gamitin ng mga mananaliksik ay ang
descriptive survey research design. Ang nasabing uri
ng diskriptibong pananaliksik ay gumagamit ng survey
questionaire o talatanungan sa pagkuha ng mga datos.
Para sa mga mananaliksik, ang disenyong ito ang
pinaka angkop na gamitin para sa pag aaral ng
kanilang paksa dahil mas maraming datos ang
makukuha mula sa maraming respondente.

8
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epekto ng Paggamit ng

Facebook sa mga Mag-aaral ng Access Computer College – Camarin Campus”

ay naglalayon na makakuha ng mga impormasyon hingil sa mga nagiging

epekto ng malimit na pag-access sa Facebook sa mga mag-aaral. Sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring makagawa ng hakbang ang

mga kinauukulan upang mapigilan ang malimit na pag- access sa facebook ng

mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod na

indibidwal:

Sa mga mag-aaral

Nakakatulong sa mga mag-aaral na magbigay impormasyon ang

nasabing facebook. Nagbibigay din ito ng aliw sa kanila kung anuman ang

kanilang nabaasa o napanoud. Isa rin itong malayang pagpapahayag ng

damdamin at kaisipan. Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay makakatulong

sa mga mag-aaral kung papaano magagamit ng wasto ang nasabing social

media site hingil sa magiging epekto nito sa kanila kung makakabuti ba o

makakasama.

9
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

Sa mga Guro

Ang pag-aaral na ito ay maaaring magamit ng sinumang guro sa Access

Computer College- Camarin Campus na nagnanais na malaman ang mga

nagiging epekto ng malimit na paggamit ng aplikasyon na facebook sa pag-

aaral ng kanilang mga estudyante. Magagamit niya rin ang mga datos sa pag-

aaral na ito upang makagawa ng mga hakbangin kung paano ang pag-access

dito ay mabibigyang kabuluhan upang magamit sa kanyang pagtuturo.

Sa mga Magulang

Sa pag-aaral na ito ay mababatid nila ang mga impormasyong nauugnay

sa paggamit ng facebook. Magiging daan din ito sa pag-unawa ng lumalaganap

na interes ng mga kabataan sa ganitong uri ng libangan. Magiging daan din san

ito upang mapatnubayan at magabayan ng wasto ang kanilang mga anak sa

paggamit nito.

Sa Paaralan

Magiging mahalaga ang mga datos sa pananaliksik na ito sa paaralan

upang magsilbing batayan kung paanong matutugunan at massusulosyunan

ang mga nagiging epekto ng palagiang pag-access ng mga mag-aaral sa

facebook ng sa ganun malimitahan ang mga mag-aaral sa paggamit ng

facebook at mas makapagpokus sila sa pag-aaral at ng sa ganun, masigurado g

paaralan ang magandang kinabukasan ng kanilang mga estudyante.

10
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

Sa mga susunod pang Mananaliksik

Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay kung sakaling ang

kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may mapagkukunan silang

batayan para sa mas masusing pag-aaral nito at karagdagang kaalaman, at

upang mabigyan ng impormasyon o babala kung ano ang epekto nito sa mga

kabataan o mag-aaral.

11
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Upang mas lalong mapagtibay at maintindihan ang daloy ng pag-aaral na

ito ay bibigyang linaw mula dito ang mga salitang bago pa lamang sa inyong

mga pandinig. Ang mga salitang ito ay binigyang kahulugan upang mas lalo

itong maintindihan at maunawaan.

Account – Ito ay paggawa ng impormasyon tungkol sa iyong sarili upang

gamitin sa social media.

Application – Isang programa o system na nakukuha sa cell phone o

kompyuter.

Chat - Ginagamit ito ng isa o higit pang-tao upang gawing bahay talakayan, dito

nagaganap ang palitan ng kaalaman at pagsagap ng impormasyon.

Computer - Isa itong teknolohiya na naimbento upang tumanggap ng

impormasyon at maglahad ng resulta ayon sa paraan ng pagpoproseso nito.

Cramming - ay pagpasok o pagpuno nang sapilitan sa espasyo na higit pa sa

kayang hawakan o dalhin.Kung ihahalintulad sa paggamit ng kraming sa

edukasyon, ito ay pagsasanay sa napakatinding pag-aaral upang mauunawaan

ang napakaraming impormasyon na nagbibigay kaalaman sa maikling oras.

