Suring Basa
Suring Basa
Suring Basa
Buod:
Isang araw ang mga bata ay magkahalo ang takot at pagsabik sa pagdating ng kanilang tatay sapagkat
dati ay nag-dadala ang tatay ng masarap na pansit guisado at kanila itong masayang pinagsasaluhan. Ngunit
parang suntok sa buwan na lamang ang dating ginagawa ng tatay. Sa kabilang banda nawalan ito ng hanap-
buhay. Kung magdadala naman ito ng pansit ay para sa kaniya lamang ito. Hindi natiis ng ina kaya gumawa
ito ng paraan upang ang anim na bata ay makakain. Isang gabi umuwi na lasing ama narinig nito ang
halinghing na boses ni Mui Mui. Gagap ng buong pamilya kung gaano ikinainit ng ulo ng kanilang ama ang
pag-halinghing ni Mui Mui. Hindi naka-pagtimpi ang ama at sinuntok niya ito kaya tumilapon si Mui Mui sa
kabilang pader. Pagkalipas ang ilang araw ay binawian ng buhay ang batang si mui mui. Sa labis na pag-
sisisi ng ama nag-alay ito ng pansit at nangakong hindi na muli bibili ng alak at magiging isang mabuting
ama na.
Ⅰ. Panimula
a. Uri ng Panitikan: Ang kathang “Ang Ama” ay isang maikling kwento na tumtalakay sa buhay ni Mui Mui
sa kamay ng kanyang malupit at iresponsableng ama. Ang maikling kwento ay isang salaysaying may isa o
ilang tauhan at may isang pangyayari sa kakintalan.
c. Pagkilala sa may akda: Si Mauro R. Avena ay isang tanyag na manunulat na tubong Pilipino. Si Mauro ay
ipinanganak noong ika-1 ng Agosto taong 1916 at namatay siya noong ika-3 ng Hunyo 2002 sa edad na 85
taong gulang.
d. Layunin ng may akda: Layunin nito na maipamulat sa mga magulang o anak na kapag may problema ay
huwag idaan sa galit o sa paglalasing bagkus ay mag usap na lamang ng mahinahon upang maresolba ang
anumang gusot.
Ⅱ. Pagsusuring Panglinggwistika
Ⅲ. Pagsusuring Pangnilalaman
a. Tema o Paksa ng akda: Ang ama ay tungkol sa malungkot na buhay ni Mui Mui na dumaranas ng
pagmamalupit at pambubugbog mula sa kaniyang sariling ama.
b. Mga Tauhan/Karakter sa akda:
• Mui Mui- Siya ang batang may sakit at masayahing bata ngunit namatay ito.
• Ang Ama- Siya ay isang iresponsableng ama sapagkat umuuwi lagi siyang lasing.
• Ina- Siya ang palaging binubugbog ng ama at nagtatrabaho bilang labandera sa bayan.
• Ang mag kakapatid- Sila ang mga kapatid ni Mui Mui na mga payatin at mahihina
c. Tagpuan/Panahon:
• Ang Bahay ng maganak- Dito nangyari ang pambubugbog ng ama kina Mui Mui at sa kanilang ina.
Isang araw magkahalo ang takot at pananabik ng mga bata kapag dadating ang kanilang ama sapagkat
minsan ay umuuwi ito ng lasing at nagdadabog sa may silid. Bago pa ito nangyari maganda pa ang trabaho
ng kanilang ama minsan pa nga ay naguuwi pa ito ng kanilang paboritong pansit guisado. Ngunit nag iba ang
hinaharap kapag magdadala ito ng pansit ay sa kaniya lamang ito upang ipang pulutan. Isang gabi uwuwi
naman ito ng lasing at nanlilisik ang mata sa kanilang ina. Binubugbog ito tuwing nasapit ang gabi mayroon
pa ngang naririnig ang magkakapatid na isang tumatawa at umuungol. Nag-iiiyak ang mga bata dahil sa
nerbiyos.
