Download as RTF, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 5
A.
Wika at Kamalayan (Topic Outline)
Mga Paksa: 1. Karanasang > Suliranin > Makaagham na Pananaliksik (Scientific Research) 2. Kamalayang dulot ng ating pag-aaral at pagsasalita ng ng Ikalawang Wika; nanunumbalik na kamalayan tuwing ginagamit ang Unang Wika = Nakakapagtakang Pagbabago ng Kamalayan (na depende sa wikang [= kamalayang] ating gamit) 3. Anong nagpapabago sa ating pagkamalay sa ating daigdig tuwing nagbabago tayo ng wikang ginagamit? 4. Ano ang kinalaman ng ating wikang ginagamit sa ating kamalayan? 5. Paghihimay ng kabuuan ng ating kamalayan at kabuuan ang ating wikang ginagamit = Pamamaraan ng pagsisiyasat at paghahanap ng kasagutan sa mga tanong na nasa itaas. 6. Dahil sa presensya ng mga bagay na hindi natin kayang tapatan ng salita sa wikang atig gamit, mapatutunayan na hindi kailangan manulay sa wika ang anumang (o ang lahat ng) pumapasok sa ating kamalayan. 7. Dalawang paraan na ginagamit upang tukuyin ang bagay na hindi natin matapatan ng katawagan sa ating wikang ginagamit: (1) Ituro and bagay o (2) Maaari rin tayong magsalita gamit ang Kwan o Ang bagay ay.. 8. Gumagamit tayo ng kumpas ng kamay at mahahabang pangungusap upang maisaayos ang lahat ng impresyong galing sa kapaligiran na ibinibigay sa atin ng ating limang pandama at maihatid ang katawagan na kinakailangan sa nasabing pagsasaayos ng ating kamalayan. 9. ^^ Kung sakaling di parin tayo makatanggap ng angkop na sagot ay bumabalik tayo sa paglalarawan gamit ang mga salitang: Ang bagay doon o Ang kwan.. 10. Ang paguuri ayon sa mga pangalan na naturingang hindi tiyak ngunit nagbibigay ng ideya ay isa sa mga paraan upang maisaayos ang balangkas ng kamalayan ng isang tao sa kapaligiran. 11. Nagagawa natin nang walang patid ang mga bagay na naisaad nang kahit hindi natin gaano namamalayan. 12. Balangkas ng kaurian sa ating kamalayan (Paguuri) = Sistema ng Etiketa sa ating wika (Pageetiketa) // Ang dalawang ito ay magkatapat at parehas na umaayon sa nakatakdang panuntunang nagsasaad ng relasyon o pagkakapareho ng katangian ng mga bagay-bagay. 13. Kapag sinuri ang pageetiketa ng mga bagay-bagay na nagbibigay buhay sa kamalayan ng isang tao, mapapansin na kayat nagiiba ang pananaw nito kapag siya ay nagsasalita ng ibang wika ay dahil may pagkakaiba ang mga paniniwala at paraan ng pageetiketa o pagaayon ng mga bagaybagay ng mga lahing nasa mundong ating ginagalawan. Ang pagsasaayos ng mga tao ng mga bagay-bagay ay naiimpluwnesiyahan ng ibat ibang pananaw at kamalayan dahil itoy nasasaklawan ng kultura, at mga pinamana at pinangangalagaang mga paniniwala. 14. Dahil sa nasabi sa itaas, kung kayat nagkakaron ng pagkakaiba ng
pananaw ang mga tao tuwing magbabago ang kani-kanilang wikang
ginagamit. B. Kultura ng Wika (Topic Outline) Mga Paksa: a. Ugnayan ng Wika sa Kultura b. Proseso ng Pagbibigay Buhay sa Wika gamit ang mga Tunog, Pantig, Kataga, Salita, at mga Kayarian ng mga ito c. Paguuri ng Wika at ang pagtatalakay sa pagbuo ng ng mga makabuluhang parirala o pangungusap d. Pangngalan at ang mga Kayarian at Paguuri nito e. Panghalip (Mga uri nito) f. Pang-uri (kayarian, kailanan at kasidhian) g. Pandiwa (kayarian, aspekto, at pokus) h. Pang-abay (gamit nito sa paguuri ng pandiwa) i. Balanghay () 1. Wika ay natatanging kultura na may kakayahang maglarawan ng kapaligiran. 2. Balarila (Conventions) ang batas ng wika na sinusunod sa wastiong paggamit ng kataga, salita at pangungusap sa komunikasyon. 3. Wika bilang Kultura > likha ng tao > tunog > pasulat > 4. Kultura ng Wika (bilang likhang tao) at Kultura ng Bayang nakapaloob sa Wika (bilang pagsasama-sama ng mga pekyulyar na pamamaraan/pagkakabuo ng wika ayon sa bayan) 5. Dalawang paghahati sa Kapaligiran: Kalikasan (natural) at Kalikhaan (pinasinayanan ng mga tao/ginawa gagawin at ginagawa ng mga tao // Kultura) 6. Gamit ng wika: (1) Pakikipagtalastana/Komunikasyon = Natalakay ang paggawa ng tunog, talatunugan, pagpapantig at pagbubuo ng mga salita ==== Likha ng tao itong lahat kung kayat kinokonsiderang parte ito ng Kultura ng tao. C. Mulang Tagalog Hanggang Filipino (Topic Outline) Mga Paksa: 1. Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Filipinas: Unang nalimbag sa Doctrina Christiana (1593) 2. Dalawang malaking yugto ng pormalisasyon at kasalukuyang dumaranas ng ikatlong malaking reporma: Ang kasaysayan nito ang dapat pagtuunan ng pansin upang maintindihan at masiyasat ang nangyari at nangyayaring transpormasyon ng ating wikang pambansa. 3. Ang deskriptibong pagsusuri ay hindi magdadala ng buong pagkaunawa sa wika ng kasalukuyan. 4. Ang pundasyong pangwika ng Filipino ay hindi dapat basta pakialaman at baguhin sapagkay itoy bunga ng matagal na kasaysayan. Dapat itong
5.