Facebook – Isa itong teknolohiya na ginagamit upang makipagkilanlan at

makipagkumunikasyon sa ibang tao mula sa iba’t-ibang lugar, ginagamit din ito

12
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

upang makapamahagi at makasagap ng ibat-ibang mahahalagang

impomasyon.

Global Warming – ay tumutukoy sa pagtaas ng temperature ng himpapawid at

karagatan sa mundo o pag-init ng pandaigdigan.

Lecture - Isang uri ng pagsasalita na nagmula sa salitang Latin na "lectura" ibig

sabihin nito ay pagbabasa. Ito ay naglalayon na makapagturo o

makapagtanghal at makapagbatid ng isang ideya sa tao.

Paperless – Ito ay pagbabawas sa paggamit ng papel.

Penomenolohikal o penomenolohiya – Isang paraan ng pagsasaliksik na

nakaugat sa palagay na binubuo ng mga bagay at mga pangyayari ang

katotohanan. Ipinapalagay din na batay sa karanasan at pang-unawa ng ating

kamalayan bilang tao ang katotohanan at walang katotohanan kung hindi ito

nakaugnay sa kamalayan.

Profile - DIto nakalahad ang mga impormasyon tungkol sa iyong sarili, o sa

madaling salita ay ito ang salamin sa iyong katauhan.

Social Networking Site - ay tumutukoy sa alin mang plataporma na lumilikha

ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may

magkatulad na interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa tunay na buhay.

Ito ay binubuo ng isang representasyon ng bawat gumagamit (na kadalasan ay

isang profile), ang mga ugnayan nito sa ibang mga tao, at iba pang mga

serbisyo.

13
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Dr. Bernadette Arcena ng St Lukes Hospital (Agosto 9,

2011), bukod sa nawawala ang quality time ng mga bata, lumalawak din umano

communication gap sa kanila at nawawala ang tutok nila sa pag-aaral. Dahil

may maganda rin naman daw naidudulot ang Internet sa kaalaman ng mga

kabataan, sinabi ni Arcena na kailangan lamang gabayan ng husto ang mga

bata. Sa panayam ni Arcangel sa batang itinago sa pangalang Nick, 12-anyos,

inamin ng bata na nahumaling siya noon sa Internet partikular sa Facebook

kaya bumagsak ang kanyang marka ng hanggang 65. Pero kung dati ay

nagbababad si Nick sa mga internet shop ng mula hapon hanggang hatinggabi

araw-araw, ngayon ay dalawang oras na lang umano para makabawi sa

kanyang pag-aaral.

Batay naman sa mga pagaaral ni Fiona mae abainza 2014, ang social

media katulad ng Facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng

maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng

malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahil sa

paggamit nito. Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang

pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon.

Ayon sa sarbey na ginawa nila Paula Mae Andoque, Jehan Lucman,

Jennefer Edrozo, Jade Kevin Gerzon at Errol Flynn Magbanua noong ika-3 ng

Agosto taong 2015 na may kabuuang bilang na 50 respondante ang nakilahok.

14
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

36% ng mga respondante ang nagsasabing nawawalan sila ng ganang mag-

aral dahil sa pagfefacebook, 30% naman ang nagsasabing nababawasan ang

oras nilang mag-aral dahil dito, 20% ang umikli ang marka at 14% ang

nagsasabing nahahati ang kanyang oras na para sa mga akademikong gawain.

Ayon kay Ali Kingston Mwila (2013) na ang social media sa mag-aaral at

mga eksperto ay nakababahagi at nakakapag-ugnay sa kapareho nilang hilig at

makapaglagay ng saloobin at opinyon sa mga isyu. Isa pang positibong epekto

ng social media sites ay mapag-isaang mga tao at makamit ang kanyang nais.

Ang pagkahumaling sa social media ay isa sa negatibong epekto nito.

Pagkawala sa atensyon at pokus sa isang partikular na gawain ay dahilan ng

paggugol ng labis na oras sa paggamit nito. Nakabase ang mga mag-aaral sa

teknolohiya at internet imbis na sa normal napagkatuto tulad ng pagsisiyasat sa

mga libro at iba pang reperensya.