Tuwing uuwi ang kanilang ama ay itinatago sa kuwarto ang batang si Mui Mui dahil madalas itong
pag buhatan ng kamay mayroon itong sakit na pangiwi-ngiwi at nagtatanggal ng mga langib sa kaniyang
binti. Kaya madalas itong kainisan ng ama ang pag tawa nito ng nagpapangilo sa nerbiyos nito. Hindi
nalabas ng bahay ang ina dahil nahihiya siya na makita ng amo ang kaniyang binugbog na mukha.
Noong gabing iyon umuwi ang kanilang ama na masama ang timpla dahil nasisante ito sa kaniyang
pinag-tatrabahuhan. At nagkataon namang naandon si Mui Mui na humahalinghing ng magaling biglang
narinig ito ng kanilang ama hindi nakapagtimpi ito kaya nasuntok si Mui Mui at tumalsik mula sa isang
pader natakot ang mga bata at lumabas muna ang mga ito. Ngunit nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubug.
Pagkaraan ng dalawang araw pumanaw na ang batang si Mui Mui dahil malakas ang pagkakahagis
ng ama sa bata. Hindi naman makapaniwala ang kaniyang mga kapatid at ang ina na wala na si Mui Mui
parang isang pader ang bumagsak sa kanila. Habang umuiyak ang ina nasa kuwarto naman ang ama na
nagmumukmok sa isang gilid at may isang babae na nangongolekta ng abuloy na pilit niyang binibigay sa
ama ng bata ngunit nahihiya ito. Habag na habag siya sa kaniyang sarili “Kaawa-awa kong Mui Mui Kaawa-
awa kong anak” sambit nito sa kaniyang sarili.
Pagkaraan ng isang araw umalis ang ama dahil bibili ito ng pansit sa isang karinderya. Nakauwi na
ang ama nag taka ang mga bata kung bakit may pansit guisado sa lamesa. Nagbihis ang ama ng pangalis
dahil may pupuntahan ito. Sinundan ng mga bata ang kanilang ama dahil hindi nila alam kung saan ito
pupunta nagulat silang lahat sapagkat ang pansit guisandong bitbit ng kanilang ama ay inilagay sa puntod ni
Mui Mui. At nangakong hindi na siya bibiling alak at hindi nadin niya bubugbugin ang kaniyang asawa at
ang mga anak at magiging responsible nang ama.
e. Kulturang masasalamin sa akda: Ang kultura ng mga Singaporean na masasalamin sa kwentong “Ang
Ama” ay ang pagaalay at pagbibigay ng pagkain sa puntod sa mahal nila sa buhay. May paniniwala ang mga
Singaporean,na sa pag- aakalang ang mga patay ay makakakita pa at magiging masaya ito kung iaalay sa
kanila.
Ⅳ. Pagsusuring Pampanitikan
Teoryang Reyalismo- Dahil hindi maaring magkalayo ang pangyayaring binubugbog ng ama ang
asawa dahilan na siya ay nawalan ng trabaho sa totoong buhay.
b. Bisa sa Kaisipan: Naisip ko na kahit ganoon ka iresponsable ang ama may natitira parin siyang
pagmamahal sa kaniyang mga anak.
c. Bisa sa Damdamin: Ang aking naramdaman habang binabasa ko ang maikling kwento ako ay nalulungkot
dahil si Mui Mui ay isang napaka inosenteng bata na wala pang ka alam alam ditto sa mundo.
