Deklamasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Luha ni Rufino Alejandro (DEKLAMASYON)

Daloy, aking luha daloy aking luha, sa gabing malalim, sa iyong pag-agos, inanod mo
lamang ang aking damdamin,
Hugasan ang puso yaring abang pusong luray sa hilahil,
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Nang akoy musmos pa at bagong nunukad yaring kaisipan,
May biling ganito si Amat si Ina bago sumahukay: Bunso, kaiingat sa iyong paglakad
sa landas ng buhay, Ang ikawy mabuyo sa gawang masamay dapat mong iwasan.
Nang akoy lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak
Ng kapalaluat ang aral ni Amat ni Inay hinamak;
Sa maalong dagat ng buhay sa mundoy nag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na nitong huli nay saka
nakilalang alak na nanatay!
Ang pinagbatayay dapat magpasasa sa kasalukuyat
Isang Bahala na! ang tanging inyukol sa kinabukasan!
Kaya naman ngayon sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng
isang huling pagsisisi;
Tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagit iluha ang aking palad na nasapit na
napakaapi!
Daloy, aking luha dumaloy ka ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa
pakikibaka sa dagat ng buhay; inanod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan,
Nang yaring hirap kot susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
Daloy, aking luha dumaloy ka, dumaloy ka!
Magsisi man ako ay huli na
Ang panahong nawaglit ay din a maibabalik!
Kaya mga kabataan, huwag nyong tularan ang aking karanasang
Ang kinahantungan ay kapighatian
Kapighatiang patuloy kong pinagsisisihan!
Daloy aking luha, dumaloy ka

Inang Wika ni Amado Hernandez (DEKLAMASYON)


Akoy ikakasal, sa aming tahanay masayang-masaya: may piging, tugtugan,
awitan, sayawan.
Ang aking magiging kabiyak ng buhay ay isang binatang puti, binatang sibol sa
kanluran: magandat makisig, marunong, mayaman tila pulot-gata sa bibig ng isang
mundong kaibigan.
Sa tanging sasakyan, nang kamiy lumulan, may natanaw ako sa tapat ng bahay na
isang matandang babaing luhaan, waring tinatawag ang aking pangalan tila
humihingi ng kaunting pagdamay; subalit sa gitna ng kaligayahan, siya ay hindi ko
binati man lamang, siya ay hindi ko pinansin man lamang, habang ang sasakyan ay
nagtutumulin hanggang sa simbahan.
Maligaya kaming nagsiluhod kapwa sa harap ng Birhen, sa gintong dambana;
pagkasaya-sayat ang mga kampana ay di-magkamayaw sa pagbabalita n gaming
kasalan na pangmaharlika; ngunit ang larawan ng kaawa-awang matanday hindi
ko matanggal sa diwa, mandiy malikmata; ang nag-uunahang luha ng kandila ay
tila kanya ring tumutulong luha; gayon man sa piling ng kahanga-hangang kaisangpuso koy niwalang-bahala, sa gitna ng tuway nilimot kong pilit ang gayong
hiwaga gaya ng liwanag ng buwang palaba na di masisira sa bahid ng ulap sa
gabing payapa.
Natapos ang kasal, batian, kamayan, ngiting matatamis, birong maaanghang at
saboy ng bigas sa amiy salubong pagbaba sa altar ngunit sino yaong aking
natatanaw, matandang babaing nalugmok na biglat nawalan ng malay at lingid sa
taong hindi magkamayaw. Ah! Siya rin yaong kanginay hindi ko pinansin man
lamang.
Nang saklolohan kot patakbong lapitan, nang kandungin ko na sa aking
kandungan, ngumiting magiliw sa hapis ng kanyang pag-aagaw-buhay at saka
nagwikang tigib-kapaitan: Anak ko, bunso kosalamatpaalam Ako ang ina
mong sawing kapalaran!
At ang kulang-palad ay napalungayngay. Sa bisig ko na rin namatay namatay!
Noon ko natanong ang ina kong mahal, ang Inang wika kong sa akiy nagbigay ng
lahat ng dangal, ang wikang tagalong na naiwang limot nang akoy matanghal, at
itinakwil ko sa pagtatagumpay, ay isang babaing nabuhay sa dusat sa lungkot
namatay, nang akoy pakasal sa Wikang Dayuhan.

You might also like