Batay sa pananaliksik na ginawa ng mga mag-aaral ng perpetual (2013)

natuklasan na dahil sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagkalap ng mga

kaibigan at pakikipag-chat ay halos isang oras na lamang sa isang linggo ang

nailalaan nila para sa kanilang mga akademikong gawain. Dahil dito nais ng

mga magulang at guro na ipagbawal ang nasabing social networking website

kagaya ng ginagawa sa mga opisina upang hindi masayang oras ng mga mga-

aaral. Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng

teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng

social networking website. Masasabi na isang daan ito para makausap ang mga

15
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

malalayong kamag-anak at kaibigan ng walang masyadong nagagastos. Ang

networking website ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng mga akala o masasabi

nating sa pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng

malalayong relasyon olong distance relationship. Isa pa sa masamang epekto

nito ay nakagagawa ito ng isa pang katauhan at maling tala ng isang tao sa

isa.nakatala sa pag-aaral ng mga taong walang masyadong social life ay

dinaraan ang pananahimik sa networking.

Ayon sa tesis ni Ma. Fe Gannaban, PhD (Enero 2013), “Social

networking site: Bilang isang stratehiya ng pag-tuturo sa mag-aaral.”. Isa sa

kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking

sites (SNS). Madalas pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito

sa kanilang pag-aaral (talaga nga kaya?); partikular ang karamihan sa mga

magulang –sila ay may mga negatibong persepsyon tungkol sa usaping ito.

Mahirap igiit sa mga mag-aaral na wala itong mabuting idudulot at lalong

mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang epekto ng social

networking sites. Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratoryong pag-aaral sa

paggamit ng social networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino. Pokus ng

pag-aaral na ito na matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso

ng pagkatuto ng mga mag-aaral; gayundin ang pagdalumat sa positibo at

negatibong epekto nito sa larangan ng pagtuturo lalo na sa wikang Filipino at

aalamin din kung ang SNS ay nakakatulong sa pagtuturo ng Filipino. Layunin ng

papel na ito na malaman ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng

16
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

pagkatuto ng mga mag-aaral; tukuyin ang mga positibo at negatibong epekto ng

SNS bilang estratehiya sa larangan ng pagtuturo; at dalumatin kung talagang

nakakatulong ba ito sa pagtuturo.

Ayon kay Susan Greenfield (n.d.), isang propesor sa kursong

pharmacology sa Oxford University at direktor ng royal institution of great britain

sa isang pahayagan na ang social networking parang "sanggol na kailangan

bantayan bawat kilos at asikasuhin oras-oras”.

Mga kaugnay na Literatura

Ayon sa GMA News (2011) Lumitaw sa isang pag-aaral sa US na

mababa raw ang markang nakukuha sa paaralan ng mga kabataan na

nahuhumaling sa Facebook. Sa ulat ni GMA News Pia Arcangel sa 24 Oras

nitong Martes, sinabing nakitaan sa isinagawang pag-aaral ng American

Psychological Association ang koneksiyon ng social networking sites gaya ng

Facebook sa pagbaba ng marka ng mga estudyante doon. Ayon sa pag-aaral,

mas mababa ang grado sa eskuwelahan ng mga mag-aaral na bumibisita sa

Facebook tuwing ika-15 minuto. Bukod dito, ang mga kabataan na

nahuhumaling sa naturang social networking site ay may posibilidad na

magpakita ng psychological disorder, maging depress at maging mapagsarili.

Bagaman wala pang ganitong pag-aaral sa Pilipinas, sinabi ng ilang eksperto

matagal na silang nagbabala laban sa labis na paggamit ng Internet.

Ayon sa Wikipidia, ang social media ay isang strakturang sosyal na gawa

sa mga nodes o sa mas madaling sabi ay mga indibidwal na konektado ng isa o

17
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at sekswal na

relasyon. Hindi natin maipagkakaila na patuloy na lumalawak ang mundo ng

social media, lahat tayo ay kailangan ito hindi lamang bilang pakikipagkapwa

kundi pati narin sa ating pag-aaral. Sa katunayan, patuloy ang pagdami ng mga

estudyanteng mayroong account sa mga social media sites.