d. Bisa sa Kaasalan: Ipinapakita rito sa kuwento na ito ang pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak kahit
na napatay niya ito at sa huli naman ay pinagsisisihan niya ito ng bukal sa kanyang puso at isipan
SURING BASA
Buod:
Ito ay tungkol sa isang prinsesa sa Javanese na ninanais mag karoon ng kalayaan. Ninais nitong
masilayan ang buong mundo sinasabi sa liham na labis kina-iingitan ang mga babaeng kanluranin sapagkat
sila ay malaya at nakakamit ang kanilang kalayaan samantalang siya ay naktali sa kanilang lumang tradisyon
kung saan ay naniniwala siyang balang araw ay luluwag ang pagkataling iyon. Nabanggit din niya ang
tungkol sa mga kapatid niyang mga lalaki na kung saan ay nakapag-aral at natrabaho sa kanluran samantala
asilang mga mga babae ay walang pagkakataong makapag-aral lalo na ang paglabas ng kanilang bahay dahil
na rin sa kahigpitan ng kanilang lumang tradisyon. Ninanais niyang makatayo ng mag isa ngunit may
bumabalakid at ito ang kanilang tradisyon wala siyang nagawa kundi sundin na lamang ito. Nagaantay
lamang siya ng ilang taon o henerasyon upang makawala sa kanilang tradisyon. Mabilis lumipas ang
panahon ang hindi niya inaasahanng pangyayari ay nangyari na ang MAKALAYA, ngunit hindi parin siya
lubos na nasiyahan sapagkat ang gusto niya ay makalayo upang makatayo ng mag-isa makapag-aral at higit
sa lahat ay hindi pag-asawahin ng sapilitan. Nakalaya sya pero ang sa isip isip nya parang “hindi pa din sya
kuntento” Natapos ang kanyang liham sa kaniyang pagtatanong na paano ng aba magkaroon, kung tila
ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas kung pabor para sa mga lalaki at hindi para sa mga babae ang
batas at kumbensyon, napaka-daya ng kanilang patakaran, inaakala syang lahat ng dapat respetuhin ay
LALAKI LAMANG.
I. Panimula
a. Uri ng Panitikan: Ito ay isang sanaysay dahil nakpaloob dito ang isang maliit na komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may akda.
c. Pagkilala sa may akda: Si Ruth Elynia S. Mabanglo ay isang retiradong propesor sa University of
Hawaii at Manoa. Isa rin siyang kilalang manunulat at guro sa panitikan sa iba’t ibang unibersidad sa
Pilipinas. Nakatanggap rin siya ng iba’t ibang parangal para sa kaniyang mga gawa, tulad ng Carlos Palanga
Memorial Award, National Book Award at Talaang Ginto.
d. Layunin ng akda: Layunin nitong ipamulat sa lahat ng kababaihan hindi lang sa kababaihan kundi sa
mga kalalakihan na may karapatan at kalayaan din ang mga babae na lumabas at makita ang mudo oo hindi
sila malakas pero nagagawa nila ang mga ginagawa ng mga kalalakihan na mamuno sa isang bansa o isang
kontinente.
I. Pagsusuring Panglinggwistika
a. Tema o Paksa ng akda: Tungkol ito sa isang babae na nag hahangad ng maging isang malaya at
makawala sa mahigpit na kanilang tradisyon. Ipinapakita rin dito na mahalaga ang mga kababaihan sa
mundong ating tinatapakan.
• Estella Zeehandelar- Siya ang nagsulat ng liham at siya din ang kinulong ng mahabang taon sa isang
kahon.
• Anim na lalake na kapatid ni Estella- Sila ang nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa at nag aaral sa sikat na
mga unibersidad.
• Pangeran Ario Tjondronegoro- lolo ni Estella kilalang lider ng kilusang progresibo ng kaniyang
panahon at kauna-unahang regent ng gitnang java ang nagbukas ng pinto para sa panauhin mula sa ibayong
dagat.
c. Tagpuan/Panahon
Ibig niya lang makilala ng isang babaeng modern sa malaya. Sinasalubong niya ang bagong
panahon; totoong sa puso’t isip niya’y hindi siya nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng
mga puting kapatid na babae na tumatanawsa malayong kanluran.
Gustong gusto niya labanan ang lumang tradisyon meron sila upang magkaroon ng kalayaan subalit
sila’y nakatali sa kanilang lumang tradisyon na hindi dapat suwayin. Sila ay umaasa na balang araw makamit
nila sana ang kalayaang kanilang ninanais dahil hindi sila makagawa ng mga bagay na gusto sana nilang
gawin ngunit sa kahigpitan ng kanilang tradisyon wala silang magagawa kundi hintayin lamang ang tamang
panahon kung kalian makamit nila ang kalayaang nais makuha, ngunit baka pagkatapos ng tatlo o apat na
henerasyon. Umaabot sa kaniya ang tinig na galling sa malayong lupain ang malayo , marikit at bagong
silang na Europe ay nagtutalak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong
musmos pa ako’y may pang-aakit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”.
Ang kaniya namang kapatid ay nag-aaral sa unibersidad ng nthederlands bilang isang sundalo.