6.
7. 8. 9. 10. 11. 12.
ingatang lalo nat ang panahon ng modernisasyon ay nasasaatin na.
ALPABETONG ROMANO: Idinagdag sa sinaunang baybayin na ipinalagay ng mga Espanol na may kakulangan pagdating sa paggamit nito sa pagsulat; ito ang UNANG ESTRATEHIKONG HAKBANG PARA SA PORMALISASYON NG MGA WIKA SA FILIPINAS. Naging mas episyente and pagsulat kaysa sa baybayin. Lumaganap ang katutubong baybayin na iwinasto at isinalin upang magamit ang sariling alpabeto ng mga Romano at naging bihira ang hindi mahusay gumamit sa paraan ng pagsusulat na ito. (Naisa-alang alang ang sinaunang kultura ng tunay na katutubong baybayin para sa mas episyenteng paraan ng pagsusulat at magagandang pagakataon para sa mga naging edukado sa bagong alpabetong itinuturo ng mga misyonero) ((Dahil sa pagsulong ng makabagong alpabeto, nagsimula nang magkaron ng diskriminasyon sa pagitan ng mga marunong magbasa at magsulat ng sulat Romano sa mga dukha" at mangmang na nanatiling gumagamit ng baybayin)) Dahil din sa nabanggit na pagmomodernisa ng baybayin sa Alpabetong Romano, sumagana na rin ang mga salita at pariralang Espanyol sa loob ng katutubong wika ng Filipinas. ABAKADANG TAGALOG: Ikalawang repormang pangwika na nangyari noong panahon ng Amerikano. Paglalathala at pagtadhana ng paggamit ng isang Wikang Pambansa. Tagalog (na kalaunay naging Pilipino) Pagbuo ng isang sistematikong wikang pangagham na hindi humihiram sa Ingles o Enspanyol Nagkaron ng BILINGGUILISMO SA EDUKASYON dulot ng pagsasakatuparan ng paggamit ng sari-saring lenggwahe sa pagaaral mula unang baitang hanggang edukasyong tearsiyarya. PILIPINO (purong tagalog lamang) vs FILIPINO (wikang pambansa: representasyon ng lahat ng wika sa Filipinas): Nagsilbing sagisag ng pagmomodernisa ng wika at ng alpabeto ang pagpapalit ng letrang F sa dating P. Ang wikang Filipino ay naging masbukas sa pagtanggap ng mga mapagpapayamang salita mula sa katutubong wika ng ating bansa maging narin sa Ingles at ibang wikang internasyonal.
D. Wikang Filipino Bilang Konsepto (Topic Outline)
Mga Paksa: 1. Pagkakaiba ng Tagalog sa Pilipino, at sa Filipino 2. 1937 Constitution: Batay sa isang wika ang wikang pambansa; 1937: Tagalog ang naging batayan; 1959: Pilipino; 1973: hindi na isa, kundi lahat ng wika ng Pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila, ang batayan ng Wikang Pambansa; 1987: tatawaging Filipino ang nabanggit sa 1973 3. Politikal ang pangunahin dahilan ng pagbabago ng wikang pambansa
4. Mayroong mga di-Tagalog na hindi matanggap na namumuno at
dominante ang paggamit ng Tagalog bilang Wikang Pambansa. 5. KONSEPTUWAL NA BATAYAN NG FILIPINO: Maipapaliwanag at mailalarawan ang esensiya at katangian ng wikang pambansa ng Filipinas. 6. (cont) konsepto: (diksiyonaryo) ideya of abstraktong prinsipyo kaugnay ng isang partikular na paksa o pananaw sa paksa; (depinisyon) isang pahayag na nagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o ekspresyon. 7. Paguugnay ng Lingua Franca (pinagbabatayan ng bagong wikang pambansa; itoy isang wikang nagagamit ng dalawang taong magkaiba ang unang wika) at Diyalekto ng Wikang Filipino sa wikang Filipino 8. Ang Lingua Franca ay nagiging posible dahil sa tatlong bagay na komon sa mga Filipino: (1) Pagkakahawig ng mga wika ng Filipinas at komon na katawagan sa mga bagay (2) karanasang pangkalakalan at kolonyal (3) pag-unlad ng gamit ng Pilipino (batay sa Tagalog) mula sa mass media at mga eskwelahan 9. Uri ng pagbabago: Konseptwal [atityud sa wika] (horizontal) at Historikal [panahon] (vertical) 10. Mga Diyalekto ng Filipino at Pagkilala sa Mga Katutubong Wika ng Filipinas: Pagdedebelop ng Diyalekto ng Filipino 11. Filipino to Katutubong Tagapagsalita ng Ibang Wika: Ang simpleng paggamit ng Filipino sa pangungusap sa isang taong may ibang katutubong wika ay isang mabisang paraan upang maipakalat at mabuo ang isang tunay at nagagamit na pangkalahatang wikang pambansa. Dahil sa paggamit pinaka-epektibong maiipluwensiyahan ng bawat isa ang epektibong paggamit ng isang komon na wika nang hindi isinasaalang-alang ang kanilang unang wika. E. Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino Mga Paksa: 1. Ang kultura ay ang kolektibong kabuuan ng pagkakakilanlan at katauhan ng isang kalipunan ng tao. 2. Sa wika namumuhay ang Kultura at ito ang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang ito.