Ayon sa PC Encyclopedia, Ang pinakasikat na social networking site, na

nagbibigay-daan sa sinuman na magbahagi ng mga larawan, komento at video

sa online. Itinatag noong 2004 ni Mark Zuckerberg, ang site ay libre sa mga

miyembro at nakukuha ang kita mula sa mga advertisement. Ang pangalan na

ito ay mula sa dokumentong papel na may mga pangalan at mukha na ibinigay

sa mga nag-aaral sa kolehiyo upang tulungan silang makilala ang isa't isat.,

Gamit ang built-in na paghahanap, maaaring mahanap ng mga miyembro ang

iba pang mga miyembro ng Facebook at "kaibigan" sa kanila sa pamamagitan

ng pagpapadala sa kanila ng isang paanyaya, o maaari silang mag-imbita ng

mga tao na sumali sa Facebook. Nag-aalok ang Facebook ng agarang

mensahe at pagbabahagi ng larawan, at ang e-mail ng Facebook ay ang

tanging sistema ng pagmemensahe na ginagamit ng maraming mag-aaral.

Ayon sa Diksyunaryo Tinutukoy ang Facebook bilang isang online na

social networking website kung saan ang mga tao ay maaaring lumikha ng mga

profile, magbahagi ng impormasyon tulad ng mga larawan at mga quote tungkol

sa kanilang sarili, at tumugon o mag-link sa impormasyong nai-post ng iba.

18
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

KABANATA 3: METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pag aaral o pananaliksik ay deskriptib-sarbey dahil

naaangkop ito sa mga magaaral na gumagamit ng Facebook .Ang pag-aaral na

ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamarang pag survey. Ang Survey na

pananaliksik ay isang uri ng pag-aaral na ginagamit upang kumuha ng

impormasyon mula sa tiyak na grupo ng tao nagrerepresenta na siyang paksa

na ginagawang pananaliksik.

Lugar ng Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa loob ng paaralan ng Access

Computer College. Napili namin ang Access Computer College upang malaman

kung ano nga ba ang positbo at negatibong epekto ng paggamit ng Facebook

sa mga mag-aaral ng paaralan na ito.

Mga Respondente

Ang mga napiling respondente ay ang piling isang daang (100)

estudyante ng Access Computer College na ito ay mga mag-aaral ng ibat ibang

departamento simula Junior High hanggang 4th year college. Napili sila

sapagkat bukas ang isipan ng mga nag-aaral sa paaralan na ito sa mga bagay

bagay na ating ginagalawan. Sila ay makakapagbigay ng mga magagandang

impormasyon na maaaring maidagdag o mag paganda sa aming pananaliksik.

19
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey, Gumawa

kami ng mga talatanungan nais naming malaman ang kanilang mga pananaw,

saloobin at ideya sa paksang aming tinatalakay at ito ay papasagutan sa kanila

batay sa sarili nila, Upang mas lalong mapagbuti ang pag-aaral ay minabuti

naming mananaliksik na magkalap ng maraming ipormasyon sa iba’t -Ibang

mag-aaral ng Access Computer College.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsimula sa paggawa

ng talatanungan at sinundan ng pagdidisenyo sa instrumento para maiwasto

ang kaayusan at matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang

nais lutasin ng mga mananaliksik.

Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ay ang mga sumunod.

Personal na pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng

talatanungan sa bawat kalahok at ibigay ang tamang panuto sa pagsagot upang

makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento at inihambing

ang mga sagot ng bawat kalahok at bigyan ng kabuuan.

Istatistika na Tritment

Ang istatistikal na tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay pagkuha ng

porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito.

(BS / BR) 𝑥 100


BS – Bilang ng Sumagot BR –Bilang ng Respondente

20
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

TALATANUNGAN

Paksa: Epekto ng paggamit ng Facebook sa mga mag-aaral ng Access

Computer College – Camarin Campus.

Panuto: Punan ang mga sumusunod na patlang batay sa inyong personal na

pagkakilanlan at lagyan ng tsek ang mga bahaging nangangailangan ng tsek.

I. Personal na Pagkakakilanlan

Pangalan (Optional): ______________________________________

Antas: __________________________________________________

Kasarian: ( ) Lalake ( ) Babae

Antas ng Pag-aaral:

( ) junior high ( ) senior high ( ) kolehiyo

Kurso: _________________________

Lagda: _________________________

21
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

II.Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pagsali sa Facebook.

