Mga Tanyag
Mga Tanyag
Mga Tanyag
IBANG LARANGAN
March 16, 2016
Larangan ng Pagpipinta
Fernando Amorsolo
Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 – Abril 24, 1972) ay isa sa mga
pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay isang pintor ng mga
larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging
malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa
Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng
Maynila noong 1909.
Larangan ng Palakasan
Manny Pacquiao
Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao, (isinilang noong 17 Disyembre 1978), ay isang
Filipino propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng
walong dibisyon at nanalo ng sampung titulo, unang nakakamit ng panalo sa Lineal
Championship sa apat na ibat-ibang klase ng timbang.
Binansagan si Pacquiao ng “Fighter of the Decade” noong dekada 2000 ng Boxing Writers
Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing
Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging “Fighter of the Year” sa mga taong
2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at
2011.
Larangan ng Pagandahan
Gloria Diaz
Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang
babaeng Pilipina na naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami
Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong Ika-19 ng Hulyo taong
1969. Siya rin ay isang sikat at matagumpay na aktres sa Pilipinas.
Produktibong Mamamayan ng Bansa
Larangan ng Panitikan
Graciano Lopez Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang
naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing
mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang
Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay
na “Fray Botod” na nangangahulugang bundat na prayle.
Larangan ng Pag-awit
Sarah Geronimo
Si Sarah Asher Tua Geronimo (ipinanganak Hulyo 25, 1988) ay isang mang-aawit, aktres at
modelong Pilipina. Siya ang nagwagi sa reality show na Star for a Night sa Pilipinas. Siya
ang pinakabatang nanalo ng Star For A Night, isang palabas ng reality-based sa Pilipinas
noong panahon ng MTV Pilipinas Awards 2004 nang kumanta si Geronimo, kasama si Guy
Sebastian. Ginawaran si Geronimo bilang sikat na artista ng MTV Philippines. Ginawad rin
siya bilang Nickelodeon’s Kids Choice for Wannabe Personality.
Larangan ng Paglililok
Napoleon Abueva
Si Napoleón Isabelo Veloso-Abueva (ipinanganak noong 26 Enero 1930), na higit na
nakikilala bilang Napoleon Abueva o Nap Abueva, ay isang tanyag na iskultor na Pilipino.
Itinuring siyang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas. Siya ang pinakabata sa taong
46, at kauna-unaha’t natatanging Boholano na nabigyan ng parangal bilang Pambansang
Alagad ng Sining sa larangan ng Sining Biswal.
Larangan ng Sayaw
Liza Macuja – Elizalde
Dating nabansagang “Ballerina of the People”, kilala si Lisa Macuja-Elizalde bilang isang
tanyag na Prima Ballerina dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kasama sa mga patimpalak na
ginawad sa kanya sa kanyang mahabang karera bilang ballerina at artist ang Order of
International Friendship (na ginawad ni Russian President Vladimir Putin noong 2001),
Ten Outstanding Young Persons of the World (1997), at ang Special Prize for Artistry by the
House of Diaghilev (1992).
Larangan ng Musika
Levi Celerio
Si Levi Celerio (1910-2002), isang lirisista at kompositor, ay Pambansang Alagad ng Sining
sa Musika nang Pilipinas. Bilang isang kompositor, nakasulat siya ng higit sa 4000 na mga
awit sa Tagalog. Ang ilan sa mga ito ay salin mula sa mga banyagang kanta o mga
bernakular na awit, ngunit ang karamihan dito ay kanyang mga orihinal na obra.
Pinagmulan at Edukasyon Ipinanganak siya noong 30 Abril 1910 sa Tondo, Maynila at
supling nina Juliana Celerio, ang nagturo sa kanya na tumugtog ng harpa, at ni Cornelio
Cruz.
Larangan ng Tanghalan
Lea Salonga
Si Lea Salonga-Chien (ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang-aawit at
aktres na naging bantog dahil sa kanyang pagganap sa musikal na Miss Saigon, kung saan
siya ay nagwagi ng Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at Theatre World Awards, ang
kauna-unahang nanalo sa iba’t ibang international awards para sa iisang pagganap
to'y di mapapasakamay
to'y di namin matataglay
MALIGAYANG ARAW NG MGA GURO! Sa aking mga naging Guro, sa mga kaibigang
Guro, sa mga kaGuro, sa sarili ko narin. ;)
Posted 4th October 2012 by markjan