Nilipas niya din ang kaniyang oras sa pag-susulat ng liham sa kaniayng kaibigang dutch “ Ang Diwa ng
Panahon” ay itinuturing niyang kaibigan nakakapagpabagon ng mga lumang tradisyon. Nang sumunod na
taon nang pamunuan ng batang prinsesa bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands ay pinalaya sila ng
kanilang mga magulang.
Mabilis lumipas ang panahon at nang maging labing anim na taon gulang siya ay hindi inaasahang
siya ay makakalaya. Sa huli nakalaya nga siya ngunit hindi siya kontento sapagkat ibig niyang maging
malaya upang makatayo siya sa kanyang sarili, makapag-aral at hindi para pagasawahinnang pagpilitan.
Ngunit dapat silang mag-asawa dahil hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanan na maaring magawa
ng isang muslim na babae.
Natapos ang kanyang liham sa kaniyang pagtatanong na paano ng aba magkaroon, kung tila
ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas kung pabor para sa mga lalaki at hindi para sa mga babae ang
batas at kumbensyon, napaka-daya ng kanilang patakaran, inaakala syang lahat ng dapat respetuhin ay
LALAKI LAMANG
e. Kulturang masasalamin sa akda: Masasalamin dito na ang kababaihan ay hindi pinapalabas ng bahay
at hindi pwedeng lumaban sa politika. Pinipili din ng kanilang magulang kung sino ang kanilang
mapapangasawa.
Ito ay ang teoryang Eksistensyalismo layunin nito na ipakita na may kakayahan ang tao na
magdesisyon para sa kanyang sarili. Kahalagahan ng personalidad ng isang tao.
b. Bisa sa Kaisipan: Naisip kong mabigat pala ang pinagdadaanan ng kababaihan sa Indonesia dahil sa
kanilang lumang tradisyon. Gusto lamang niya ay makapagaral ng mabuti upang malibot niya ang buong
mundo.
c. Bisa sa Damdamin: Ang naramdaman ko sa sanaysay na ito ay naawa bakit dahil pinangarap niya
lamang ay mag-aral ngunit hindi parin siya pinayagan dahilan sa kanilang tradisyon.
d. Bisa sa Kaasalan: Natutunan ko na maging masikap sa buhay at pagbutihin ang pag-aaral sapagkat
mayroon mga tao sa ibang bansa na hindi nakakapag-aral dahilan sa kanilang mga tradisyon.
SURING BASA
Buod:
Araw ng pangilin, naghahanda ang mag-ina ni Boy para sa misa. Makikita ang pagkainis sa mukha
ng bata habang siya binibihisan ng kanyang ina, sapagkat ayaw niyang sumama para dumalo sa banal na
misa. Patuloy na nagtalo ang dalawa at narinig ito ni Tiyo Simon. Agad itong pumasok sa silid at kanyang
inalam ang bagay na pinagtatalunan ng dalawa. Nagwika ang ina at sinabing pinipilit niyang isama si Boy sa
misa ngunit patuloy itong inaayawan ng bata. Naputol ang kanilang pagtatalo sa sandaling sinambit ni Tiyo
Simon na siya ay sasama sa kanila. Dali-dali itong gumayak at bumalik sa silid ni Boy. Nagulat ang mag-ina
sa kanilang natunghayan at tila parehas silang natigilan. Naupo si Boy at Simon habang iniintay ang
kaniyang inang nagbibihis. Nagkaroon sila ng mataimtim na pag-uusap at ikinuwento ni Tiyo Simon ang
kanyang karanasan na tila naging dahilan ng kanyang muling paglapit sa Diyos. Kanyang napagtanto na ang
kanyang pagtalikod noon ay hindi nagdulot ng kasiyahan sa kanyang buhay. Kinumpara niya ito sa batang
nasagasaan ng trak na bakas sa mukha ang galak sa kabila ng mapait na pangyayari. Magmula noon, dala-
dala niya ang manikang hawak ng batang nasagasaan upang ipaalala sa kanya ang tunay na kahalagahan ng
paniniwala sa Diyos. Matapos ang kanilang pagdidiyalogo ay nagtungo na sila sa simbahan upang dumalo sa
banal na misa
I. Panimula
a. Uri ng Panitikan: Ang akdang “Tiyo Simon” ay isang dulang nagpapakita ng ilang realistikong tagpo
ukol sa pananalig at pananampalataya sa Diyos. Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan na nahahati
sa yugto na kadalasang itinatanghal upang personal na maiparating ng mga karakter ang damdaming nais
nilang ipahayag.
