Filipino 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Kontekstwalisadong

Komunikasyon sa
Filipino
INTRODUKSIYON
Ang Pagtataguyod ng Wikang
Pambansa sa Mas Mataas na
Antas ng Edukasyon at Lagpas
MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng Introduksiyon, ang mga mananaliksik


na mag-aaral ay inaasahang:

• Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino


bilang mabisang wika sa kontektwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad sa buong bansa.
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Filipino.
• Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan
A. Singkaw- kaisipan o
Alam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng
tao pagkapanganak niya? Integral dahil kakambal niya
ito noong nasilayan niya ang liwanag sa mundong ating
ginagalawan.
Ang wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao.
Ang kaniyang instrumento kasangkapan sa
pagbabahagi ng kaniyang nadarama at opinyon. Sa
pamamagitan din ng wika ay nasasalamin ang kultura
ng mga tao na gumagamit nito. Kaya, mapalad tayo
dahil may sarili tayong Wikang Pambansa na daluyan
ng karunungan—daan tungo sa pag-unlad ng bayan.
B. Lusong-kaalaman

Kuwentuhan tayo
Mayroon tayong iba’t ibang karanasan na paggamit
ng wika, Ingles man ito o Filipino o ibang wika. May
mga gumagamit ng Filipino para masabing makabayan
sila. Ang iba naman, gumagamit ng Ingles sa dayuhang
kausap o hanapbuhay o kaya ay para magpasikat sa
kausap nila. Ano ang karanasang hindi mo malimutan sa
paggamit ng wika? Tiyaking hindi lalampas sa isang
pahinang papel ang iyong kuwento.
C. Bungkal -- Kabatiran
Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang
kaniyang naging batayan sa pag-uutos na palakasin
ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang
katwiran. Mahina sa Ingles ang mga estudyante,
ayon sa taya ng noo’y Pangulo. Nagulat siya nang
malaman na maraming bakanteng trabaho sa mga
call center ang di napupunuan dahil bumagbagsak
sa eksaminasyon sa Ingles ang mga aplikante.
Dagdag pa niya, Ingles at wika ng Information at
Communication Technology o ICT. Ang solusyon ng
Pangulo sa problema ay ang agarang pagpapalakas
sa Ingles bilang wikang panturo.
Ang naging hakbang na ito ng noo’y Pangulong
Arroyo ay itinuturing na hindi makatwiran. Ito ay
dahil sinalaula nito ang konstitusyong pangwika
upang tugunan ang trabaho sa mga call center.
Ang pangangailangan sa mga kababayan nating
mahusay magIngles para punan ang mga posisyon
sa mga call center ay pansamantala at limitado
lamang. Dahil ang totoo, may 40,000 hanggang
60,000 trabaho lamang ang naghihintay sa mga
call center. Hindi makatwirang ibatay ang
patakarang pangwika ng buong sistemang pang-
edukasyon sa kakarampot na trabaho lamang.
Marso 3, 2014 Pagbuo ng panibagong liham-pestisyon na naka-address sa CHED.
Pinamunuan ito nina Dr. David Michael M. San Juan, convenor Tanggol
Wika sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas (kapwa
mula sa DLSU). Kasama sina Prop. Jonathan Geronimo, Prop. Crizel Sicat-
De Laza ng University of Santo Tomas (UST), mga kaibigan at mga
kakilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad. Nilahok ito ng mga guro
mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UST, UP Diliman at UP Manila,
Ateneo de Manila University, PNU, San Beda College-Manila, PUP-
Manila, National Teacher College, Miriam College (MC) atbp., at mga
samahang pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga
Tagapagtaguyod sa Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL), at
humigit-kumulang 200 pirma.

