PANANALIKSIK

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pagtuklas at Pagtatanong

Tungo sa Pananaliksik
Mga Uri ng
Tanong
1. Praktikal na Tanong
-mga tanong na may kagyat na solusyon o aplikasyon
ayon sa sitwasyon at suliranin

Halimbawa:
Paano patitibayin ang bubong ng bahay?
Paano magpalit ng gulong ng sasakyan?
Mga Uri ng
Tanong
2. Espekulatibo o pilosopikal na tanong
-tanong na humihingi ng palagay o pagpapalagay
tungkol sa isang bagay o sitwasyon.

Halimbawa:
May ikalawang buhay ba matapos mamatay ang tao?
Nakararamdam ba ng awa ang mga hayop?
Mga Uri ng
Tanong
3. Panandalian o tentatibo o mga tanong na batay sa
prediksyon at probabilidad
tanong na sinasagot batay sa panahon o pagkakataon
kung kalian ito naganap o itinanong.

Halimbawa:
Uulan ba bukas?
Ano ang halaga ng piso kontra dolyar sa susunod na linggo?
Mga Uri ng
Tanong
4. Imbestigatibong tanong
- mga anong na umuusisa o sumisiyasat tungkol sa
isang pangyayari o sitwasyon.

Halimbawa:
Sino ang nagnakaw ng mga manok sa bakuran?
Paano nalason ang matandang lalaki?
Mga Uri ng
Tanong
5. Disiplinal na tanong
-may mga tanong na umuiikot sa mga paksang
tinatalakay sa isang siaplina ng pag-aaral.

Halimbawa:
Biology: abubuhay ang halaman sa planrtang Mars? Paano?
Sikolohiya ng wika: Ano ang naibubulalas ng taong
bugnutin?
Ang
Kabanata 1
• Ay may pamagat na ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN
NITO
Makikita sa tsapter na ito ang mga sumusunod:
• Sanligang Pag-aaral
• Paglalahad ng Suliranin
• Haypotesis
• Batayang Teoritikal at Konseptwal
• Kahalagahan ng Pag-aaral
• Saklaw at Delimitasyon
• Depinisyon ng Termino
Sanligang
Pag-aaral
• Binabanggit sa pag-aaral na ito ang kaligiran ng paksang
pinag-aaralan.
• Ipinapakita rito ang kalagayang global, nasyonal, at local
na may kaugnayan sa paksang pag-aaralan.
Paglalahad
ng Suliranin
• Ang pangkalahatang layunin at mga tiyak na suliranin na
hahanapan ng tugon sa pag-aaral ay matatagpuan dito.
Haypotesis
• Iniisa-isa sa bahaging ito ang mga nais patunayan ng
mananaliksik sa kanyang pag-aaral.
• May mga mananaliksik din na walang inilalagay na
haypotesis lalo na kung ang pag-aaeal ay kwalitatibo.
Batayang
Teoritikal at
Konseptwal
• Isinusult ng mananaliksik sa ilalim ng pamagat na
Batayang Teoritikal ang mga teoryang nabuo ng mga
naunang mananaliksik, awtor o dalubhasa na may
kaugnayan sa kanyang gagawing pag-aaral.

• Batayang konseptwal
- isinusulat ng mananaliksik ang kanyang sariling
konsepto para sa gagawin niyang pag-aaral.
Kahalagahan ng
Pag-aaral
• Inilalahad ditto ang maidudulot na kapakinabangan ng
pag-aaral sa mga grupo o indibidwal.
• Sa paglalahad nito kailangan magsimula sa malaki o
matataas na organisasyon patungo sa malit na indibidwal.
Saklaw at
Delimitasyon
• Binabanggit sa bahaging ito ang sasakupin at mga hindi
isasama sa pag-aaral.
• Inilalahad din ditto kung saan magsisimula at hangganan
ng pananaliksik.
Depinisyon ng
Termino
• Ang mga katawgang matatagpuan sa iyong pamagat ay
kailangang mabigyan ng kahulugan sa bahaging ito.
• Maaari ring bigyan ng depinisyon ng mga salita sa iyong
pag-aaral na kailangang bigyan ng paglilinaw.

• 2 paraan ng pgbibigay katuturan


1. Konseptwal- ang kahulugan ay batay sa konsepto ng
dalubhasa, awtor o mula sa disyunaryo.
2. Operasyonal – kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit
nito.

You might also like