b. Bansang Pinagmulan: Ito ay nagmula sa bansang Pilipinas kung saan laganap ang Kristiyanismo na
siyang itinuturing bilang pngunahing relihiyon ng karamihan.
c. Pagkilala sa may akda: Si Simeon Galvez Toribio o mas kilala bilang N.P.S. Toribio ay ipinanganak
noong ika-3 ng Setyembre taong 1905 sa lalawigan ng Bohol, bayan ng Loboc. Ang kaniyang amang si Luis
Toribio ay pinuno ng Revolutionary Forces na kalaunan ay nagging court clerk. Napadpad sila sa Bohol
matapos ang mapait na pagkatalo nito sa eleksyon. Ngunit di katulad ng ibang manunulat, isports ang
kanyang interes at nagging libangan noong kanyang kabataan. Dahil dito, nag-uwi siya ng maraming
parangal, ito man ay panglalawigan, pambansa o pang-internasyonal. Namayagpag ang kaniyang pangalan
sa larangan ng pole vault na nagging dahilan upang mapabilang ang kaniyang talambuhay sa 1928 World
Biography na inilathala sa New York.
Sa kabilang banda, hindi lamang sa aspektong pampalakasan siya nakilala kundi pati rin sa larangan
ng literature. Isa sa kanyang sikat na mga obra ay ang “Tiyo Simon” na tumatalakay sa kahalagahan ng
pananalig sa Diyos.
d. Layunin ng akda: Ang akdang ito ay naglalayong imulat ang kaisipan ng mga mambabasa na
mayroong iba’t ibang paraan ang mga tao upang kanilang maipahayag ang kanilang paniniwala at
pananampalataya sa Diyos. Ipinakita rito na hindi magandang husgahan ang isang tao dahil lamang sa
kanyang di paggawa sa bahay na ginagawa ng karamihan. Maaaring may magandang rason sila kung bakit
hindi sila makatugon sa mga gawaing iyon.
I. Pagsusuring Panglinggwistika
• Nakapagpa-Hesus- Ang salitang ito ay tumutukoy sa isa sa mga banal na sakramento ng mga
Kristiyano, ang binyag o ang pagbebendisyon sa isang tao.
a. Tema o Paksa ng akda: Nakatuon ang dula sa pagsasalaysay sa kahalagahan ng paniniwala at patuloy
na pananalig sa Diyos sa kabila ng mapait na pangyayari. Ipinakita rito kung paano nagbalik loo bang
pangunahing tauhan sa Panginoon, mula sa pagiging mainitin ang ulo at matigas ang loob sa pagiging isang
taong may paggalang at paniniwala sa nakatataas.
• Tiyo Simon- Isa sa mga pngunahing tauhan ng dula kung saan inilarawan siya bilang isang taong may
kapansanan sa paa at may kakaibang paniniwala na di maunawaan ng kanyang hipag. Hindi siya
palasimbang tao ngunit may matibay na pananalig sa Panginoon.
• Ina- Siya ang relihiyosang hipag ni Tiyo Simon at ina ni Boy. Mahihinuha sa dula ang kanyang lubos
na pananampalataya sa Diyos.
c. Tagpuan/Panahon
• Sa loob ng silid ni Boy- Dito nagana pang mataimtim na pag-uusap ng mag-tiyo tungkol sa kung anong
koneksyon ang mayroon sila sa Diyos.
Araw ng pangilin, naghahanda ang mag-ina ni Boy para sa misa. Makikita ang pagkainis sa mukha
ng bata habang siya binibihisan ng kanyang ina, sapagkat ayaw niyang sumama para dumalo sa banal na
misa. Patuloy na nagtalo ang dalawa at narinig ito ni Tiyo Simon.
Agad na pumasok si Tiyo Simon sa silid at kanyang inalam ang bagay na pinagtatalunan ng dalawa.