Panuto: Matatagpuan sa ibaba ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa pagsali

sa Facebook. Lagyan ng tsek (√) sa kanang kolum ng bahaging nararapat sa inyong

saloobin. Gamitin ang mga sumusunod:

1- Lubos na Sumasang-ayon 3- Di Sumasang-ayon


2- Di gaanong Sumasang-ayon 4- Lubos na di Sumasabg-ayon

1 2 3 4

1. Nagiging kompleto ang araw ko kapag binubuksan ko ang


aking Facebook account.
2. Alam ng magulang ko na meron akong Facebook account.

3. Napakahalaga ng Facebook para sa aming mga kabataan.

4. Mas madali kong nakakausap ang mga kaibigan, pamilya at


iba pa sa paggamit ko ng Facebook.
5. Mas napapalawak ko ang paraan ng pag-unawa sa isang
sitwasyon sa mga na babasa ko sa Facebook.
6. Mas nakakatulong sakin ang paggamit ng Facebook sa
pagkalap ng bagong impormasyon.
7. Mas nagiging interaksyon ako sa ibang tao habang
gumagamit ng Facebook.
8. Mas nabibigyan ako ng pagkakataon ng maibahagi ang
aking nararamdaman o saloobin sa marami gamit ang
Facebook.
9. Epektibo ba ang paggamit ng privacy policies sa Facebook.

10. Mas madaling makahanap ng bagong kaibigan sa


Facebook.
11. Pumapayag kabang gumamit ng Facebook sa pagtuturo.

12. Nasubukan ko nang mabiktima ng online bullying o cyber


bullying o mga masasakit na komento at mensahe.
13. Mas komportable akong makipagusap sa kaibigan ko sa
Facebook kaysa mismong harapan.
14. Mas masayang kausap ang mga kaibigan ko sa Facebook
kaysa sa mga personal kong kaibigan.
15. Inaaccept ko rin ang mga taong hindi ko kilala na gustong
makipagkaibigan sakin sa Facebook.

22
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

III.Kahalagahan ng Pagsali ng mga Mag-aaral sa Facebook.

Panuto: Matatagpuan sa ibaba ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa Pagsali

sa Facebook. Lagyan ng tsek (√) sa kanang kolum ng bahaging nararapat sa inyong

saloobin. Gamitin ang mga sumusunod:

1- Lubos na Sumasang-ayon 3- Di Sumasang-ayon


2- Di gaanong Sumasang-ayon 4- Lubos na di Sumasang-ayon

1 2 3 4

1. Mas nabibigyan ng pagpapahalaga ang


pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng Facebook.
2. Mas madaling makahanap ng impormasyon.

3. Mas nagiging bukas ang isip ng mag-aaral sa


pakikpagkaibigan at pakikipagkapwa.
4. Mas madaling mapanatili ang komunikasyon.

5. Mas madaling makahanap ng oportunidad na


magkaroon ng trabaho.
6. Mas madaling makilala at makakuha ng atensyon.

7. Ito ay nagbibigay daan sa karunungang bumasa at


sumulat.
8. Mas mapadadali o mapabibilis ang paghahanap ng
mga akademikong aklat sa internet
9. Ang Facebook ang syang magiging tulay sa aking
nakaraan (Throwback).
10. Nakatutulong upang mas mapadali ang palitan ng
dokumento.
11. Naiihayag ko ng Malaya ang aking mga saloobin,
larawan at iba pa.
12. Mas madaling magbenta ng mga kagamitan.

13. Ang Facebook ay mabisang kasangkapan para sa


pagtulong.
14. Ang Facebook ay tumatawag ng pansin sa pagbuo ng
relasyon.
15. Maaring mali ang impormasyon na nanggagaling sa
Facebook.

23
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

IV. Epekto ng Pagsali sa mga Facebook ng mga Mag-aaral

Panuto: Matatagpuan sa ibaba ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa Pagsali

sa Facebook. Lagyan ng tsek (√) sa kanang kolum ng bahaging nararapat sa inyong

saloobin. Gamitin ang mga sumusunod:

1- Lubos na Sumasang-ayon 3- Di Sumasang-ayon


2- Di gaanong Sumasang-ayon 4- Lubos na di Sumasang-ayon

1 2 3 4

1. Mas magiging bukas ang isipan ng marami dahil sa


nasasagap na impormasyon mula sa Facebook.
2. . Mabisang paraan ng paglalahad ng saloobin.

