ANG ALAMAT NG BIAG NI LAM-ang

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG ALAMAT NG BIAG NI LAM-ANG

Siyam na buwan bago siya isinilang sa isang maharlikang familia,


namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang isang masamang
pangkat ng mga Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang
kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala
at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina
pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agad-agad nagsalita.
Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na
mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa
kanyang ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot,
inakyat ni Lam-Ang ang bundok at natagpuan ang bangkay ng ama niya.
Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa ng mga masamang Igorot, gamit
ang tangi niyang sandata - isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at


sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng
putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog
ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa
tubig ay namatay lahat sa pampang.
Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya.
Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang
magiging asawa niya ay si Ines, isang babae taga-Kandon, isang munting
nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isang
batong dambuhala (stone giant ) na sumisira sa palay at tobaco sa mga
bukid. Gamit ang kalasag na pilak (silver shield ) na minana sa ama,
nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.

Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong


lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa
bahay, napilitan ni Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw
hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa bahay.
Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng luob ni Lam-Ang kaya
pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga
magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya (dowry) ang
mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.

Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang


linggo, kasama ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman.
Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng
ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba
pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang
ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala.
Nuong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan ng 3 taon,
nagka-anak na lalaki ang bagong mag-asawa.

Isang araw, binangungot ( pesadilla, nightmare) si Lam-Ang: Alang-alang


sa kanyang anak, at sa kanyang mga ninuno (antepasados, ancestors),
kailangan niyang pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap (ancient
ritual of sacrifice). Ayon masamang panaginip, dapat siyang sumisid
hanggang sa sahig ng dagat (sea floor) upang hanapin ang gintong kabibi (
gold seashell ). Batid ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya
nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya at binigyan
ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susu-
ungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang
habilin ng pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos.

Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa


mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong
kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-
Ang nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na
pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig
na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan (estufa, stove), umuga ang
hagdan (escalera, stairs), at nanginig ang kanilang anak na lalaki.
Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.

Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas lumabas at sundin ang
mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto-buto ni Lam-Ang na
inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni
Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla (seda rojo, red silk),
tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga
panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at
katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na
buhay na muli.

Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at


ang kanilang anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang
buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang
panahon.

You might also like