Nagwika ang ina at sinabing pinipilit niyang isama si Boy sa misa ngunit patuloy itong inaayawan ng bata.
Naputol ang kanilang pagtatalo sa sandaling sinambit ni Tiyo Simon na siya ay sasama sa kanila.
Dali-dali itong gumayak at bumalik sa silid ni Boy. Nagulat ang mag-ina sa kanilang natunghayan at
tila parehas silang natigilan. Naupo si Boy at Simon habang iniintay ang kaniyang inang nagbibihis.
Nagkaroon sila ng mataimtim na pag-uusap at ikinuwento ni Tiyo Simon ang kanyang karanasan na tila
nagging dahilan ng kanyang muling paglapit sa Diyos.
Kanyang napagtanto na ang kanyang pagtalikod noon ay hindi nagdulot ng kasiyahan sa kanyang
buhay. Kinumpara niya ito sa batang nasagasaan ng trak na bakas sa mukha ang galak sa kabila ng mapait na
pangyayari. Magmula noon, dala-dala niya ang manikang hawak ng batang nasagasaan upang ipaalala sa
kanya ang tunay na kahalagahan ng paniniwala sa Diyos.
Matapos ang kanilang pagdidiyalogo ay nagtungo na sila sa simbahan upang dumalo sa banal na
misa.
e. Kulturang masasalamin sa akda: Masasalamin dito ang kaugaliang namana ng mga Pilipino mula sa
mga mananakop na Kastila, ang pagiging relihiyoso at may matibay na pananalig sa Poong Maykapal.
Teoryang Realismo- Ang kwentong ito ay nakaayon sa Teoryang Realismo sapagkat ang mga
pangyayaring naganap ay di malabong maganap sa tunay na buhay. Katulad na lamang ng muling
pagbabalik loob ni Simon sa Diyos sa pamamagitan ng isang pangyayaring di niya inaasahang kanyang
masisilayan. Maraming tao ang may ganitong karanasan at ito ang kanilang nagging pundasyon upang
muling patibayin ang kanilang paniniwala.
Teoryang Kultural- Ito rin ay nakasunod sa Teoryang Kultural sapagakat ipinakita rito ang pagiging
relihiyoso ng mga Pilipino. Isa ito sa mga katangiang mayroon dito sa Pilipinas na nakuha ng ating mga
ninuno sa mga mananakop na Kastila. Maging sa kasalukuyan ay mababakas pa rin ang kaugaliang ito.
b. Bisa sa Kaisipan: Ang pangunahing kaisipan sa tiyo simon ay ang pagbabalik loob at pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos. Marami sa atin ang naliligaw ng landas kagaya na lamang ni Tiyo Simon, subalit
bandang huli, ating mapagtatanto na ang Diyos lamang ang ating malalapitan at patuloy na makakapitan.
c. Bisang Pandamdamin: Halo-halong emosyon ang aking naramdaman habang binabasa ko ang dulang
“Tiyo Simon”. Noong una ay nakaramdam ako ng lungkot dahilan sa patuloy na pagtanggi ni Boy sa
pagsama sa kanyang ina upang dumalo sa misa. Gayunpaman, nag-iba ang pihit ng aking damdamin ng
sambitin ni Tiyo Simon na siya ay sasama sa mag-ina. Tila nakaramdam ako ng galak at pag-asa na
maaaring magbago rin ang pananaw ng mga tao sa realidad katulad ng naganap kay Simon sa dula. Hindi pa
huli ang lahat para muling maituwid ang landas ng mga taong napariwara o tumalikod sa Panginoon. Sa
bandang huli ng dula, natuwa ako sapagkat tuluyan nang tinanggap muli ni Tiyo Simon ang Diyos.
d. Bisang Pangkaasalan: Ang asal na aking nahinuha ay ang pagkakaroon ng matibay na loob at malakas
na pananampalataya sa Diyos. Dahil sa kanya, patuloy tayong bumabangon at muling umaahon sa
kalugmukan at sa mga pagsubok na ating pinagdadaanan. Siya ay laging nariyan upang umalalay at tayo’y
gabayan sa anumang desisyong ating gagawin sa buhay.