Kalikasan NG Pananaliksik GRP1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Taguig City and Pateros


Signal Village National High School
Ballecer St., Zone 2 Central Signal Village,Taguig City

Kalikasan ng pananaliksik
Modyul sa Filipino sa Piling Larang

Pangkat 1
Mga tagapag-ulat:
Bolo, Kristine Joy

Galanga, Dale Bernard

Antonio, Mark Vincent B,

Antasari, Hashren B.

Morilla, Ray John

Soriano, John Rombet

Casapao, Gian Alycs Lauren

Competente, Jeane B.

Escalona, Eunice Anne

Ruiles, Ivy Grace

Ipinasa kay:

Gng. Melvira David


Pagganyak
CHARLIE BEAR: ito ay isang masiglang pagsayaw ng isang oso sa bidyo na
sasababayan ng lahat.

LAYUNIN

1. Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo


ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan;

2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon: (a) layunin (b) Gamit (c)
katangian (d) anyo.

3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

TALASALITAAN

nasasagkaan – anumang hsrsng upang mapigil ang pagsulat, pagkalat,


paglaganap, o pagdaloy ng isang bagay.

pekulyaridad – kaibahan

mapapasubalian -nangangahulugang matatakpan o mapasisinungalingan ang


isang bagay upang hindi malaman ang katotohanan.

pagsisisyasat - pormal at sistematikong pagtatanong, pagsasaliksik, o pag-aaral


upang matuklasan at maeksamen ang mga impormasyon, pang-yayari, at iba pa
túngo sa paglilinaw ng katotohanan.

oryentasyon - ay isang panimula upang mapatnubayan ang isang


tao,pangyayari o sitwasyon na maging akma sa bagong lokasyon o kapaligiran.

ARALIN 1: Kalikasan ng Pananaliksik


AKADEMIKONG PAGSULAT

-ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral
kaya ito tinawag naintelektwal na pagsulat. ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis,
term paper, lab report at iba pa.(source:

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_akademikong_pagsusulat )
– ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito layunin nito ay maipakita ang
resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginwa. (source:
http: myschoolworks.wordpress.com category komunikasyon-sa-akademikong-
pilipino )

Pananaliksik: Kahulugan, Katangian at Layunin


Kahulugan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang masursing pagsisiyasat at pagsusuri sa

mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw,

patunayan o pasubalian.

Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran

ay inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa

ng mga konklusyon.

Paagssisiyasat ito dahil anumang pamamalagay, ideya o

haka-haka ay hinahanapan ng katibayan para patunayan.

Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisisyasat ay

tinitimbang, tinataya at sinusuri.

Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari ng alam ng

marami pero mangangailangan ng dagdag na impormasyon

at paliwanag.

Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at

paniniwala.

Nagpapasubali ito sa mga dati nang pinanialaan pero

inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat paniwalaan.

Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay:

Obhetibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o


di-kinikilingang mga datos. Ang mga interpretasyon ay batay

sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na

ito.

Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos.Lahat ng

posibleng pagkunan, maging ito’y nakasulat sa wikang

banyaga o kaya’y nasa ibang bansa, ay mga datos na

magagamit sa pananaliksik. Ang anumang problema

kaugnay ng pinansya, distansya, at lenggwahe ay

limitasyong dapat harapin ng mananaliksik.

May pamamaraan o angkop na metodolohiyana tutulong

sa ikahuhusay ng pananaliksik.

Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa

pagtitimbang-timbang sa mga ideya.

Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang

pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.

Layunin ng Pananaliksik

Sinumang seryosong estudyante sa kolehiyo ay may kakayahan at

kahandaan sa pananaliksik. Isa ka dito, di ba? Kailangan lang naman ang

determinasyon at motibasyon para isagawa ito. Ano naman ang mga motibasyon,
dahilan o layunin sa pananaliksik?

Narito ang ilan

1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.

-Nagbibigay-sigla ang mga bagong

impormasyon dahil sa orihinalidad ng ideya at mga datos nito.

2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.


Pwede mong tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo,

perspektiba, at pananaw kaysa dati nang paraan ng pagtingin ng iba

dito. Bago pa rin ito, dati na nga lang alam ng marami ang paksa.

3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.

Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at

pinagkakainteresan sa komunidad, sa mga institusyon, at sa bansa.

Magandang gumawa ng panananliksik para makatulong sa paglilinaw

sa mga bagay na ito.

4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang

tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.

5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya,

interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag.

Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y mapapatunayan o

mapapasubalian ng mga makatotohanang datos

6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.

May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin ang hinaharap o

kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy at pagsusuri dito ay kailangan

ang pananaliksik sa kasaysayan nito.

Gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino

Sa Pang-Araw-Araw na Gawain

May mga pansariling gamit at kabuluhan ang pananaliksik sa isang

indibidwal.

Sa Akademikong Gawain

Tinatawag na sulating pananaliksik or panahunang

papel ang bunga ng gawaing ito na ginagawa ng paris mong estudyante. Sa


mga nagtatapos naman, tinatawag itong tesis o kaya’s disertasyon.

May iba’t ibang pormat at metodolohiya ang pananaliksik, depende sa

larangan.