Mayo 23, Pinagtibay ng National Commission on Culture ang the ArtsNational Committee
2014 on Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na “HUMUHILING
SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG
REPUBLIKA NG FILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG
UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS
TERSYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO” na
nagsasaad na:”…puspusan lamang masusunod ng Konstitusyong 1987 sa
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilangwika
ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon kung mananatili sa antas tersyarya
ang asignaturang Filipino…”
Hunyo 20, Inilabas naman ng KWF ang “KAPASYAHAN NG KALIPUNAN ANG
2014 MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014… NA NAGLILINAW
SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM
BLG. 20, S. 2013.” Iginigiit ng nasabing kapasyahan ng KWF ang
“pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-
uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi
naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang
disiplina—na pagkilala sa Filipino bilang pintuan ng karunungan at
hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang
pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na
“kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa
kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20,S. 2013
ay ituro gamit ang Wikang Filipino.”
Hunyo 2, 2014 Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay
nakipagdiyalogo sa 2 komisyoner ng CHED na sina
Commission Alex Brillantes at Commissioner Cynthia
Bautista at mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at
Marinduque State University.
Hunyo 16, Sa pagtataguyod nina Dr. David Michael M. San Juan,
2014 convenor Tanggol Wika at Dr. Antonio Contreras at
paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diyalogo na
muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-
recovene ang Technical Panel/Technical Working Group sa
Filipino at ang General Education Committee, kasama ang
mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.

Hunyo 21, Beinvenido Lumbrena, National Artist – Isa sa mga


2014 Tagapagsalita sa Forum at paglahok ng halos 500 delegado
mula sa mga kolehiyo, inibersidad at organisasyong
pangwika at pangkultura, nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum sa DLSU—Manila.
Hulyo 4, Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga
2014 naisin ng Tanggol Wika.

Agosto, Inilabas ng dokumentaryong gaya ng “Sulong Wikang


2014 Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbrera) at
“Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para kanino?

Setyembre Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling Salita:


2014 Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa”.
Abril 15, 2015 Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbrera, ACT Teachers
Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep.
Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at
mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at
unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado
ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng
ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon.
(Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang
pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R No. 217451 (Dr.
Bienvenido Lumbrera, Pambansang Alagad ng Sining, et al.
vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong
komisyuner ng komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHED] Dr.
Patricia Licuanan).

Abril 21, 2015 Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito
ay kinatigan ng korte Suprema ang Tanggol Wika sa
pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order
(TRO).
Hulyo 18, 2016 Lumabas ang CHED Memo na may paksang
Clarifaction on the Implementation of CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013
Entitled “General Education Curriculum; Holistic
Understandings, Intellectual and Civic
Competencies”

Setyembre 23, Sa pamumuno ng Departamneto ng Filipinolohiya


2016 ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai,
tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng
kapatid na organisasyong Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol
Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang
panunumbalik ng asignaturang Philippine History
sa hayskul(sa ilalim ng K to 12 ay wala nang
required na Philppine History subject)
Hulyo 12, 2017 Lumabas ang isa pang memorandum ng
tagapangulo ng CHED— Dr. Patricia Licuanan at
may paksang Clarification on the Offering of
Filipino at Panitikan Courses in All Higher
Education Programs), na hindi naman nila
gaanong ipinalapag.
Agosto 9, 2017 Natanggap ng Tanggol Wika ang isang
“manifestation ang motion” sa Korte Suprema ng
Office of the Solicitor General.

Agosto 25, 2017 Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos Na Para sa


Makabayang Edukasyon (KMEd).
Ang maaring kahihinatnan ng mga
naging pagkilos ng Tanggol Wika, mainam
nang mairehistro pa rin sa mga pahina ng
kasaysayan ang mga susing argumento ng
Tanggol Wika para sa pagkakaroon ng
Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Kailanman ay laging mananaig ang


halaga ng Wikang Pambansa sa kalinangan
ng mga Filipino.
Introduksiyon Gawain 1

Panuto: Pumili ng isa sa mga nakatala sa ibaba at sikaping


maipaliwanag ang ng mga sitwasyon o pangyayari.

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang


mabisang wika ng Komunikasyon.
2. Magbigay ng isang sitwasyong, nagpapabuti kung paano
ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng
komunikasyon.
3. Magbigay ng isang pangyayari sa ating kasaysayan na
nagpapatunay na ang wika ay nagbubuklod ng bansa.
4. Ano ang iyong opinyon sa usapin na naging purista ang
SWK?
Introduksiyon Gawain 2

pumili ng dalawa mula sa bilang 1-5. magbigay ng


sariling karanasan at/o obserbasyon batay sa
paggamit ng Wikang Filipino sa:

1. Lugar Umpukan
2. Paaralan
3. Pamilihang bayan
4. Paradahan
5. Kapilya/simbahan

You might also like