Elfili
Elfili
Elfili
Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga pahiwatig ng mga iba't ibang kabanata ng El Filibusterismo.
-Ang bapor Tabo’y larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at maraming
balakid sa landas na ang ibig sabihi’y mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong
ang bansa.
-Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at ang ilalim nito. Ang
pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas at mababang uri ng tao.
-Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan heneral, ay walang iba kundi si
Ibarra.
-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang
maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.
-Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan si Simoun gayung ang
pagkakakilala nila’y malapit sa kapitan heneral.
- Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga
magulang sa anak noong unang panahon. Anumang bagay na naisin ng magulang maging laban man sa
kalooban ng anak ay nasusunod.
Kabanata III: Mga Alamat
-Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan. Ito’y
nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing Pilipina.
-Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang
pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.
-Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol ay nagpapakitang handang ipakipaglaban ng
mga Pilipino ang kanilang karapatan.
-May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino. Nariyan ang mga tulisang dumakip kay
Kabesang Tales upang ito’y ipatubos.
-Ang kaawaawang mga Pilipino’y tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting pagkukulang. Malulupit
ang maraming mga nasa tungkulin.
-Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang makapangyarihan sa
bayan.
Kabanata VI: Si Basilio
-Sa kabanatang ito’y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno’y soyang bunga. Si Basilio ay may
mga mabubuting katangiang kabaligtaran ng sa ama.
-Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa, kaisipan,
damdamin at mga mithiin ng may akda para sa kaniyang bayan.
-Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang isa’y
humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama’y nagnanais humiwalay upang
maging ganap na malaya.
-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping inaasahang
ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang
awa.
-Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siya’y naghugas ng kamay at
sinabibg siya’y walang kasalanan.
-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang pasiya ng
mga prayle.
-Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat ito’y nagiging
dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral at ng di-paggalang ng mga ito sa guro.
-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sa pag-
aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao.
-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na wari’y nalulusaw sa init
ng kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval, isang Kastilang naging kasama’t kamag-
aral nina Isagani at Makaraig.
-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang
kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.
-Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang ikabubuti ng bayan.
-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip ng
gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong
panahong yaon.
-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong panahon ng
Kastila.
-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle
sa kanilang kasamaa’t pagkakasala.
-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang maghimagsik.
-Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang maipagmalaki at masabing
sila’y magulang ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.
-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga. Hindi na
natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan.
-May paniniwala si Rizal na ang tao’y pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi.
Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila
-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan. Walang
inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.
-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin ito sa
mga Kastila.
-Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na gawa
ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.
-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng kawagasan
ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng
relihiyon sa ating bansa.
-Ang pag-unald na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang bayan.
-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang kilusang labag
sa kanilang kapakanan.
-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang manatili sa
Pilipinas.
-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting pagkilala sa
mga Pilipino.
-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan, pag-
nagpasalin-salin, ito’y marami nang dagdag.
-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.
-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga
mananampalataya.
-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang mga may
tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.
-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding Kastilang ,ay
ugaling marangal.
-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa
ating bansa.
-Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi siya
makapaghintay sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata.
-Ang dalaga’y makasarili, ang binata’y makabayan.
-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling kaapihan.
-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga maruruning at
mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan.
-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling
masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng
kagandahang-asal.
-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao kahit ito’y di lubhang
kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap sa
kanilang tungkulin bilang ninong pagkat nin hindi natatandaan ang inaanak.
-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang pisata
dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y kahit na mangutang.
-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin.
Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang inyong kapangyarihan.” Nangangahulugang nabibilang na
ang araw ng mga maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang nagkulang
at nakgkasala.
-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan, ayon sa relihiyong Romano.
-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.
-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi nahahayag.
-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang pakundangan sa kanilang mga
kababayan.
-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.
Home
Powered by Blogger.