Malaki ang nagagawa ng pananaliksik sa kolehiyo para magkaroon ng

disiplina sa pag-aaral, motibasyon sa mas malalim pang pag-aaral, at

kahandaan sa iba pang mga gawaing pang-akademiko. Tumutulong din ito

para magkaroon ka ng sapat na kaalaman ukol sa kinabibilangan mong

larangan.

Sa Kalakal/Bisnes

Bago pumasok sa isang bisnes, ang isang korporasyon o indibidwal ay

gumagawa muna ng pananaliksik at/ o feasibility study ukol sa potensyal sa

market at tubo at ikatatagumpay ng bisnes na pinasok.Titignan dito ang

clientele o mamimili, lugar, uri ng produktong ipinagbibili, atbp. Sa gayon,

maiiwasan ang sobra o walang kabuluhang paggasta, pagkalugi at

pagsasayang ng oras at pagod.

Sa Iba’t Ibang Institusyong Panggobyerno

Para sa serbisyong panlipunan, ang mga upisina o institusyong

panggobyerno ay nagsasagawa ng pananaliksik para sa kani-kanilang mga

pangangailangan.

Oryentasyong Pilipino sa Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang unibersal na gawain. Hindi ito nasasagkaan

ng wika at mga heograpikal at pisikal na hangganan ng mga kultura at mga

bansa.Gayunpaman, nabibigyan ito ng kabuluhan, kulay at buhay kung

naiaangkop sa pekulyaridad at mga kultural, sosyal, heograpikal, ekonomiko,


ideolohikal at sikolohikal na katangian ng bansang kinabibilangan ng

mananaliksik. Dito naitatatag ang tinatawag na oryentasyon sa pananaliksik.

Sa kaso ngating bansa, na dumaan sa maraming kolonisasyon at mga

pagbabago sa kultura, heograpiya, ekonomiya, at maging sa sikolohiya,

mahalaga pa ring igiit ang pagkakaroon ng isang oryentasyon katutubo –

isang oryentasyong Pilipino ˗˗ lalo na sa larangan ng pananaliksik.

Paano naman naipapakita o napapatunayan ang oryentasyong

Pilipino?

Maaari mong makita ito sa pamamagitan ng:

paksa

pamamaraan

interpretasyon/perspektiba/pananaw

kung sino ang gagawa ng pananaliksik

para kanino ang pananaliksik

wika ng pananaliksik

Paksa

Ang pagpili mismo ng paksa ay nagpapatunay ng oryentasyon ng

mananaliksik. Dapat maging malinaw ang saklaw ng panahon ng pag-aaral sa paksang


napili.

Metodolohiya

Hindi lahat ng pamamaraan o metodolohiya ay angkop sa bawat

kultura. Napatunayan ito, halimbawa, ng mga mananaliksik at propesor sa

Sikolohiyang Pilipino sa Unibersidad na pinangunahan ng yumaong si Dr.


Virgilio Enriquez.Ayon sa kanila, higit na epektibo ang pagkuha ng datos at

pagsusuri sa Sikolohiyang Pilipino kung gagamitin ang mga di-unibersal o diistandard


na pamamaraang gaya ng pakapa-kapa, pagtatanung-tanong,

atbp.

Intepretasyon

Ang batayan ng pagsusuri/interpretasyon ay krusyal sa kabuluhan ng

pananaliksik. Dahil sa ating kolonyal na karanasan na pinalalim at pinalawak

ng sistema ng edukasyon ng mga kolonisador, naging tunguhin ng ating mga

pag-aaral ang gumamit ng mga banyagang teorya sa pagsusuri ng alinmang

aspekto ng kultura at lipunang Pilipino.

Mananaliksik

Sino ang gagawa ng pananaliksik? Sabi nga sa Philippine Collegian ---

Kung hindi tayo kikilos,

sino ang kikilos?

Kung hindi ngayon,

kailan?

mananaliksik o researcher sa ingles ay isang tao kumakalap at naghahanap ng mga


impormasyon at mahahalagang detalye patungkol sa isang paksa.

Tagatanggap

Para kanino ma ba isasagawa ang pananaliksik? Sa mga kababayan

mo? Sa mga dayuhan? Kung sa huli, bakit mo sila tinutulungan? May

maitutulong ba ang ginagawa mong pananaliksik sa iyong mga kababayan?


sa iyong komunidad? sa iyong bayan? sa iyong bansa? Kung sa palagaymo’y

oo ang sagot sa mga tanong na ito, nasa tamang direksyon ka.

Kung ang pananaliksik mo ay tungkol sa “Lalim ng Epekto ng Nazismo sa

mga Kabataang Aleman sa Kasalukuyang Panahon,” makabuluhan ba ito sa iyo, sa

mga kababayan mo? Sa iyong komunidad? Bansa? Mag-isip ka.

Wika

At sa huli, ang wika ay mahalaga para patatagin ang oryentasyon sa

pananaliksik.

Tatlong kultura ang nag-uunahan at nagtutunggalian ngayon sa isipan at

damdamin ng mga mamamayang Pilipino–ang kulturang katutubo, ang kulturang

dayuhan (Amerikano) at kulturang global (dayuhan din). Malakas ang dalawang

huli.Alam nating sa bawat aspekto ng pamumuhay ay may hatak ang mga ito–sa

media, sa eskuwelahan, sa bahay, sa shopping malls, atbp. Unti-unti tayong

nahihigop ng mga kulturang ito.

Buod

Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.

You might also like