3. Mas madaling makatanggap ng panuto gamit ang


Facebook.
4. Maaring mapahamak ang buhay dahil sa mga
impormasyon na nakalagay sa Facebook.
5. Mas mabilis na makakausap ang mga kamag-anak na
nasa ibang bansa o malayong lugar.
6. Nagiging aktibo ang mga mag-aaral na kumuha ng
larawan para ma ipost.
7. Magkakaroon ng maraming kaibigan.

8. Nalilimutan gawin ang mga takdang aralin at iba pa.

9. Laging napupuyat ang mga estudyante dahil sa


pakikipagusap sa Facebook.
10. Nawawala ang pokus sa pagrerebyu.

11. Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon.

12. Walang sapat na privacy.

13. Mas nahihirapan ang mga mag-aaral na gumamit ng


Facebook sa pagtuturo ng guro.
14. Mas ginaganahan lamang ang mga estudyante kapag
ang pinaguusapan ay tungkol sa Facebook
15. Hindi nasisiyahan ang mga mag-aaral kapag sila ay
pinagbabawalan gumamit ng Facebook sa loob ng klase.

24
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

Listahan ng mga Sanggunian

Wilmar V. Alcoser, Manuela Jo. Reyes, John Albert Q. Tano. “Ang Facebook ay
isa sa mga kilalang Social networking Sites”. (Marso 2010).
http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/2016/02/pamanahong-papel-sa-
pilipino-2.html

Nimfamojary13. “Malaki ang naitutulong ng social networks sa mga tao”.


https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Facebook/29940

Bernadette Arcina. “Nawawala ang quality time ng mga bata” (Agosto 9, 2011).
http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/228933/labis-na-oras-sa-
facebook-may-masamang-epekto-raw-sa-pag-aaral/story/

Fiona Mae Abianza. “Isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa


mga kabataan”. (2014).
https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PA
MUMUHAY_NG_MGA_MAG-AARAL

Andoque, Paula Mae Bint Lucman, Jehan R. Edrozo, Jennefer L. Gerzon, Jade
Kevin Magbanua, Errol Flynn Mirador, Cruisant Diane. “ Ayon sa sarbey na
tungkol sa kawalan ng oras sa pag-aaral”. (Agosto 3, 2015).
https://www.slideshare.net/geumjen2/epekto-ng-facebook

Ali Kingston Mwila. “Nakakapagpabahagi at nakakapag-ugnay sa parehong


hilig”. (2013).
https://www.coursehero.com/file/24144851/KABANATA-2-Filipinodocx/

Angeline Ermitaño, Allen Joy Argosino, MaryJoy Negapatan, Mary Rose


Miranda, Ian Christopher Cavite, Mikee Caluya, Ana Lorena Basaran, Mary
Rose Ferrer, Jeneva Niña Gudado, Loraine Cuyong, Kenneth Natividad, John
Ray De Guzman. Mary Joy Evangelio. Estela Ndong Moro. “Kawalan ng oras sa
akademikong Gawain”. (2013).
https://www.facebook.com/notes/john-christian-nerza-
lacandoze/newthesis/572036196214970/

Ma. Fe Gannaban. “Bilang isang stratehiya ng pag-tuturo sa mag-aaral”.


(Enero 2013)
https://www.researchgate.net/publication/318528542_SNS_Isang_Estratehiya_s
a_Larangan_ng_Pagtuturo

25
ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES

Susan Greenfield. “Sanggol na kailangan bantayan bawat kilos at asikasuhin


oras-oras” (n.d.). https://prezi.com/luoxrb_ymcur/kabanata-ii/

GMA News. “Mababa ang nakukuhang marka sa paaralan”. (Agosto 9, 2011).


http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/228933/labis-na-oras-sa-
facebook-may-masamang-epekto-raw-sa-pag-aaral/story/

Wikipidia. “Ang social media ay isang strakturang sosyal”.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Facebook

PC Encyclopedia. “Ang pinakasikat na social networking sites”


https://www.pcmag.com/encyclopedia/term/57226/facebook

Diksyunaryo. “Ang Facebook bilang isang online na social networking website”


http://www.yourdictionary.com/facebook

26

You might also like